"Can you tell me honestly, Andrei. Totoo ba yon?"
Nasa floor ako ng engineering department ngayon dahil gusto ko talagang maliwanagan sa mga nangyayari. Ayokong mawala ang pareho kong kaibigan kaya mas gugustuhin ko na malaman lahat. Magsasalita naman na sana si Andrei pero biglang sumulpot si Harry.
"Kailangan pa ba itanong 'yan, Evie? The fact that Kira is in pain, is enough reason to know if he did something stupid." Sabi n'ya.
"I just want to hear his side." Kalmado kong sabi ko.
"Bahala ka," Sabi n'ya at humarap kay Andrei.
"Sana hindi mo pinakawalan yung babaeng tinanggap lahat ng bad sides mo magstay ka lang. 'Yung kaya tiisin lahat ng sakit, pangbabalewala at oras na hindi mo mabigay sa kan'ya. Pero mukhang natauhan na s'ya." Umiling si Harry at humarap sa akin.
"Ingat ka. Sabihin mo lang pag may kailangan kayo. Una na ako." Paalam n'ya at sinamaan pa ng tingin si Andrei bago umalis.
Huminga naman ako ng malalim at tinignan s'ya. His eyes are mixed with sadness, regret and pain. Naluluha naman akong umalis ng engineering department nang marinig lahat ng sinabi ni Andrei. He's my bestfriend, so is Kira and Harry. Mahirap para sa aming lahat ang sitwasyon namin ngayon.
It hurts so much seeing my friends slowly losing themselves. Huminga na lang ako ng malalim at pumasok sa klase ko. Nang mag-dismissal, pakiramdam ko ay nanghihina ako. Wala akong naintindihan buong araw dahil marami akong iniisip at kahit pilitin kong ifocus ang sarili ko sa sinasabi ng mga Prof ay wala talaga akong maintindihan.
"Doc, how's my Mom?"
Nang makapagpalit na ako ng damit ay dumiretso na ako sa ospital. Dito na muna ako matutulog dahil si Daddy ay kailangang umattend ng importanteng meeting.
"She's fine. Mayroon lang kaunting side effects ang mga iniinom n'yang gamot pero hindi naman malala. I suggest na imonitor n'yo kung umiinom ba s'ya ng gamot sa tamang oras because this will help her on her upcoming operation."
Tumango naman ako at lumapit na kay Mommy nang makaalis ang doktor. Natutulog na si Mommy dahil 10pm na rin at hindi s'ya pwedeng mapuyat. I yawned and looked at myself in the mirror na nakalagay sa side table. Halatang halata na ang eyebags ko dahil sa puyat at siguro dahil din sa pag-iyak nitong mga nakaraang araw.
Huminga naman ako ng malalim at umupo doon sa couch. Kinuha ko na rin ang mga libro ko at nag-aral, kailangan kong humabol dahil wala talaga akong nagegets sa mga lecture.
"Babe? Are you okay?"
Nagmulat naman ako ng mata at nakita si Caleb. Nakatulog pala ako habang nag-aaral.
"Anong oras na? Tsaka, ba't ka pala nandito?" Tanong ko.
He sighed and sat down beside me. Kinuha n'ya rin ang libro na hawak ko at inayos ang buhok ko.
"It's 2am already. And, this is our hospital. Nalaman ko na dito pala naka-admit ang Mommy mo. How is she?" Tanong n'ya.
"Okay naman daw sabi ng doktor. Ituloy tuloy lang daw ang pag-inom n'ya nang gamot." Sabi ko at nagstretch dahil nangalay ako.
"You fell asleep. I heard the incident with Andrei, are you okay? Is that the reason why you're so exhausted?"
"Ewan. Sa sunod sunod ba naman na mga nangyayari sa buhay ko, ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko. Hindi ko na alam. Pati pag-aaral ko hindi ko na nga matutukan e." Sabi ko.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.