Chapter 34

8.3K 139 13
                                    

Matapos umalis sa mall ay na ipit kami sa gitna ng traffic. Mahigit dalawang oras rin bago kami nakausad. Wala pang open na bar kaya tumambay muna kami kung asan si Aki.

Tinawagan namin ito habang nasa gitna kami ng traffic kaya wala itong nagawa kundi pauwiin ang sinumang kalaro nito.

Agad kaming dumiretso sa condo ni Aki at nanood na lng ng movie. Gusto ko sanang uminom subalit tumanggi ang dalawa at sinabing mamaya na lng sa bar dahil masyado pang tirik ang araw para malasing.

Maraming damit na pambabae si Aki dahil nga kung sino sino ang dinadala nito sa condo. Lahat bago dahil parang give away na nya iyon sa mga babaeng dinadala nito. Naghalungkat kami ng mga damit na nasa closet nya. Matapos maligo at magbihis ay dumiretso na kami sa isang high end bar.

Isang itim na halter dress ang suot ko kung saan lantad na lantad ang aking buong likuran. Maiksi iyon at sadyang hapit na hapit sa bawat kurba ng aking katawan. Ganito mo ako makilala noon Drei kaya ibabalik ko lng nakalimutan ko kasi pansamantala eh.

"Hindi ba tayo mapapatay ng asawa mo dyan sa suot mo?" nag aalangang sabi ni Aki na panay ang sulyap sakin habang papasok kami sa bar. Maingay at marami ng tao sa loob.

I rolled my eyes, dahil kanina pa talaga ito di mapakali at naghihimutok sa suot ko.

"Hahaha para kanang sirang plaka dyan Aki" kantyaw ni Bella rito.

"Isa kapa" bulyaw ni Aki rito dahil sobrang igsing shorts at crop top Lang ang suot nito.

Sa halip na magsalita ay nauna na akong pumasok sa dalawa. Agad namang sumunod ang mga ito. Tuloy tuloy ang paglaghok ko sa tatlong shot glass ng vodka na isinerve ng waiter .

"Hey hey" palag ni Aki.

"Let her Aki" si Bella.

Itinaas kung muli ang kamay ko at nag order ng isang bote ng Jack Daniel at sunod sunod rin ang paglaghok ko nito.

Panay naman ang saway ni Aki na tinatawanan lng namin ni Bella. Ng tuluyan ng nilamon ng sigla ang bar ay tumayo na akot tinungo ang dance floor.

"Come on let's dance" yaya ko sa mga kaibigan ko. Agad tumayo si Bella habang panay reklamo parin si Aki.

Tinungo ko ang gitna at nagsayaw. I dance to my heart content. Pilit nagsasaya at kalimutan ang lungkot ang sakit.

"Woooooo" sigaw ko saka tinanggap ang isang shot ng vodka na inabot ng kasayaw kong lalaki. At tumalon talon, ang lalaki naman ay pilit na idinidikit ang sarili sakin at mahigpit ang kapit saking baywang.

"Your seductively hot baby" bulong nito sa teynga ko.

Nanindig ang balahibo ko, kinulabutan ako sa kanyang hiningang tumatama saking batok.

Bahagya ko syang itinulak habang patuloy paring sumasayaw. Panay parin ang abot ng sino sino sakin ng inumin.

Muling lumapit ang lalaki at may ibinulong uli sakin.

"Let's go outside" ngisi nito.

"Later baby" sabay kindat ko rito kahit ang sarap sapukin ng mukha nito.

"Maddy let's sit na I'm tired" kalabit sakin ni Bella. "Nahihilo na ako".

"Go bell susunod ako" ngiti ko rito.

Nag alangan pa itong iwan ako ngunit dahil nahihilo na nga kaya nauna na. Ang kaninay aligagang Aki ay busy na sa pakikipagharutan sa may bar counter.

"Boys, upo muna ako let's continue dancing later" paalam ko sa mga ito.

