Chapter 17

48 6 0
                                    

Kinabukasan, dinala ako ni Caleb sa isang restaurant para maglunch at pagkatapos ay doon daw kami sa bahay nila at niyaya ako ni Tita mag-dinner doon. Habang kumakain ay naiilang ako dahil may mga taong tumitingin sa amin. Si Caleb naman ay parang walang pakialam. Ito na nga ba 'yung sinasabi ko e, ang hirap 'pag nasa limelight 'yung jowa.

"Hey, don't mind them." Nilingon ko naman si Caleb nang sabihin n'ya 'yon.

"Nakakailang e." Sabi ko.

Natawa na lang s'ya at nagpatuloy sa pag-kain. Nang matapos kami ay dumiretso na kami sa bahay nila. Pagdating namin doon ay nakasalubong namin si Clyde na may kausap sa phone. Mukha s'yang problemado na nag-aalala na hindi ko maintindihan.

"Hey, Hailey? I'm on my way. Where are you?"

Dinig kong sabi n'ya bago nagpatuloy sa paglalakad. Ni hindi n'ya nga kami pinansin dahil mukhang nagmamadali s'ya. Tinignan ko naman si Caleb at mukhang nagtataka rin sa inasta ng kapatid. Nilingon n'ya din ako nang mapansing nakatingin ako sa kan'ya.

"Girlfriend n'ya ba 'yon?" Tanong ko.

"I don't know." He shrugged. "Let's go."

Nang makarating kami sa kusina ay nakita namin ang Mommy n'ya na inaayos ang apron n'ya. Nilingon naman n'ya kami at matamis na ngumiti bago lumapit sa amin.

"Evie, do you want to cook with me?" Tanong ni Tita.

"Sige po." Nakangiti kong sabi.

"Great. So what do you-"

"I'm starting to get jealous."

Sabay naman kaming napalingon ni Tita kay Caleb nang bigla s'yang magsalita. Pinagkrus n'ya naman ang braso sa tapat ng dibdib n'ya at patagilid na sumandal sa countertop.

"Why?" Tanong ko.

"Look at Mom, I'm her son but then she paid attention to you and Mom, she's my girlfriend." Sabi ni Caleb.

"Oo nga. Kaya mabuti pa, get out of here 'cause you don't know how to cook." Sabi ni Tita.

"Me? Whatever." Sabi n'ya at naglakad paalis.

Natawa naman ako at nilingon si Tita na natatawa na rin. "Does he cook?"

"Po? Ah, opo." Sagot ko.

"Oh, I thought he still doesn't know." Sabi ni Tita at napalunok.

"Kailan po ba 'yung huli n'yong uwi?" Tanong ko.

"Last year." Napatango naman ako.

Nakita ko naman na parang nalungkot s'ya dahil may hindi na s'ya nalalaman sa anak n'ya. Ngumiti naman ako at tinignan si Tita.

"Medyo matagal pa naman po kayo dito e. Mas marami pa po kayong malalaman tungkol sa kanila ni Clyde." Sabi ko at ngumiti.

"Your right." Sabi n'ya at ngumiti rin. "Oh, let's cut the dramatic things. Can you check on him, please, before we cook?"

Tumango naman ako at ngumiti bago umalis para puntahan si Caleb. Malaki ang bahay nila at hindi ko kabisado kaya nang makita ko ang isang helper ay nilapitan ko iyon.

"Hello po, uh- si Caleb po ba nakita n'yo?" Tanong ko.

"Kayo ho 'yung girlfriend n'ya 'diba? Nasa garden po si Sir." Sagot n'ya.

"Ah sige, thank you po." Sabi ko at naglakad papunta roon.

Nang makarating ako sa garden nila ay nakita ko s'yang nakatalikod at nakaupo sa bench. Huminga naman ako ng malalim bago naglakad papalapit sa kan'ya. Niyakap ko s'ya galing sa likod at pinatong ang baba sa balikat n'ya. He tilted his head so that he could see me and when he did I smiled at him.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now