Chaper 14

44 6 2
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas si Miah at Gello at mukhang pareho silang lasing na. May hawak pa na beer si Gello at si Miah ay papikit pikit na.

"Oh? Bati na kayo?" Tanong ni Gello. "Hala, pare, bati na sila! Painom ka naman d'yan, Caleb!"

"Shut up." Sabi ni Caleb at ininuman ang beer.

"Ay, Evie alam mo ba. Nagdadrama 'yang si Caleb buong linggo kasi hindi mo daw s'ya pinapansin! Mamamatay na raw s'ya, hindi n'ya kayang mawala ka!" Dagdag pa ni Gello na ikinatawa ko.

"Pre, pre si Evie oh! Lapitan mo na, miss mo na s'ya 'diba?!" Natawa naman ako sa pang-aasar ni Miah kay Caleb. "Yieee, lalapitan n'ya na 'yan."

"Shut up you two! Go home, even better." Inis na sabi ni Caleb at inubos ang laman ng beer n'ya.

Inakbayan naman ni Gello si Caleb at tinuro ako. "Evie, Evie! Huy, pre ayun si Evie oh! Yiee lalapitan na 'yan."

Napapailing na lang ako sa mga pinagsasasabi nila habang si Caleb ay halatang asar na asar na sa pinagsasabi ng mga kaibigan n'ya. Wala rin naman s'yang magagawa dahil ang sabi ni Miah siya ang mag-uuwi sa kanila dahil si Caleb na lang ang hindi lasing.

"Pero alam mo ba, Evie. 'Yang si Caleb lab na lab ka n'yan! Isipin mo ang haba haba ng binabyahe n'ya tapos lagi pa s'yang puyat sa pag-aaral tapos tyatyagain ka n'yang puntahan sa condo n'yo!" Sabi pa ni Gello at inakbayan si Miah.

"Tapos, alam mo ba, bago n'ya imeet parents mo nagtext pa 'yan sa gc namin! Kinakabahan daw s'ya, pero sabi namin, kaya n'ya 'yon!" Dagdag n'ya pa.

"Alam mo ba tawag doon, bro?" Tanong ni Gello kay Miah.

"Ano?" Tanong ni Miah.

"Love 'yun, bro!"

Nagulat naman ako nang biglang mapasandal si Miah kay Gello at mukhang lasing na lasing na talaga. Inalalayan naman s'ya ni Gello patayo.

"Pucha! Miah! Huy, Jeremiah! Ano, brownout na ba sa utak mo?! Hina mo naman, pass out ka agad!"

Napailing na lang ako at natawa. Si Caleb naman ay asar na asar na lang pero hinahayaan lang ang mga kaibigan n'ya. Kinuha naman ni Caleb ang susi sa bulsa n'ya at tumingin sa akin.

"I'll take these weirdos home then, I'll come back to take you home too." Sabi n'ya at akmang tatalikod.

"Wait, 'wag na!" Sabi ko na nagpaharap sa kan'ya. "I'll go home with my friends. Matulog kana after."

"You sure?" Tumango naman ako. "Okay, take care."

Ngumiti naman s'ya bago tuluyang umalis. Bumalik na rin ako sa loob at nakitang nakabalik na sina Kira at Lexi sa pwesto namin. Pag-upo ko ay agad akong inabutan ni Addie ng cocktail.

"Oh, anyare?" Tanong ni Tily.

Hindi ako sumagot pero pilya akong ngumiti at ininuman ang baso ko. Halos madura ko naman 'yon nang batukan ako ni Addie.

"Bati na kayo?!" Tanong ni Addie.

"Oo! At manliligaw ko na pala s'ya!" Sabi ko at nakangiting inubos ang cocktail.

"Manliligaw mo na s'ya?!" Gulat na tanong ni Kira.

"Duh, ganda ko lang 'no!" Sabi ko pa at um-order ng beer.

"Yabang." Nakangiwing sabi ni Lexi.

"Ay, teka nga! May kasalanan kang gaga ka!" Sabi ko kay Lexi.

"What?" Tanong n'ya.

"What, what ka d'yan! Inutusan mo pala 'yung Shayne para bistuhin ako! Leche ka!" Sabi ko.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now