Chapter 35

9.2K 146 7
                                    

Mabilis nya akong hinatak palabas sa bar na iyon ni hindi ko magawang umalma para makapag paalam sa mga kaibigan ko.

Madilim ang mukha nya, salubong ang mga kilay at kunot ang noo. Ang matalim nyang tingin ay para bang pumipiraso sa akin.

Nang sa wakas ay nakalabas na kami ay saka ko lang natagpuan ang aking tinig.

"Let me go Drei,. I'm hurting" asik ko rito.

Bahagya syang natigilan sa mabilis na paglalakad. At agad binitiwan ang braso ko, saka ako muling tiningnan ng masama.

"What?" maangas kong tanong kahit na nga ba nanginginig ang tuhod ko.

"What were you doing Maddy?" galit nyang tanong .

"I'm drinking out to have fun. Why what do you think I'm doing huh?" balik tanong ko sa kanya, pinipilit parin ang katatagan saking boses.

"I've been calling you for 6 hours now. Your not picking up your damn phone and your not texting back." singhal nya, kitang Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga sa galit kaya bahagya akong napaatras.

"I-I didn't n-notice it" nakatungo Kong sagot hindi na masalubong ang matalim nyang tingin.

"Look at, what are you wearing? Sana naghubad kana lng" gigil nyang sabi.
"When will you grow up, stop playing around your already married for Pete's sake".

Dahil sa sinabi nya ay daglian akong napatingin sa kanya. The nerve. His reminding me that I'm already married while he was flirting with his ex girlfriend. What a fair jerk he must be.

Tinaasan ko sya ng kilay saka sarkastiskong sinagot. "I'm married yes, but for convenience and we have a deal Drei. Don't you forget we only have 5 weeks left" saka ako tumalikod at nauna na sa sasakyan nyang tumigil sa harap namin.

Matagal bago sya sumunod. Hindi ko alam kong nabigla ko ba sya sa sinabi ko, nainsulto o ano bang naiisip nya subalit kitang kita ang lalong pag dilim ng kanyang mukha.

Nang sumakay na sya sa likuran gaya ko ay agad ng pinaandar iyon ng driver.

Hindi kami nag imikan buong byahe. Nang marating namin ang villa ay nauna na syang bumaba at iniwan ako sa sasakyan. Gustong mangilid ng luha ko subalit matinding pagpipigil ang ginawa ko. I shouldn't be crying, what we have is purely business and nothing else was involved.

I sighed and shook my head before stepping out in the car. Sinalubong ako ni Manang Ester.

"Ok Ka lng hija?" bahagya akong tumango sa kanya. " Sobrang nag alala ang asawa mo sa iyo, abay kanina pa sya galit at pinagalitan kami ng hindi ka nya maratnan pagka uwi nya."

"Pasensya na po kayo, sige po aakyat na ako" matamlay akong umakyat, huminto ako ng madaanan ko ang silid ni Drei. Humugot ako ng malalim na hininga saka itinuloy ang lakad patungo sa aking silid.

Marahan kong binuksan ang pintuan ng aking silid at agad ini lock iyon ng makapasok.

Alam kong galit sya sakin. I clearly remember how he despise me before. Lalo nat tuwing nasa bar o umiinom ako, para raw akong babaeng pakawala.

Naupo ako sa gilid Ng aking kama, saka nagtipa ng text kay Bella na umuwi na ako baka nag aalala na ang mga iyon. Gustuhin ko mang maligo ay tila pagod na pagod ang katawan ko. Nahiga ako ng hindi man lng nagpapalit ng damit. Ipinikit ko ang aking mga mata, naglalakbay saking balintataw ang madilim na mukha ni Drei.  Hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok at nakatulog.

Maaga akong nagising kinabukasan, sapagkat balik na naman ako sa pagpasok. Dalawang buwan na lng gagraduate na ako. Mas dapat pagtuonona ko iyon ng pansin keysa unahin itong problema namin dahil mukhang ako lng ang namomoblema sa malapit na pagtatapos na aming kontrata bilang mag asawa.

Matapos magbihis ay agad akong bumaba, dumiretso na ako sa palabas ng villa sa university na lng ako kakain. Ayaw ko syang makita, hindi ko alam ang sasabihin ko at medyo pagod pa akong makipag talo.

Matapos kumain sa isang cafe sa harapan ng university ay pumasok na ako. 7:30 am pa lng alas otso pa ang start ng klase ko.

Ng nasa bungad na ako papasok ng university ng makasabay ko si Baste papasok.

"Hey, Maddy kumusta kana, long time no see." bati nya sakin na bahagyang nakangiti.

"Hi ok lng naman ako" nakangiti kong sagot. Natural lng ang pagkakasabi ko niyon, hindi gaya ng dati na may halong lambing. Ngayon napatunayan ko ng, it's not Baste anymore. Hawak na ni Drei ang puso ko. Importante parin naman para sakin si Baste pero hindi na gaya ng dati na SA kanya lng umiikot ang mundo ko at sa pagpaplano para mabawi syang muli.

"You look weak. Are you okay?" Bakas ang pag aalala sa tono nito at hinawakan ang mukha ko.

Napaatras ako sa ginawa nya at maging sya ay tila nagulat roon.

"Oh I'm sorry I know may asawa kana, but I'm just concerned as a friend." paliwanag nya sakin.

Magsasalita na sana ako ng marinig ang isang tikhim sa likuran namin. Sabay naman naming nilingon ni Baste iyon at laking gulat ng mapagsino iyon. Bakit ba ang hilig nitong sumulpot sakung saan saan. Parang kabute ang dating.

"Kaya kaba nagmamadaling pumasok dahil miss na miss mo na itong ex mo?" patuya nyang sabi habang madilim parin ang mukha.

I can't help to roll my eyes at pairap syang tingnan.

"We're just talking" maagap na sagot ni Baste.

"I'm not talking to you kaya manahimik Ka. I'm talking to my wife." Sarkastiskong ani Drei na may diin pa ang salitang wife, nakita ko tila napapahiyang napayuko si Baste.

Inabot ko agad ang braso nya, wala naman syang ginawang masama para mapahiya.

"Are you okay Baste? I'm sorry about this" saka ko hinarap si Drei. "what is your problem huh? Bat bigla bigla Ka na lng sumusulpot dito at mamahiya ng tao" singhal ko sakanya.

"I came here to give you this dahil sabi ni Manang hindi Ka raw nag breakfast tapos maabutan kitang kausap yang lalaking yan. " tiimbagang paliwanag nito. Saka ko lng napansin ang dala nyang paper bag.

"Kumain na ako" malamig kong imporma sa kanya. " At gaya ng sabi mo nag uusap lng kami,wala kaming ginagawang masama para magalit ka. So if you'll excuse us may klase pa kami" saka ko hinatak si Baste at tinalikuran si Drei.



The Cold BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon