The next day, we don't have classes for some reason. Balak ko sanang magstay lang sa condo buong araw pero itong si Andrei ay niyaya akong lumabas. Pumayag na rin naman ako dahil wala nga naman kasi akong gagawin dito. Nandito kami ngayon sa isang cafe at si Andrei ay nag-aaral.
May dala s'yang dalawang libro, isang notebook, mga ballpen at calculator. Sinilip ko ang ginagawa n'ya at nakitang puro numbers 'yon. Kumunot ang noo ko at nagtatakang umupo ng maayos.
"Bakit pinapahirapan mo pa 'yang sarili mo sa pag-aaral ng engineering kung magpipiloto ka pala?" Tanong ko.
"Gusto ko lang." Sabi n'ya at natawa.
Ngumiwi na lang ako at humigop sa kape ko. "So, niyaya mo'ko dito para panoorin ka mag-aral ganoon?"
"Oo, malay mo maimpluwensyahan pa kita." Sabi n'ya at ngumisi.
"Nag-aaral ako, hoy." depensa ko.
"Weh?" Sabi n'ya na para bang hindi talaga kapani-paniwala.
I mocked him and rolled my eyes before sipping my coffee. We stayed like that for a couple of seconds before I called him.
"Drei." Tawag ko.
"Oh?" Tanong n'ya nang hindi tumitingin sa akin.
Napaisip pa ako kung itatanong ko ba sa kan'ya 'yon kaya mukhang natagalan s'ya sa akin at tinignan na ako at uminom sa kape n'ya.
"Paano ba malalaman 'pag may gusto ka na sa isang tao?" Napaigtad ako nang masamid s'ya sa tanong ko.
He cleared his throat and looked at me, like I said something beyond his understanding.
"Seryoso ka?" Takang tanong n'ya.
"What? Nagtatanong lang naman ako." Sabi ko.
"You do know that..." pagbibitin n'ya sa sasabihin. "I don't know a thing or two 'bout those kinda things."
"Okay, I'm just asking." I shrugged.
"Bakit?" Tanong n'ya at nilapag ang ballpen bago nakapalumbabang tinignan ako. "May nagugustuhan kana ba?"
Tinignan ko s'ya at nakangusong inirapan s'ya. "Si celebrity med-student 'no?" Tanong n'ya.
Natawa naman ako at napailing. "Ba't ba gan'yan 'yung tawag mo sa kan'ya?!" Natatawang tanong ko.
"Ano ba kasing pangalan non?" Tanong n'ya.
"Caleb." Sabi ko. Tumango tango naman s'ya at naningkit ang mata na para bang may iniisip.
"Are you sure wala ka talagang gusto doon sa Caleb na 'yon?" Tanong n'ya.
"Pati ba naman ikaw?! Happy crush nga lang e!" Sabi ko.
"What? I'm just asking. Well, I won't judge and I would totally understand if ever you have feelings for him." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.
"Hindi, okay? Allergic ako sa love love na 'yan." Sabi ko.
"I'm just worried. First, he's like that to everyone. Second, I don't want you to get hurt and third, baka mamaya nagaassume ka na ng mga bagay bagay habang sa kan'ya e wala lang."
"As if, I don't know that." I said and rolled my eyes. "At isa pa, relax ka lang nga! We're just friends."
"Ewan ko, iba pakiramdam ko e. Tanga ka pa naman." Sabi n'ya.
"Aba, Andrei ang kapal mo naman!"
"Just tell me if you already start having weird feelings. I'm always here to help. You can count on me." Sabi n'ya.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.