A/N: To remind you again, songs in this story is originally composed by yours truly. Again, Plagiarism is a crime. If any of these lyrics are given tune, youtube vids that are stating that they own it or without my permission will be given the right consequence. I have people who monitor this.
Nagseselos ba s'ya? Hanggang makauwi ay hindi mawala ang lihim na ngiti ko. Kaya pag-uwi namin ng condo ay umupo agad ako sa couch at chinat s'ya sa instagram.
chlvrlgh: crush mo na ako 'no?
c_Illustre: whatever.
chlvrlgh: okay lang naman 'no. maiintindihan ko naman. kasi sino ba namang hindi mafafall sakin. ang hirap pala 'pag ganoon 'no? laging may nagkakagusto sa'yo. hays.
c_Illustre: not funny.
Ngumuso na lang ako at hindi na nagreply doon. Nandito lang kami sa sala at nanonood ng teleserye, kulang nanaman kami dahil wala si Kira at Lexi. Si Kira kasi ay nasa kwarto nila at natutulog habang si Lexi naman ay nagpapalit ng damit. Paglabas n'ya ay halos sabay sabay kaming napatingin sa kan'ya nang makitang naka-fitted black dress s'ya at black coat na naka-hang lang sa may bandang siko n'ya. She's also glammed up and naka-heels.
"I'm already falling apart..." Sabi n'ya habang paika ikang naglakad palapit sa amin. "I feel like I'm coming home from the bar or something. That's how I feel in this outfit."
"Ba't kasi gan'yan 'yang suot mo?" tanong ni Tily.
"Remember my friend I told you noong isang day?" Tanong n'ya.
"Sa dami ng kaibigan at kakilala mong kinukwento sa amin. Tingin mo ba, maalala pa namin?" Tanong ni Addie.
"Oh." Napaisip s'ya saglit. "Anyway, tonight is the opening of her sister's club so she invited me and I'm inviting you." Sabi n'ya.
"So, go bihis na! Ayaw naman natin malate right?"
"Gan'yan ka na ba ka-conyo mula nung pinanganak ka?" Tanong ko.
"Uh- no naman. Siguro, nung natuto na ako mag-talk." Sagot n'ya.
"Joke lang kasi! Sineryoso talaga?" Sarkastiko kong sabi at naglakad na papunta sa kwarto.
"Hurry up na!" Sabi n'ya pa.
"Oo na!" Sabi ni Addie.
"Wake Kira na rin." Utos n'ya pa na pinandilatan lang ni Addie.
Nagsuot na lang ako ng white bralette top and white skirt to match. I also put on stilettoe boots that are glittered with silver and necklace and earrings that's also glittered with silver to match my shoes and got my light brown coat and hanged it also on my arms.
Naglagay rin ako ng light makeup dahil hindi rin naman ako gaano kasanay magmake up. Kinapalan ko na lang ang lip gloss ko para 'yon na lang ang magdala sa buong makeup ko. Pinlantsa ko lang saglit ang buhok ko para kahit papaano ay tumuwid pa ito.
Pagkatapos ay lumabas na ako at nakitang ako na lang pala ang inaantay. Nakita ko silang bored na nakatingin sa akin at parang sinasabi pang napakatagal ko. Nag-peace sign na lang ako at nauna nang lumabas.
Ginamit namin ang kotse ni Addie dahil tamad daw mag-drive si Tily ngayon. Normally kasi kotse n'ya ang dala namin dahil s'ya naman talaga ang nag-uuwi sa amin. Akala mo naman hindi rin magdadrive mamaya 'pag uuwi na kami.
9:30pm kami umalis ng condo at 10pm na kami nakarating. Malayo layo rin pala ito kaya pinapamadali kami ni Lexi kanina. Pumasok naman na kami at dumadagundong na music ang sumalubong sa amin. Marami-rami na ring tao dahil ang sabi ni Lexi ay kanina pang 8:30 nagstart.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.