"Excuse me."
Matalim pa rin ang tingin ko sa kan'ya hanggang makaalis s'ya. His body became more matured and his voice became lower, I think. Napataas naman ang kilay ko nang mapansing naka-white shirt s'ya. I guess, only one thing will last forever, his white shirts.
"Chloe," Nakuha naman ni Lia ang atensyon ko nang tawagin n'ya ako at may dalang acai bowl. "Belle called." Sabi n'ya at inabot sa akin ang pagkain.
"Anong sabi?" Tanong ko.
"She just asked if you're comfortable with the guest. So, are you?" Tanong n'ya.
Huminga naman ako ng malalim at tinignan s'ya. "I don't know."
"Why? Do you have a beef with Caleb Illustre?" Curious n'yang tanong.
Umiwas naman ako ng tingin at lumapit sa kan'ya. "He's my ex." Bulong ko.
Nanlaki naman ang mata n'ya at napatakip sa bibig. Nilingon n'ya ang gawi ni Caleb at binalik ang tingin sa akin, mukhang gulat na gulat.
"You're w-what?"
"My ex." Simpleng sagot ko at iniwan na s'ya roon.
Naglakad ako papunta sa isang bleacher at doon nagsimulang kainin ang binigay n'ya. Nakita ko naman s'yang sumunod sa akin at umupo sa katabi kong bakanteng bleacher.
"So, that's why Belle asked me if you're comfortable with him. Gosh, I didn't know. Do you want me to tell the producer to-"
"Huwag na. Nand'yan na rin lang, ba't 'di ko pa tanggapin. Tsaka, naka-move on na rin naman ako e. Malamang, pati s'ya, so I guess we'll just act professional." Sabi ko.
Napailing na lang ako at inubos ang kinakain ko. Umalis na rin ako sa bleacher at lumapit sa concert team para mag-usap na. I know that they know what's going between the two of us 5 years ago because some of them were part of the teams of our concert before.
"Miss Chloe, last song po ang sa inyo ni Sir Caleb. Okay lang po ba?" Tanong ng isang babae.
Napalingon naman ako kay Caleb na ngayon ay nakapamulsang tinignan rin ako. Nilipat ko ang tingin kay Lia na kagat ang ibabang labi at nakatingin sa baba. Ba't parang s'ya pa ang naawkwardan?
"I don't see any problem." Sabi ko.
"Kayo po?" Tanong n'ya kay Caleb.
"Fine with me." Sagot n'ya.
"Okay po. Uh- magstart na po tayo ng rehearsal?" Tanong n'ya.
Nagkatinginan naman kami ni Lia at nagtaka na, what the hell? Bakit kailangan nandito s'ya, pwede namang mamaya na pumunta dito si Caleb since huling kanta pa naman ang kasama ko s'ya. Sinenyasan ko si Lia na gawan ng paraan ang sitwasyon namin.
"Excuse me, but, I don't think Chloe will be able to do that. She has a shoot in an hour and I don't think she'll be able to rehearse with him today." Sabi ni Lia.
"Oh, baka... pwede naman nating irehearse muna 'yung sa inyo kasi kailangan ring bumalik ni Caleb sa ospital mamaya, he has patients." Sabi ni Mama Yna este- Miss Yna.
"Can we just resched the rehearsal?" Singit ko sa usapan.
Nilingon naman ako ng concert team bago sila nagkatinginan at nagbulungan. Binalik naman nila ang tingin sa akin at tumango.
"Tomorrow po ng 5pm."
Tumango naman ako at naglakad na paalis. Dumiretso naman kami sa parking at nakita ko ang isang Rolls Royce sa tabi ng van ko. Umiwas naman ako ng tingin nang makitang si Caleb ang may-ari noon at pumasok na s'ya roon. Napailing na lang ako at pumasok sa van.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.