"What's wrong?" dinig nyang tanong ni Drei ng makauwi sila sa bahay.
Hindi nya ito pinansin, agad syang umakyat at nagtungo sa kanyang silid.
Bahagya pa syang nagulat ng mahabol sya nito sa may pinto at hawakan ang kanyang pulsuhan.
"What?" hindi maiitago sa boses nya na naiinis sya rito.
"Your mad. Bakit?" he seem so puzzled.
"Naiinis ako sayo kaya umalis ka sa harapan ko" mariing utos nya rito.
Iiling iling itong napatitig sa kanya. Tila inaalala kung ano nga ba ang nagawa nito sa kanya na kinaiinisan nya.
"I don't remember doing anything wrong" kapagkuway sabi nito.
Malakas nyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa pulsuhan nya at dali daling pumasok sa loob ng silid nya.
"Hon, tell me what is it. I don't really know what did I do".
"Ewan ko sayo" singhal nya rito.
"Honey".
"Don't honey honey me, huh. Naiinis ako sayo. "
"Bakit ba kasi?" asik nito.
"Sinisigawan mo na ako?"
"H-ha, no hon no. It's just that I don't have any idea why did you got mad from me" nakangusong sabi nito. Kung hindi lng sya naiinis rito napisil na nya ang pisngi nito. Ang cute cute kasi nito ngayon lng nya ito nakitang ngumuso ng ganoon.
Pero pilit nyang pinatitigas ang loob. Naiinis sya dahil kung bantayan sya nito kanina sa mga kaibigan nito daig pa nya ang preso.
"Sana hindi mo na lng ako ipinakilala sa mga friends mo?" inis nyang sabi saka nagtungo sa vanity mirror nya at isa isang tinanggala ang mga alahas nya.
"What? Why?" takang tanong nito.
Inis nyang hinarap ito at sumandal sa vanity mirror saka matalim itong tiningnan.
"Nagmukha akong tanga ron, pano ba kasi nagmumukha akong preso sa kababantay mo, ni shake hands at simpleng beso ipinagkait mo". lintanya nya rito na ikinalaki ng mata at butas ng ilong nito.
"Dahil lng dyan maiinis Ka, why? Gusto mo bang makipaghawakan ng kamay sa ibang lalaki , ang may humahalik sa pisngi mo na ibang lalaki, huh?" galit na pinagkrus nito ang braso sa dibdib sa pinandidilatan sya.
"Bat mukhang mas galit ka yata? Tsaka hello, they are your friends hindi kung sino sinong lalaki".
"Kahit na ibang lalaki parin iyon. Sinabi mo na lng sana na gusto mong mahawakan at mahalikan nila, para hindi ka nagmamaktol dito. Don't worry papupuntahin ko sila rito para makipaglamay at makipag beso sa asawa ako " madiing wika nito.
Naipikit nya ang mata sa inis. That's not what she meant. Naiinis sya dahil napaka insensitive nito. Matingnan lng sya ng iba umuusok na ito sa galit.
"Your unbelievable" sigaw nya rito. "Get out" turo nya sa pinto ng silid.
"Hon, look I'm gonna call me them okay. " mahinahon na nitong sabi subalit kunot na kunot parin ang noo.
Ng akmang kukunin nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito ay napasigaw na lng sya sa inis na ikinagulat nito.
"Stop it Drei, will you. That not what I meant. Ang sakin lng bat mo ginawa yon" pilit nagpapasensyang tanong nya rito.
BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomantikDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...