"Forget the CDC. You still did great, kumain na lang tayo."
Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil birthday ni Clyde. Babati lang daw kami saglit sa mga bisita ng Daddy n'ya at didiretso na kami sa club dahil doon daw talaga gusto ni Clyde. Kung si Caleb ay halos hindi pumupunta ng club kabaligtaran naman non ay si Clyde.
"Saan ka pala sa pasko?" Tanong ko habang kumakain kami.
"We'll go to Australia." Sagot n'ya at kinagatan ang tinapay na sinubo ko sa kan'ya.
"Bibisitahin n'yo Mommy mo?" Tanong ko.
Tumango naman s'ya. "You?"
"Sa bahay lang." Sabi ko.
Nagpaalam naman na kami at pumunta na ng club kasunod ang kotse ni Clyde sa likod. Pagpasok namin ay marami-rami na ring tao. Nagtaka pa ako nang makita ko si Lexi dito, sabagay, lahat nga pala kilala niya. S'ya lang halos ang kasama ko buong gabi maliban kay Caleb dahil paminsan ay binabati n'ya ang mga kakilala.
Kinabukasan, pumunta na ako sa bahay namin dahil ngayon din ang flight ni Caleb papuntang Australia. Pagpasok ko ay nakita ko si Mommy na paalis at inaayos lang ang sapatos. Tinignan n'ya ako at ngumiti. Lumapit naman ako at niyakap s'ya.
"Saan ka pupunta, Mommy? Gusto mo samahan na kita?" Tanong ko.
"Wag na. Babalik rin ako agad." Nakangiti n'yang sabi at naglakad na paalis.
Nagtaka naman ako at tinignan ang isang helper namin. "Alam n'yo ba kung saan pupunta si Mommy?"
"Hindi po, Maam. Lagi nga po s'yang umaalis tuwing Sabado. Walang mintis, ilang buwan na po." Sagot n'ya at nagpaalam na umalis.
Dahil wala namang ibang tao sa bahay ay naisipan kong pumunta muna sa opisina nila. 1st year pa ako noong huli akong pumunta dito, noong pinapatrain ako ni Dad na maging CEO. I declined the training immediately, dahil ayoko naman talagang maging may-ari non. Mabuti na lang at pinayagan ako at ibibigay na lang sa magiging anak ko daw. As if naman it will be anytime soon.
"Merry Christmas, babe!" Bati ni Caleb nang masagot ko ang tawag n'ya sa facetime.
"Merry Christmas! Though, hindi pa 12am dito but still, Merry Christmas!" I chuckled.
"How are you?" Tanong n'ya.
"Okay naman. Ikaw?" Tanong ko.
"I'm good. Wait, Mom wants to see you." Sabi n'ya at nakita kong lumabas s'ya ng kwarto at pinakita si Tita na nakaapron at may hawak na tray ng cupcakes. "Mom, si Evie."
"Oh, hi! Merrry Christmas!" Sabi ni Tita at nag-flying kiss sa camera.
"Merry Christmas, Tita." Nakangiting sabi ko.
"Hey, dude!" Kaway ni Clyde na kalalabas lang ng kusina.
"Hi." Bati ko.
"Merry Christmas, Evie." Sabi ni Tito nang mapadaan s'ya sa camera. Ngumiti naman ako at nadinig ang tawa ni Caleb bago binalik sa mukha n'ya ang camera.
"Where's Tita and Tito?" Tanong n'ya.
"Ah, wait." Sabi ko at naglakad papasok.
Dumiretso ako sa dining at nakitang nag-uusap si Mommy at ang ilang helper habang si Daddy ay pasimpleng tumitikim ng handa ni Mommy at sinenyasan pa akong 'wag sabihin iyon. Tumawa na lang ako at pina-lanscape ang camera para makita kaming lahat.
"Mom, Dad. Si Caleb." Sabi ko. Tumingin naman sila sa camera at kumaway.
"Merry Christmas po." Bati ni Caleb.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.