"Samahan na kita" anang lalaki kanina na panay ang bulong sakin.

Gwapo ito at matangkad. Naka ngisi ko syang hinarap.

"Oh sure".

"Come " sabay lahad ng kamay nito upang alalayan ako. Dahil masama nga ang loob ko ang agad ko itong tinanggap, itinuro ko sa kanya ang table namin kaya iginiya nya ako roon. 

Ng naupo na kami ay agad itong nagpakilala samin.

"I'm Lucas " sabay lahad nito ng kamay kahit medyo tipsy na.

"Bella".

"Maddy" nakangiting wika ko. Mukha naman itong mabait. Kahit medyo naiinis ako rito kanina.

"I'm sorry I asked you to go outside kanina, pinagkakaguluhan kana kasi ng mga boys".

"Owww is that so. Don't worry Lucas I can handle them" sabay hagikhik ko.

"Mukhang lasing kana yata" iling nito at bahagyang ngumiti.

"Oh no believe me, I have a high tolerance in alcohol" mayabang kong sinabi.

"Really huh?" nakangusong ani Bella at humalakhak naman si Lucas. "Madalas kaba rito Lucas?."

"Before pero medyo busy na ako mula ng nagtrabaho ako sa company ng dad ko, kaya pag may free time at masyado ng exhausted e lumalabas ako kahit mag isa" nakangiting sagot nito kay Bella. "Eh kayo?" Baling nito samin.

"Ay nako, baka ma perfect namin ang attendance. Lalo na yong si Krizia isa pang friend namin sayang wala ngayon yon, right Madd?"

"Oh yeah,. You should meet her Lucas. Mukhang bagay kayo, mahilig iyon sa matangkad na Moreno" saka kami tumawa ni Bella.

"Next time" nakangiting sagot na lng ni Lucas kahit naiiling samin na nagpalipat lipat ng tingin samin ni Bella.

"Hey guys rest room lng ako" paalam ko sa dalawa. Hindi kona hinintay ang sagot nila ang diretso na akong tumayo.

Matapos kung umihi, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nang hindi ako masiyahan sa hitsura ko ay nag retouch na ako. Ng matapos ay pasimple kong sinulyapan ang cellphone ko. Halos malaglag ang panga ko ng makitang may 106 missed calls na ako galing kay Drei.

Natampal ko ang noo lalo ng mabasa ang text messages nya tila biglang nawala ang ispirito ng alak sa katawan ko.

Dre:
8:30pm

Where are you?

Dre:
8:40
Why are you not picking up your damn phone?

Dre:
8:45pm
Love I'm worried. Where were you?

Dre:
8:50pm
Love call me when you read this I'm worried.

Dre:
9:05pm
If your not gonna pick up I'm going to conduct a manhunt now.

What the manhunt? Is he sane? My goodness.

Dre:
9:30pm
Madissone stop this nonsense I'm really worried go home now.

Dre:
9:50pm
Stay where you are I'm gonna find you.

Oh my God I really need to go home. Kahit galit ako at masama ang loob ko Baka totohanin nya ang banta at magpa man hunt talaga baka madamay pa ang mga kaibigan ko.

Dali dali kong tinakbo kung nasan ang mga kaibigan ko. I need to fucking go home now.

Dahil sa pagmamadali ay bumangga ako sa isang lalaking tila patungo rin yata sa restroom. Mabuti na lng at maagap nyang nahawakan ako sa baywang bago ako tuluyang mapasubsob.

"Hey pretty please be careful" anito.

"T-thanks" napahawak ako sa matipunong braso ng lalaki.

"You should be careful also, not to hold my belongings" galit na sabi ng boses na nasa likuran ko.

Awtimatikong bumitiw ako sa lalaking nakabunggo ko at namilog ang mata ko ng makilala ang lalaking nasa likuran ko.

"D-drei" .

Literal na huminto ang mundo ko lalo nat sinalubong ako ng malamig at matalim nyang mga mata.










The Cold BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon