"Magpapractice ka?" Tanong ko nang makaupo kami at kinuha n'ya ang gitara.
"Oo. Okay lang ba?" Tanong n'ya.
"Oo, libre at advance kong mapapanood ang concert mo." Sabi ko at tumawa.
Tumawa lang din s'ya at pinwesto ang capo sa dapat paglagyan. Sinimulan naman na n'yang kalabitin ang gitara at kumanta.
"Wait, anong title n'yan?" Tanong ko.
"Perpektong bituin."
My mouth formed an 'o' before looking at the guitar again.
"Perpektong bituin, nakatingin mula sa malayo..." Pag-uumpisa n'ya. "Nakikita mo ba ako? Sa dinami rami ng tao..."
"Mapapansin mo pa kaya ako? Kapag nasa malayo, mukhang malabo..." Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kan'ya.
"Nagniningning sa ilaw ng perpektong bituin..." Nakapikit s'ya habang kumakanta at hindi ko maiwasang hindi humanga dahil naililipat n'ya pa rin ang chord kahit na nakapikit s'ya.
"Nasa malayo... hanggang sulyap na lang talaga ako.." Pagpapatuloy n'ya.
Habang nagpapatuloy s'ya sa pagkanta ay napatitig ako sa mukha n'ya. Lumingon naman s'ya sa gawi ko at minulat ang mata bago ako nginitian at binalik ang tingin sa gitara.
"Ang ganda!" Sabi ko at pumalakpak nang matapos s'ya.
"Thank you." Sabi n'ya at binaba ang gitara.
"May tanong ako." Sabi ko na nagpalingon sa kan'ya.
"Ano?" Tanong n'ya.
"Ba't binigyan mo'ko ng libreng ticket? Tsaka, VIP pa." Sabi ko.
"Gusto kasi kita makita agad." Nakangiti n'yang sabi.
"As if naman makikita mo'ko sa dami ng tao doon 'no" Sabi ko.
"Kahit gaano pa karami 'yung tao doon, hahanapin pa rin kita." Umiwas na lang ako ng tingin at humigop sa kape ko nang sabihin n'ya 'yon.
"Gusto mo ba kumain? May pizza sa baba, teka kukuha lang ako." Paalam n'ya at umalis.
Ngumiti na lang ako at tumingin sa kawalan. Nilingon ko naman ang gitara n'ya na nasa tabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago kinuha 'yon.
Sinimulan ko naman ang pagkalabit sa gitara at naramdaman ko na agad ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I cannot accept it.... somebody tell me why.." panimula ko. "I think I'll need some stitches now, 'cause I feel that wound deep inside... the pieces..."
I'm just starting but I can already feel the heat of the tears starting to fill on my eyes.
"Of my broken heart... are shattered right there on the floor can't help but feel a little sore 'cause you...." May ilang luha na ang nakatakas sa mata ko at tumulo sa gitara.
"You were never mine but I-"
Napatigil naman ako nang biglang may pumalakpak sa gilid. Napatingin ako roon at nakita si Caleb na nakanganga at dahan dahang pumapalakpak.
Dali dali ko namang pinunasan ang luha ko at binaba ang gitara n'ya.
"S-sorry, napakialaman k-ko. A-akala ko... uh- akala ko ano... kumuha ka n-ng pizza?" Pag-iiba ko ng topic.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.