Chapter 29

52 5 0
                                    

"So, ano? Kayo na ulit?"

Nakabalik na kami ng Pilipinas at nandito kami ngayon sa dating condo namin at nagsisimula nang magtanong ng mga bagay bagay si Kira.

"Hindi pa." Sabi ko.

"Omg! I'm so excited for the both of you!" Sabi ni Lexi.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko at kinuha na ang shot glass na binigay ni Addie.

"Kumusta naman ang trabaho kasama ang ex?" Tanong ni Addie.

"Okay naman. Wala naman kaming sama ng loob sa isa't isa kaya maayos naman, hindi tulad ng iba d'yan." Sabi ko at ininom ang nasa shot glass.

"Tigil tigilan mo'ko, Everleigh ah!" Sabi ni Addie.

"Oh, bakit? Inaano kita?" I laughed.

Buong magdamag lang kaming nagdaldalan at mabuti na lang hindi naman kami nalasing. Katulad ng ginagawa namin noon ay doon na kami nakatulog sa sala. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag kay Belle na may nag-ooffer daw sa akin ng trabaho. At dahil trabaho iyon ay pumayag na ako.

I'm the type of person where I accept work whenever they offer me to. Hindi lang dahil may pera pero pakiramdam ko ay kapag naeexpose ako sa iba't ibang trabaho ay mas naeenhance ko ang skills ko. Dahil tanghali pa naman ang meeting ay pumunta na muna ako sa bahay namin dahil naka-schedule si Mommy na magpa-check up ngayon kaya sasamahan ko na muna s'ya.

"Mrs Palvin, I suggest na once a day n'yo na lang inumin ang gamot n'yo, para hindi magdepend ang katawan ninyo sa meds." Sabi ng doctor.

Tumango naman si Mommy at kinuha na ang nireseta sa kan'ya ni Doc. Paglabas namin ay nakita ko si Caleb na nakatayo doon at nakatingin sa cellphone n'ya. Nilingon n'ya kami ni Mommy at tipid na ngumiti.

"Hi." Bati ko.

"Hey. Good morning, Mrs. Palvin." Bati n'ya kay Mommy.

"Good morning." Nakangiting sabi ni Mommy.

My mom and Caleb just had a little chat before we decided to go. Pagkahatid ko kay Mommy ay dumiretso na rin ako sa meeting at pagpasok ko doon ay nakita ko si Belle at isang babae at lalaki na paminsan ay nakikita ko sa noontime show. Siguro nasa early 20s palang sila. Umupo ako sa tabi ni Belle at naghintay.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Caleb at ang manager n'ya na pumasok at umupo sa kaharap naming pwesto. The producer cleared his throat before speaking. We looked at him and waited for him to talk.

"Ashley and Kyle, of course you know Chloe and Caleb." Panimula n'ya.

Tumango naman sila. "Chloe and Caleb, first of all, thank you for accepting the job."

"Of course, so, what will be our job?" Tanong ko.

"We would want you to train Ashley and Kyle to sing like the both of you."

"What?" Takang tanong ko.

"They are rising artists and they need someone to help them. You can use your song 'Kuwento' to train them." Sabi n'ya.

Nagkatinginan naman kami ni Caleb bago ko binalik ang tingin sa producer. "Fine." Sabi ko.

"I'll do it." Sabi rin ni Caleb.

"Great! Tomorrow will be the start so we can give Chloe and Caleb enough time to plan what they'll teach you." Sabi ng producer.

Nang matapos ang meeting ay pinapapunta ako ni Belle at Mama Yna sa condo ni Caleb para roon daw kami magplano. Kaya lang mayroon pa akong shoot para sa isang commercial. Nang matapos naman ako ay 6pm na at pumasok na ako sa kotse ko papunta kila Caleb.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now