Chapter 45

10.4K 150 20
                                        

"Ang tagal mo". salubong ko kay Elton ng makapasok sya sa sasakyan.

"Tss 10 minutes mo lng akong hinintay dude." sagot ni Elton sakin. "I bumped into this cute little boy kaya bahagya akong natagalan. But his mom really looked so familiar".

"Baka isa sa mga ka one night stand mo" Hugh teased.

"Shut up I'm not like you. Saka kung dilang kasal ni Brix hindi ako sasabay sa inyo" angal ni Elton.

Humalukipkip ako at napatingin sa labas. We're inside one of my limousine. Today is Brix wedding. I am happy for him but something inside me I can't named.

"Is Shantal  there already?" Elton asked. Hindi ko sya nilingon ng sagutin ko ang tanong nya.

"Yeah" tipid kong sagot.

"Kanina pa nga tawag ng tawag. Baka nambabae pa raw tayo kaya ang tagal natin" nakangusong ani Hugh.

"Ikaw lng iyon wag kang nandadamay samin" ani Elton.  " Oh bat ang tahimik mo na naman Drei? Ano bang regalo ang hiningi ni Brix at parang mukha kang namatayan?"

Pareho silang natawa ni Hugh. I gave them one month of an all expensed  paid trip to Europe for their honeymoon.

"Nah wala, just a piece of cake" I smirked. Na pareho lng ikinataas ng kilay nilang dalawa.

"But you knew what kidding aside the girl was really familiar to me" pag uulit ni Elton, napalingon ako sa kanya. Base sa kanyang mukha pilit nitong inaalala kung saan nga ba nito nakita ang babae. "And that little boy she is with looks familiar too. That little face was really familiar".

"Tss stop that will you" singhal ko sa kanya. "Mamaya mo na yan isipin after the wedding".

Natahimik naman sya at ngunit ilang sandali lng ay napuno na ulit nang asaran ang loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungong simbahan.

Huminto ang sasakyan ng mag red light ang traffic. Lumingon ako sa labas saktong paglingon ko ang pagbaba ng salamin ng katapat kong sasakyan.

I almost gasped at the sight of it. It's been four years but that I still couldn't forget that face.

Maddy.......

Akmang bababa ako ng umusad ng mabilis ang sasakyan. Gustuhin ko mang pahintuin ang sasakyan ko subalit hindi pwede nasa gitna kami ng highway at malayo na rin ang sasakyan iyon kung saan ko nakita si Maddy. I knew it was her. That familiar beating of my heart when she's around kaya alam kong sya iyon.

"Hey, are you okay? Kanina pa humahaba yang leeg mo dyan ah" Puna sakin ni Hugh.

"Y-yeah. " I lied. Saka tumuwid na umupo. I grabbed my phone and texted my assistant. I wanted to know if Maddy is back. I wanted to know so bad. I wanted her to pay for leaving me four years ago.  My father was very furious at me and I struggled a lot to win back his trust. It was a year of complete mess.

Sinalubong kami ni Shantal ng marating ang simbahan.  She was wearing a royal blue gown. She was one of the bridesmaids.

"Ang tagal nyo" angil nya samin.

"Si Elton eh" ani Hugh.

"Tsk" Elton smirked.

Agad lumapit sakin si Shantal at ikinawit ang mga kamay saking braso.

"And you handsome baby boy? Napagod kaba kagagaling mo lng ng Spain ah" nakangiti nyang tanong.

"I'm fine. Let's go" saka inalalayan ko sya papasok sa loob.

Nakangiti naming tinungo si Brix na mukhang kabado na naghihintay sa altar sa pagdating ng bride nya.

"Tss afraid huh" biro ko sa kanya. " Congratulations brother" saka ko nilahad ang aking kamay subalit inignora nito iyon at sa halip ay yumakap sakin sabay tapik gayon din kina Hugh at Elton.

"What the fuck men, ikakasal kana ngayon kapa ba mag papaenrolled sa pederasyon"  ani Hugh. Na ikinatawa naming lahat.

"No cursing please" ani Shantal .

"Baliw ka talaga, masaya lng ako" ani Brix.

"Congrats bro, finally tapos na ang maliligayang araw mo" ani Elton saka muli kaming natawa.

"Come on guys the bride is here. On your position na" imporma ng wedding coordinator.

Mabilis na inayos ni Brix ang sarili. Habang nagsisimula ang seremonyas ng kasal ang lumilitaw naman saking isipan ang mukha ni Maddy na nakita ko kanina. Ipinilig ko ang ulo at na concentrate sa kasal ni Brix.

Napatingin ako sa kanya, naluluhang pinagmasdan nya si Keethleen ang bride nya na dahan dahang naglalakad patungo sa kanya.

Tinapik ko ang balikat nya. I'm happy for him. Really happy.

"I'm so happy dude I've never thought this day would come " he whispered while in tears.

"Tss.  Come on don't cry para kang babae" tukso ko sa kanya.

Maybe that was the real feeling of a man finally to wed the woman of his dreams . That kind of feeling I never felt when I married her.

Napalingon ako kay Shantal, I smiled then she mouthed I love you.

Marami ang naiyak sa seremonyas ng kasal. Their wedding vows were great and sentimental. Love embedded the whole place. After the wedding we all proceeded to the reception venue.

Nagsasaya ang lahat para sa bagong kasal. Nasa isang mahabang Mesa kaming magkakaibigan. Parehong mga abay ng kasal ni Brix.

"Dude rock n roll na" ani Hugh

"Sira, will wait after this whole thing " ngiting ngiti na ani Brix na agad tinampal ng asawa nito.

"Buntisin mo agad" ani Elton saka humahalakhak kaming mga naroon.

"Shhh enough guys namumula na si Keethleen"  ani Shantal. "Masyado kayong maloko bat di na lng kayo mag si asawa na ang tatanda nyo na ah"

"Not my cup of tea" ani Hugh.

"Not interested" nakangusong ani Elton saka napako sakin ang paningin ng lahat.

"What about that look?" nakangisi kong tanong.

"When are you planning to get married hijo? " Ani Tito Lloyd Brix dad.  " You and Shantal are of the right age" .

"Ang tagal nga Tito eh naiinip na ako" nakangiting sagot ni Shantal. Saka inabot ang braso ko at humilig ng bahagya.

"Kailan mo ba gusto?" natatawang tanong ko kaya inulan kami ng tukso na ikinapula ni Shantal. Pinulot ko ang baso ng whiskey at uminom.

Mataman namang pinukol ako ng tingin nina Hugh, Elton at Brix saka ako nag iwas ng tingin.







The Cold BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon