Chapter 8

13.1K 180 17
                                        

"Kanina pa ba sila" nag alalang tanung ko kay Arturo. Pano'y pasado alas 7 na ng makarating ako ng villa dahil sa sobrang kabusugan eh nakatulog ako. Mag aalas 4 na ng nagising ako at ang malas ko pa dahil naipit kami sa sobrang trapik. Bigla ko tuloy namiss ang San Eldefonso.

"Hindi naman masyado Señorita Maddy" magalang na sagot ni Arturo.

Binitbit na nito ang mga gamit ko. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng naturang villa. Tatlong palapag iyon at Western Mediterranean style. Sa labas pa lng alam mo na agad na nagkakahalaga ito ng milyon-milyon.
Una mong mapapansin ang isang malaking fountain na nasa entrada ng bahay. Sa di kalayuan ay mapapansin mo agad ang mga malalagong halaman. Agad akong dinala ng aking mga paa roon. Tuluyan na akong napasinghap ng makita ko ang nag gagandahang mga bulaklak at higit pa roon ay ang isang napakalaking pool na nasa gitna. Parang ang sarap maligo at magpatay ng oras doon lalo na kapag na bo bore ka. It's feels like you are close to nature.

Natigil lng ako ng bigla akong tawagin ng nag aalangang boses ng isang babae. Agad ko syang nilingon. Nakayuko ito at tila nahihiya, base sa suot nya alam kong isa sang kasambahay pero mukhang napakabata pa yata nya para mag trabaho.

Ngumiti ako ng matipid at tinanong sya. "Bakit may kailangan ka ba"?

"Señiorita kanina papo kayo hinihintay nina Don Simon at Doña Margarita nasa hapag kainan na po sila at hinihintay kayo" magalang nitong sagot.

Napahawak ako bigla saking bibig dahil kung bakit nakalimutan kong kanina pa nga pala nila ako hinihintay. Dali dali ko na agad niyaya ito na ihatid ako sa kinaroroonan nila.

"Ano ba yan Maddy, palpak ka talaga" kastigo ko sarili ko.  Ang sarap sabunutan ng sarili kong katangahan.

Puno ng mamahaling muwebles sa loob. Nagpapatunay lamang iyon sa yakang taglay ng mga Montefalcon. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil tunay ngang namamayagpag sila sa business world.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"M-Marie po" nahihiya parin nyang sagot.

"Hi Marie, ako nga pala si Maddy wag mo na akong e po o tawaging Señorita mukhang magka edad lng tayo eh".

Mukhang nabigla yata sya sa sinabi ko subalit matipid at magalang parin syang ngumiti.

"Pasensya napo pero hindi ko po pupwedeng gawin yon, halina po kayo" iginiya nya ako papasok sa isang pintuan. Nang makapasok ako rooy tumambad sa akin ang isang napakalaking hapag kainan agad kong namataan si Don Simon na nakangiting nakatingin sa akin. Habang sa kaliwang gawi nya ay naroon ang isang napaka sopistikadang babae, maganda ito at hindi maikakailang galing ito sa Buena Familia. Dahil sa kabila ng edad nitong 56 ay tila batang bata parin kong itoy tingnan.

Tahimik lamang itong nakamasid sa akin. Tila naman hinahalukay ang sikmura ko sa kaba. Para na nga akong maiihi na ewan, basta hindi ko alam. 

"Come here hija, kanina kapa namin hinihintay ng mama mo" masiglang tawag sakin ni Don Simon.

Kahit medyo kinakabahan at nahihiya ay agad ko silang nilapitan. Lumapit ako kay Don Simon at nag mano at ng akmang magmano na ako kay Doña Margarita ay tila ibig umurong ng kamay ko sa kaba.

"Mano po mama" mahina at halatang kabado kong saad.

Ibinigay naman nito ang kamay nito sa akin at hinayaan akong magmano.
Ibig kong pigilin ang aking pag hinga ng bigla syang magsalita.

"Kaawaan ka ng dyos hija. I didn't know Simon na napakaganda pala ng manugang natin, manang mana sya Kay Shirly" magiliw nitong turan.

"P-po" nahihiya akong tumingin sa kanya.

The Cold BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon