"Guys!!"
Bigla kong nabitawan ang sandok na hawak ko dahil sa gulat nang biglang sumigaw si Lexi na kalalabas lang ng kwarto.
"Ay, jusmeyo marimar! Ano ba?! Ba't ka nanggugulat?!" Inis na tanong ko at pinatay muna ang kalan.
"Girls, wala tayong pasok hanggang Monday! Long weekend!!" Masaya n'yang sabi na nagpangiwi sa amin.
"Bakla ka! Nanggugulat ka dahil long weekend, baka palayasin ka ng mga kapitbahay natin dahil d'yan sa ingay mo." Sabi ni Tily.
Napailing na lang ako at binalik ang atensyon sa pagluluto. Friday na ngayon kaya naman tuwang tuwa si Lexi na walang pasok bukas hanggang sa Lunes. Nang matapos ako ay nilagay ko na 'yon sa mesa at inaya silang kumain.
"Omg, I have a brilliant idea." Biglang sabi ni Lexi sa gitna ng pag-kain namin.
"Ano?" Tanong ni Nica.
"Outing tayo." Suhestiyon n'ya.
"Saan?" Tanong ni Tily.
"Subic. Ano? Are you in?" Tanong n'ya.
"Sige. Ambagan?" Tanong ko.
"No, no, no. I'll take care of everything and you just need to come." Sabi n'ya at kinuha ang cellphone at parang may tinatype roon.
"Ikaw na? As in, hotel, service, food, driver everything?" Tanong ni Addie.
"Well, yeah." Sabi ni Lexi at tinuloy ang pagtipa sa cellphone.
"Sure ka?" Paniniguro ni Tily.
"Yes nga." Sabi ni Lexi ng hindi tumitingin kay Tily.
"Alam mo ikaw, hindi mo alam 'yung salitang 'pagtitipid'." Sabi ni Kira.
"Well... alam ko naman." Sabi n'ya at tinigil ang pagcecellphone. "I just don't know how to do it."
Napairap na lang ako sa pagiging gastadora nitong si Lexi. Bukas na daw ng 6am ang alis namin dahil dalawang oras ang byahe papunta sa Subic para maaga raw kaming makapunta doon.
Kinabukasan, antok na antok pa ako pero pinilit ko na ang sarili kong bumangon dahil alam ko naman sa sarili kong ang bagal kong kumilos. Papasok na sana ako sa CR nang biglang magsalita si Tily.
"Maliligo ka pa?" Tanong n'ya.
"Oo." Sabi ko.
"Wag na! Pagliguan na nga 'yung pupuntahan natin tapos maliligo ka pa! Tara na, 5:55 na oh ikaw na lang nanaman inaantay. Magbihis ka na lang!" Sabi n'ya na ginawa ko naman.
Nagsuot na lang ako ng white two piece at pinatungan 'yon ng maong shorts at blue blouse na tinali ko na lang ang baba para hindi ko na ibubutones. Paglabas ko ay nakita ko ang mga kaibigan kong nakaayos na rin.
Si Addie ay malamang naka-one piece dahil may suot s'yang backless red top at white and black trouser. Si Tily naman ay naka floral off-shoulder top at white shorts, malamang nasa loob ang swimsuit.
Si Lexi naman ay naka pink strapless bra at white satin pants habang may sunglasses na nakapatong sa ulo n'ya. Si Kira ay naka floral long dress at kitang kita ang strap ng two piece n'ya dahil off shoulder 'yon.
Habang si Nica naman ay naka crop top at shorts na nasa loob ay ang swimsuit n'ya.
"Tara?" Aya ko.
Sumunod naman sila at lumabas na. Nang makarating kami sa lobby ay dumating ang van ni Lexi kaya pumasok na rin kami agad. Naging mabilis lang naman para sa akin ang byahe dahil hindi naman ako nabored, puro kadaldalan kasi ng mga kaibigan ko ang naririnig ko at ang trash talkan nina Addie, Kira at Harry habang naglalaro.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.