"Drei baka ayaw akong makita ng mama at papa mo" tensyonado ako habang nag aabang sa paglapag ng private plane nila.
Kunot noo nya akong nilingon. Habang si Trey ay nasa sasakyan at mukhang napagod matapos naming mamasyal.
"Bakit naman sila magagalit? Anya.
"Alam mo na kung bakit, nagtatanong kapa''.
"Relax okay. Loosen up masyado kang nag iisip nang kung ano ano".
Naunang bumaba ang apat na bodyguards kasunod si Don Simon habang inaalalayan si Doña Margarita.
Umaliwalas kaagad ang mukha ng doña ng makita kami.
I swallowed the lump on my throat. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng damit ko.
"Good evening po" nahihiya at kabado kong bati sa kanila.
"Oh it's been a long time since we last saw you hija. You look great mas gumanda ka" saka nya ako mahigpit na niyakap.
Agad nitong binalingan si Drei.
"Mabuti naman at nandito na si Maddy. Kung hindi talagang mawawalan ka ng mana".
"Whatever ma" saka humalik ito sa pisngi ng ina. At yumakap sa ama.
Matipid na ngumiti lng samin si Don Simon. At saka inalalayan namin sila ni Drei patungo sa sasakyan.
"Nga pala I have a surprise for you both" malapad ang ngiti na sambit nya sa mga magulang.
Salubong ang kilay ng doña habang matiim na nakikinig lamang ang don.
"Ano ba yang surprisang yan at mukhang importante, ni hindi mo kami magawang papasukin sa sasakyan eh" ani Don Simon.
Maingat na binuksan ni Drei ang pintuan ng sasakyan. Agad lumuwa ang mga mata ng dalawang matanda ng tumambad sa kanila ang mahimbing na natutulog na si Trey.
Gulat na nagpalipat lipat ang tingin nila samin ni Drei at Trey . Dahan dahang tumango si Drei. Nakita ko ang paglaglag ng mga luha ni Doña Margarita gayon din ang malaking ngiti sa labi ni Don Simon.
"Finally, may apo na ako" naluluha ng anang Don.
"Tingnan mo Simon, manang mana satin ang apo natin ang gwapo" naiiyak pa ring ani Doña Margarita na tuluyan ng pumasok sa sasakyan at tinabihan ang apo.
"Bat ngayon nyo lng sinabi" nakalabing ani Doña.
"Pasensya na ma, ako yata ang pinaglilihian ng asawa ko kaya nilayasan ako" biro ni Drei.
"Halina kayo at gusto na naming laruin ang apo namin" si Don Simon.
Mabilis akong inalalayan ni Drei at agad na naming tinahak ang daan pauwi sa villa.
Masigla ang dalawang matanda. Panay ang away nila kong kanino nagmana ang apo nila. Nakakatawa silang tingnan. Naiisip ko tuloy sina mommy at daddy. Matutuwa rin kaya sila kapag nalaman nilang may apo na sila.
Malungkot akong ngumiti. Saka tumanaw sa malayo.
Matapos kong mapirmahan ang mga papeles na dala ni Mr. Chu ay agad akong umuwi.
Na mimiss ko na ang anak ko. Panatag naman ang loob ko dahil ang Lolo at Lola nya ang nagbabantay sa kanya.
Habang nag iisip pauwi ay tumunog ang cellphone ko. Nang makitang si Drei ang tumatawag ay agad kong sinagot iyon.
"Saan kana?" agad nyang bungad sakin.
"Pauwi na ako, bakit?"
"I'm here at BGC can you be here? Kakausapin ko lng si Shantal. Wanna come ?"
BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomanceDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...