"I'm sorry about that Maddy, nag away pa tuloy kayo ng asawa mo" hinging paumanhin ni Baste habang naglalakad kami sa pasilyo.
"Oh, ako dapat ang magsorry Baste. Pasensya kana kay Drei" I give him an apologetic look.
"It's okay, sanay na ako sa asawa mo" tila may bahid ng pait ang sinabi nya.
Malungkot ko syang tinapunan ng tingin. Alam kong hindi naging maayos ang trato ni Drei rito simula pa noon. Baste is a kind man, kaya nga minahal ko sya ng husto noon.
"Uhm, mauna na ako" saka nya ako tinapik sa balikat at malamlam na tiningnan. " Don't hesitate to give me a call if you need anything, I'm always here for you" he said before leaving.
Malungkot ko syang tinanaw habang papalayo. Sana ikaw na lng uli Baste para hindi ganito kahirap. Ng tuluyan syang nawala sa paningin ko ay saka ako humakbang patungo sa classroom namin.
Matapos ang klase, sunod sunod na nagsipa ungulan kami ng mga kaklase namin sa sobrang daming paper works na gagawin dahil nga gagraduate nakami.
"My God nakakabanas sa dami ang mga gagawin natin" reklamo ni Krizia.
"Tumigil Ka nga nakapag bakasyon kana Kaya wag kang mareklamo" angil ni Aki rito. .
"Para namang hindi Ka nagbakasyon sa dami ng katawang nagpaglaruan mo kamakailan" ganti nyang sigaw kay Aki.
Nagngingiti na nagtinginan na lng kami ni Bella saka iniwan ang dalawang nagbabangayan.
"Mauna na tayo hindi yata magsasawa ang dalawang yan kakaaway nila" hinila ako ni Bella palabas.
"Wala namang bago sa mga iyan" saka ko tinapunan ang dalawa na handa ng magsuntukan sa sobrang pagkapikon sa isat isa.
"Hey, wait for us" sigaw ni Aki pero nagpatuloy lng kami sa paglalakad ni Bella at tinatawanan silang magkandaugaga kahahabol samin.
" There's this nice restaurant sa BGC mukhang ok doon hindi crowded we can even have our own room to dine. Mas maganda doon nalng natin pag usapan yong mga gagawin natin para sa research paper" suggestion ni Krizia dahil mas marami itong alam sa mga restaurants and bars keysa saming tatlo.
"Dyan ka lng naman kasi maasahan" muling patama ni Aki rito.
"At least may silbi eh ikaw sa lahat ng bagay wala". inis na sigaw ni Krizia.
"Tama na nga kanina pa kayo ah. Nakakarindi na ang sigawan nyong dalawa" saway ni Bella sa dalawa.
"Let's go guys" at nauna na ako sa parking lot sa tatlo.
Maganda nga ang restaurant, halatang mamahalin subalit akma lamang iyon dahil talagang marerelax ka while dining.
Kapapasok lng namin ng mapalingon ako sa entrada ng restaurant kung saan huminto ang isang pamilyar na sasakyan.
Iniluwa roon si Drei tumaas ang kilay ko. Lunch out huh. Hindi sya marahil busy, subalit lalo akong nagtaka ng may pinagbukasan sa likuran. May kasama syang nakaupo sa sasakyan nya.
"Let's go honeybee ng maka order na tayo, nauna na si Aki at humanap ng magandang pwesto" mahinang hinila ako ni Krizia sa braso.
"W-wait" tanging nasabi ko sabay turo sa entrada ng restaurant.
"Oh my God" si Bella.
BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomanceDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...