The next morning, maaga kaming umalis at pumunta ng Forest Park. Ang aga aga pa ay gusto na agad akong patayin ni Caleb. Niyaya n'ya akong gawin 'yung skytower base jump. 'Yun 'yung may isasabit sa'yo para hindi ka tuluyang mahulog tapos pwede kang tumalon mag-isa o kaya itutulak ka ng nag-aassist hanggang makarating ka sa pinakababa.
Habang paakyat kami ay natatakot na ako dahil 'yung mga hagdan roon ay spiral at kitang kita mo 'yung nasa ibaba habang paakyat ka. Mas lalo akong kinabahan nang habang pataas kami ng pataas ay palawak na rin ng palawak ang nakikita ko. Ang sabi pa ni Caleb ay 80 ft. raw ito kaya mas dumagdag iyon sa kaba ko.
Nang makarating kami sa pinaka-itaas ay nagmukha akong unggoy roon dahil kumapit ako agad sa poste dahil natatakot na talaga ako. Si Caleb naman ay nakapameywang at tinignan ang nasa ibaba. Nilingon naman n'ya ako at natawa sa itsura ko.
"You first." Sabi ni Caleb.
"Bobo kaba? Kataas n'yan tapos papaunahin mo'ko, mauna ka! Ikaw nag-yaya, ikaw mauna!" Sabi ko.
Tinawanan naman n'ya ako at nagpalagay na ng safety belt. Nakatingin lang ako sa kan'ya at kitang kita ko ang pamumula ng mukha n'ya, halatang kinakabahan. Habang ako naman ay hindi ko malaman kung na-ccr na ba ako o ano.
"Sumasakit 'yung tyan ko! Dapat pala may banyo sila dito." Sabi ko at tumawa.
Nginiwian lang naman ako ni Caleb at naglakad na papunta sa edge, handa nang tumalon. Nakakapit lang ako sa poste nang lingunin n'ya ako ulit.
"Babe, may sinasabi si kuya." Sabi n'ya at tumawa. "Kung hindi ko daw kayang tumalon, pwede n'ya akong itulak."
"Hala." Sabi ko at tumawa.
Pinili naman ni Caleb na itulak na s'ya ni kuya. Natawa naman ako nang paghulog n'ya ay nagmukha s'yang bulate na hindi mapakali. Nang tuluyan s'yang makababa ay humiga s'ya sa trampaulin. Sinilip ko naman s'ya at nagthumbs up s'ya.
"Okay ka lang?!" Sigaw ko.
"Yeah! It's high though that's why it's kind of scary!" Sigaw n'ya rin bago tinanggal ang safety belt.
Nang ako na ang kinakabitan ng safety belt ay hindi na talaga ako mapakali dahil natatakot na talaga ako. Habang naglalakad ako palapit doon sa may edge kung saan ako tatalon pero nang silipin ko kung gaano kataas ang tatalunan ko ay napakapit nanaman ako sa railings doon.
"Ma'am pwede ko po kayo itulak kung hindi n'yo kaya." Sabi ni kuya.
"Wag! Huwag, kuya! Ako na lang mag-isa." Sabi ko.
Ayokong tadyakan ako ni kuya dahil mas lalo lang akong matatakot. Napatingin naman ako kay Caleb na ngayon ay nasa ibaba at tinatawanan ako.
"Babe!! 'Pag ako nahimatay dito!" Sigaw ko.
"Do it!" Sigaw n'ya rin.
Inayos ko naman saglit ang buhok ko dahil napunta na ang iba sa mukha ko. Si kuya naman ay inaayos ang back part ng safety belt ko.
"Kuya, 'wag mo'ko itutulak ah. Isasama kita." Biro ko na tinawanan lang n'ya.
Nang magpahulog na ako ay hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay mas nagmukha akong bulate kaysa kay Caleb kanina dahil naghahabol ako at gusto kong may hawakan pero wala akong makapitan. Nang makababa ako ay napakapit ako sa tuhod ko hanggang makarating ako sa trampaulin.
"Peste ka!" Sabi ko kay Caleb habang paalis kami roon.
"Why? I find you cute a while ago. You look like an uneasy siopao." Sabi n'ya at tinawanan ako dahilan para samaan ko s'ya ng tingin.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Novela JuvenilDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.