"Mukhang masaya ka yata" nagtatakang tanong ni Krizia sa akin habang binibigyan ako ng nagdudang tingin.
Maganda ang gising ko, hindi ko nga alam kong bakit e. Basta nagising na lng ako na ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Nakiusap ako sa kanya na itago muna ang tungkol sa pagkakaroon ko ng asawa. Noong una ay hindi ito sang ayon subalit kalaunay napapayag ko rin.
Napapailing habang nakangiti ko syang tiningnan.
"Hey guys, may party nga pala sa bahay mamaya. Baka gusto nyong pumunta, para mabawasan naman ang stress natin." si Aki.
"Wow, I think that's fun Aki, I'll be there" si Bella. "How about you girls?"
"I'll be there too, common Kriz let's go to the party, for sure marami kang maha hunting na boys don" sabi ko na biglang nagpaliwanag sa mukha nito. Napaka hilig talaga nito sa lalake, oops mali sa mga gwapong lalake.
"Okay" kunyari pang kulang sa energy na sang ayon nito. Sabay namang kaming nag smirk sa kanya dahil obvious na man na gustong gusto nya ng mang hunting.
Nakasimangot na pinamaywangan nya kami kaya tuluyan na kaming napahagalpak ng tawa.
After class kanya kanyang uwian na kami syempre. Excited na kami sa party, dahil for sure malalaking na naman kami nito. Alam kasi naming babaha ng mga imported na alak mamaya. Bongga magpa party ang parents ni Aki eh.
Two days ng hindi umuuwi si Drei. Nasa Korea sya at busy malamang yon ngayon. Naiinis nga ako dahil hindi man lang nag text yong lalakeng yelo na yon. Ayaw ko rin namang mag text sa kanya dahil baka ano lng isipin nito. Maging assuming pa sya kadiri Kaya yon.
Tattered jeans at haltered crop top ang suot ko. Ayokong mag bestida o kahit anong pormal na ayos dahil hindi naman kami makikihalubilo ng matagal sa mga bisitang nandoon . Nakakangalay yon, at isa yon sa pinaka hate ko sa lahat yung pakikipag plastikan. Hays. Nakakawalang gana.
Sakay ang kotse ko, mabilis kong narating ang bahay nila Aki. Ilang beses naring nakapunta ako roon.
Agad naman akong sinalubong nina Bella at Krizia. Kakapasok ko pa lng ng mapadaan ang isang waiter ay umabot na agad ako ng isang baso ng alak na isiniserve nila.
Hmmmm. Ang bango at ang sarap, tama lng ang pait at tamis. Perfect combo.
Mahinang tinapik naman ako ni Krizia at pinandilatan ng mata.
"Kakapasok mo lng po Ms. Buenaventura kaya pwede ba wag ka munang malasing, sayang yang Ganda mo ngayon kong maya maya lang mukha Ka ng lukaret na pa gewang-gewang".
"Easy. It's just one drink Kriz. Hindi ako tatablan non." Sabay wink SA kanya.
"Tama si Kriz, Madd mamaya na muna yan, batiin mo na natin sina Tito at Tita". Awat ni Bella.
Agad naman kaming hinatak nito palapit kina Aki at sa parents nya.
"Hi po good evening" sabay na bati naming tatlo.
"Oh hi ladies" nakangiting sagot ni Tita Mielle samin sabay beso.
"Glad you came to celebrate with us for our companies success" ani Tito Reymond.
"Help yourself and enjoy the party" muling baling ni Tita Mielle sa amin.
Hinila naman kami agad ni Aki sa may poolside upang iiwas sa parents nya dahil baka kung ano ano lng itanong nito sa amin.
"Ang bongga talaga ng parents mo maypa party no, pero mukhang mas pinaghandaan ito ngayon. " si Bella.
"Oo naman, may mahalagang bisita raw Kasi sila ngayon and I've heard sya ang bagong kasosyo nila dad ngayon. Bigtime raw talaga itong taong ito" ani Aki.

BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomansaDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...