Chapter 20

47 6 0
                                    

PS: Songs in this story is originally composed by yours truly. Again, Plagiarism is a crime. If any of these lyrics are given tune, youtube vids that are stating that they own it or without my permission will be given the right consequence. I have people who monitor this.



"Evie! Later will be the release of your song! I'm so happy for you!"

Napatingin naman ako kay Belle na masayang masaya habang may binabasa sa laptop n'ya. Nandito kami ngayon sa unit namin kasama si Addie at Tily dahil 'yung tatlo ay may mga lakad. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay in-ooffer lang sa akin ni Caleb ito ngayon ay marerelease na s'ya.

Nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko na bibisita muna ako sa bahay namin dahil namimiss ko na rin sila Mommy. Pagdating ko doon ay dumiretso na ako sa dining dahil naroon daw si Mommy, nasa trabaho pa daw si Dad kaya s'ya lang ang narito.

Kumunot naman ang noo ko nang makita si Mommy na nakatalikod at nakahawak sa tyan n'ya. Anong meron? Taka naman akong lumapit at mukhang naramdaman n'ya ang presensya ko kaya nilingon n'ya ako. Mas lalo naman akong nagtaka nang makitang namumutla s'ya.

"Mom, okay ka lang? Namumutla ka." Sabi ko at hinawakan ang leeg n'ya.

Hindi naman mainit. Mukha namang wala s'yang lagnat pero bakit ganoon?

"Okay lang ako. Why are you here? Hindi ba dapat busy ka at premiere na ng song mo mamaya." Sabi n'ya.

"Wala naman. Gusto ko lang bumisita." Sabi ko.

Kumain lang kami saglit at nag-usap bago ako nagpaalam dahil balak kong pumunta ng mall at mamili. Nagulat naman ako nang may ilang mga taong lumapit sa akin para magpapicture. Ang alam kong alam ng mga tao kapag nakikita at naririnig ang pangalan ko ay girlfriend ako ng singer at kaibigan ng mga artista at public figures kaya never akong nag-expect ng mga ganito.

Dumiretso na lang ako sa isang clothing store at namili ng damit. Kaunti lang ang tao kaya hindi gaanong mahaba ang nakita kong pila sa cashier nila. Kinuha ko naman ang phone ko nang tumunog iyon at nakitang nagtext si Lexi na all set na ang party ko mamaya. S'ya ang nag-volunteer na iarrange iyon kahit ayoko naman pumarty.

"Excuse me."

Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita at kumunot ang noo nang makilala s'ya. S'ya iyong kasama ni Miah noong isang araw, 'yung mukhang artista.

"Hi! Jas, right?" Tanong ko.

Nilingon naman n'ya ako at mukhang nakilala din. Ngumiti naman s'ya at tumango. Napako ang tingin ko sa dimple n'ya sa kaliwang pisngi. Mas matangkad s'ya sa akin at maputi s'ya. Sa overall n'yang appearance mukha s'yang mabait at mayaman.

"Oh, Evie?" Paniniguro n'ya.

"Yeah." Nakangiting sagot ko. "I was wondering... artista kaba?"

"Oh-"

Sasagot na sana s'ya pero biglang sumulpot si Miah sa likod n'ya. Anong ginagawa nilang magkasama sa clothing store? Oh, sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka, clothing store 'to malamang bumibili sila ng damit!

"Hoy, napakatagal mo kapag ako talaga nainis iiwan- oh, Evie! Musta?" Natawa naman ako sa biglang pagbago ng mood ni Miah nang makita ako.

"Hi! Mauna na ako, bye!" Kumaway muna ako bago naglakad paalis.

Nagtaka naman ako nang may makitang mga posters sa mall na may nagaganap na mall show ngayon. Napatango na lang ako ng makitang may picture ni Caleb doon. Baka may mall show s'ya ngayon. Hindi ko naman alam.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now