"Hoy" untag sa kanya ni Krizia, nasa dalampasigan sila at kasalukuyang nag sa sunbathing ng bigla na lng sya nitong mahinang hampasin sa kaliwang braso.
Takang inalis nya ang shades at nilingon ang kaibigan. Binigyan nya ito ng nagtatakang tingin subalit bahagya syang nagulat dahil sa uri ng titig nito sa kanya.
"What?"
"Don't what what me honeybee, I can obviously read you between the lines" sagot nito.
"What are you talking about?" mulagat na tanong nya sa kaibigan. Subalit base sa mga tingin nito mukhang nahuhulaan na nya ang nasa isip nito. Inalis nya ang tingin rito at kunway abala at enjoy na enjoy na pinanood sina Aki at Bella na mukhang nag aaway na habang nagtatampisaw sa dagat.
"May nangyari na sa inyo nyang asawa mo no?"
"H-ha? Ani ba yang tanong mo?" kunway walang interes na sagot nya bagaman kinakabahan na sya sa pag iinteroga nito.
"Ipapaalala ko lang sayo in case nakalimutan mo na si Baste ang mahal mo, and it was just recently when you met that missing in action husband mo. And may I remind you also that you told me about that divorce thing" dire diretsong sabi nito.
"I didn't forgot that" depensa nya subalit alam nya sa sariling nakalimutan nya ang 5 months na kasunduan nilang dalawa ni Drei.
"Really? Quit playing games with me Maddy I knew you. Base on how you look earlier alam kong may ginawa kayong milagro nyang asawa mo" binigyan diin talaga nito ang asawa.
"I'm not Kriz" saka nya ito muling nilingon.
"Don't fall inlove with him. I knew I have been telling you to move on with Baste but I don't think Mr. Montefalcon can be good for you either. He was not there for you for 2 years, he wasn't even aware that you really exist and he literally forgot that he was married because for him everything is business. I just don't want to see you in another agony again because a man breaks your heart."
Her heart sank, and knowing how her friends protected her was really overwhelming.
"I'm fine Kriz. Don't worry about me. I love Baste" she paused because something inside her was telling her it was a lie.
"and I knew where to stand in Drei's life"pagpapatuloy nya.
"Mabuti ng malinaw honeybee, pero if you did it with him just make sure no feelings involve and I knew how hot your husband is, so basically you can't simply resist his charm" sabay kindat nito sa kanya. "pag sawa kana patikim ng asawa mo" biro nito sa kanya.
"Gaga, but seriously thanks Kriz and I know whatever happens you will always be there for me" saka sya tumayo at niyakap ang kaibigan at hinila ito palapit kina Aki at Bella.
Napapabuntunghininga na sa sya, dahil sa sinabi ng kaibigan. Aminin man nya o hindi, a part of her had already fallin for Drei. Because she knew a part of him that nobody had seen.
He may appear, cold and distant but when it comes to her, she can feel his sweetness and warmth. But she still long for Baste, but after what had happened between her and Drei she wasn't sure anymore kung nararapat pa sya sa lalaki.
Gabi na ng matapos silang magtampisaw, agad syang naligo at dumiretso sila ng asawa sa restaurant kung saan sila mag didiner kasama ang mga kaibigan.
"Enjoying?" narinig nyang tanong ni Drei sa kanya.
"Yeah, thak you at isinama mo ang mga kaibigan ko rito" nakangiting sagot nya rito.
"Anything for you".
"Stop staring at me will you, baka isipin ko may gusto ka sakin" rinig nyang reklamo ni Krizia.
"Akala ko naman, sobrang kagandahan kong mag assume" sagot naman Elton. Sa lahat ng kaibigan ni Drei ay ito ang masyadong tahimik at tipid magsalita gaya ng asawa hindi kagaya nina Hugh at Brix na sobrang maloko at playboy.
"Hey,. Did you just blush?'' mas lalong inasar ito ni Krizia.
Gigil namang hinarap ito Elton at matalim na tiningnan. " Shut up, hindi kaba nahihiya sa mga kasama natin".
Isa-isa naman kaming tiningnan ni Krizia saka patay malisyang natawa.
"Why would I? May ginawa ba akong kahiya hiya. Baka ikaw ang dapat na mahiya,nahuli kanat lahat na natutulalang nakatitig sakin nag de deny kapa" saka malakaw na natawa at kinindatan ito.
"Y-you" hindi makapaniwalang bulalas ni Elton na ikinatawa naming lahat maging si Drei ay mahinang natawa dahil mas lalong namula ang kaibigan nya.
"Well, well, well mukhang magkaka love life kana Mr. Lonely " kantyaw ni Hugh saka palihim na sumulyap ki Bella.
"Ayaw mong sumama, saming mag clubbing at mamingwit ng chicks dahil hinintay ko lng pala itong si Krizia na makilala, hahaha mag first move kana pre wag kang torpe" buyo naman ni Brix rito na sinamaan lng ni Elton ng tingin.
"Wag nyo akong idamay sa kalokohan nyo'' inis na sagot nito.
"Bakit NGSB kaparin hanggang ngayon Elton?" biglang tanong ni Bella napatingin naman ang lahat kay Elton, nakangisi ang mga kaibigan nito maging si Drei.
"Tigilan nyo ako Brix baka isumbong kita kay Patricia" agad namang nawala ang ngisi nito. "At ikaw Hugh baka kako gusto mong ikwento ko yong Palawan moments natin, I still remember it in full details" baling nito kay Hugh na agad namang lumaghok ng alak pagkarinig sa sinabi ni Elton. "Or baka gusto mo Drei pag usapan natin yong the one that got away mo?"
Isang mabilisang lingon ang ginawa nya, agad nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapansin nyang pag iba ng hitsura ng asawa, kumuyom ang kanang kamao nito habang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Sino ang babaeng yon, bat ganoon na lng ang reaksyon ni Drei ng banggitin ito ni Elton?
Unti unting nag iba ang kaninay masayang atmosphere nila. Pansin rin nya ang pananahimik nina Hugh at Brix, sa sinabi ni Elton.
Hanggang sa nakauwi sila ay tila wala parin sa mood si Drei.
"Drei,. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita." nakangiting tanung nya rito.
"Hindi na matulog kana, may tatapusin lng akong trabaho. E rereview ko lng yong mga eni mail ng sekretarya baka may importante doon." saka sya nito tinalikuran .
Who the heck is that woman Drei, bakit ang lakas ng hinala kong may kinalaman sya kung bat ganito ka ngayon.
Tila may mumunting kirot sa puso nya ng sumagi sa isip na baka hindi pa nakakamove on si Drei rito.
Paki ba nya, hello 5 months contract. At hello may Baste rin naman syang hinahabol habol at hindi makalimutan. Pero after what had happened between her and Drei, may lugar paba sya sa buhay ni Baste o tamang sabihing nararapat pa kaya sya rito?
But that woman stirs up her curiosity. One thing is for sure, she needs to know about that woman. It's not that she's gonna compete with her or she's jealous but she just want to know more about her.
Yeah! She's just curious, nothing more nothing less.
Err.... Really ? For real Maddie? Whatever basta I will find out what happened between her and Drei.
BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomanceDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...
