Chapter 46

10.5K 145 20
                                        

"Paps" tumatalon talon na ani Trey ng dumating si Baste. Nasa isa sa mga condo unit nya kami.

"I miss you little buddy" Anya saka niyakap si Trey at kinarga.

"You just came from work?'' tanong ko sa kanya at tumango lng sya. " You had dinner already?" Umiling sya kaya tinungo ko ang kusina at inihanda ang pagkain. Maraming pagkain na dala sina Krizia kanina. Pinagtabi ko si Baste dahil baka dumiretso nga ito sa condo at tama nga ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain nya at tinanong nya ako.

"Whe are you planning to meet Mr. Chu?"

"The day after tomorrow" Anya ko. " I'm a bit tired magpapahinga lng muna ako saka ko aasikasuhin ang kay Mr. Chu" .

"You knew that there's a possibility that you meet here Maddy . Are you ready to face him?"

Bahagya akong natigilan saka pilit ang ngiti na sumagot.

"O-of course, I already readied myself".

Mataman nya akong pinagmasdan bago muling pinagpatuloy ang pagkain.

Mag aalas onse na ng gabi ng magpaalam si Baste. Agad kong inayos ang kwarto upang makapagpahinga na kami ni Trey.

Kinabukasan maaga kaming sinundo nina Bella at Krizia. Aki was busy he was now handling one of his parents company.

"We'll go to the mall honeybee" nagmamaneho si Krizia habang kinakausap ako. Sa tabi nya si Bella at nasa likuran naman kaming dalawa ni Trey.

"Really Tita, treat excited" masayang hiyaw ng anak ko.

"What do you want to buy Trey? I'm gonna buy it" masayang kausap ni Bella sa anak ko.

"Toys tita" agad namang sagot ni Trey. Naiiling na lng ako habang napapangiti.

"Stop spoiling him you two" saway ko sa dalawa na pareho lng nilang tinawanan.

Hindi ko iniispoil si Trey kung ano lng ang kailangan nya yon lng ang binibili ko. As much as I wanted to give him everything but I think it's just not right. Kailangan turuan ko na sya sa murang edad pa lamang.

Habang nasa toy kingdom kami at aliw na aliw si Trey na sinamahan nina Bella at Krizia sa pagpili ng laruan ay napapangiti na lng ako habang tinitingnan sila. Nasa entrance ako ng naturang department store at hinihintay silang tatlo.

Inilinga ko ang paningin ng saktong mahagip ng tingin ang isang pamilyar na mukha na papalapit sakin.

Maging ito ay tila napatda nang makita ako. Isa sya sa mga taong hindi ko nais makaharap pero dahil sobrang swerte ko ngang nilalang kaya heto na naman ang pagkakataong ito.

"Y-your back" agad nyang sambit ng tuluyang nakalapit sakin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nanlalamig ako habang sa gilid ng aking mga mata ay hinahagilap ang tatlo na namimili parin ng laruan. I don't want Shantal to know na may anak na ako. Baka mabanggit nya kay Drei at may mangyaring hindi ko inaasahan. I don't want to took the risk.

"Yeah, I just came back yesterday" .

Tiimbagang nya akong muling tiningnan.

"Nagkita na kayo ni Drei" nakataas ang kilay na tanong nya. She's cold and very formal.

Umiling ako agad sa tanong nya.

"I don't have plans on meeting with him".

She smirked after hearing what I said.

"Mabuti naman, I don't think there's a need for you two to meet again either. It's better to keep your distance away from him. We're engaged now, I don't want him to take pity on you" malamig nyang sinabi.

The Cold BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon