"Good morning Marie" bati ko ng bumaba ako para mag agahan. It was almost 8 ng magising akong kumakalam ang sikmura. Kaunti lng ang kinain ko kagabi kaya marahil nakakaramdam ako ng gutom.
"Good morning Señorita, sayang kaalis lng ni Señorito Drei, hindi kana ginising dahil mahimbing pa raw ang tulog nyo eh nagmamadali ata iyon" tuloy tuloy na sabi ni Marie.
"What? Umuwi na sya kagabi?" malakas na hiyaw ko.
Mukhang nagulat yata si Marie at alanganing tumango.
"Bat hindi nya ako ginising" mahinang usal ko at dahan dahang naupo sa high chair sa may kitchen counter.
Matapos mag agahan ay pumanhik na uli ako at mabilis na nag text sa kanya.
Ako:
I didn't know umuwi kana pala. Bat hindi mo ako ginising?Subalit lumipas ang ilang minuto ng walang reply galing sa kanya. Napabuntung hininga ako at inisip na baka busy sya or nasa kalagitnaan ng meeting.
Balisang tinungo ko ang banyo at naligo saka nagbihis. May lakas kami ni Bella ngayon. Nangako ako sa kanyang sasamahan ko sya sa pag me meet ng event coordinator na magha handle ng anniversary ng parents nya wala si Krizia nay out of town with her family while Aki is probably busy again with his girls.
Lampas isang oras na ang text ko sa kanya ngunit hanggang ngayon wala paring reply. Muli akong bumuntong hininga, may kung anong bigat sa dibdib ko ang hindi ko maipaliwanag.
Tinext ko na lng si Bella na papunta na ako sa kanila para sunduon sya. Coding ngayon ang sasakyan nya kaya yong sasakyan ko ang gagamitin namin.
"Marie alis muna ako, paki kuha yong susi ng sasakyan ko" baling ko rito ng bumaba ako. Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin habang hinihintay si Marie. Isang simpleng hapit na white high waist skirt at floral crop top ang suot ko na pinarisan ko ng itim na pumps. Litaw ang makinis at mahabang binti ko dahil sa suot kong iyon.
Matapos iabot ang Susi ang mabilis ko ng iginiya ang sasakyan patungo kina Bella at dumiretso sa meeting place na kikitaan nina Bella at nung event coordinator.
Bago ko pa man iparada ang sasakyan ko ay tumunog ang cellphone ko. Matapos ipark ay agad ko iyong inabot at sinenyasan si Bella na nauna na at susunod ako.
Drei:
I'm busy. Call you later.
Don't forget your lunch.Ako:
Okay . Kumain ka rin baka nalilipasan kana. Take care.Mataman lng akong nakikinig kina Bella at sa event coordinator na hinire nya. Matapos magkasundo ay umalis rin agad ito at hindi na nagpaunlak ng lunch may isa pa kasi syang kliyenteng kailangan e meet.
"Mad are you okay? Kahapon kapa tahimik? Is there a problem?"
"U-uhm wala I'm just thinking of something".
"You sure?" Nakataas ang kilay nito at tila sinusuri ako kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.
"Y-yeah" sabay iwas ng tingin.
"I don't believe you. Come on sabihin mo na. Ano bang gumugulo sa isip mo. I'll listen okay" saka nito ibinaba ang kubyertos at sumimsim sa shake na iniinom nito.
Unlike Krizia,. Bella is a god listener. She don't contradict, nakikinig lng sya at kung kailangan mo ng opinion nya ay saka lng sya magsasalita.
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Habang nagsasalita ay bakas ang simpatya sa kanyang mukha bagaman maya't maya rin ang pag kunot ng kanyang noo.

BINABASA MO ANG
The Cold Billionaire
RomanceDrei an emotionless man full of coldness. A devilishly handsome CEO of Montelfalcon group of companies. The man no one wants to mess up with. Maddisone Buenaventura a spoiled brat who in a blink of an eye lost everything. She married an unknown man...