PROLOGUE

8.1K 139 25
                                    

THIS IS NOT A PURE WORK OF FICTION.
Names, Characters, Bussineses, Places, Locals, Other events and Incidents in this story may have occurred in real life.

(I don't have enough knowledge about the job of the characters so please correct me if you read/ I wrote something wrong or inappropriate about it.)
________________________________________

I'm Nathalia Ellara Vega, Lara for short. A simple lady with wonderful family and friends.



Simple lang ang buhay ko, hindi ganon katahimik at hindi din ganon ka gulo sakto lang. Tama lang ang lahat wala ng kulang para sa 'kin.



Akala ko tama na ang lahat, pero nagbago iyon ng biglang may isang lalaking dumating sa buhay ko.



He's a serious type of person, halos ata ay kilala siya bilang isang 'supladong gwapo' nung una ay wala naman akong pakialam, kinalaunan ay hindi ko na alam ano ang aking nararamdaman.



He's the type of person na madali mo lang kaiinisan dahil sa sobrang pagka-suplado niya, madali lang din siyang mahalin dahil sa pagka-maalaga niya.



Hindi nga lang talaga ganon kadali ang mahalin siya, dahil sa dami ng taong humahanga sa talento niya.



Aba ewan ko ipagdasal nyo nalang na sana, sana ay maging maayos ang kwentong 'to.
_________________________________________

Tinignan ko ang wrist watch ko saka kinuha iyong clipboard ko kung saan nakalagay ang mga pangalan ng pasyente, then I started to do my rounds.



I knocked at the door before entering, I saw my young patient just lying on her bed staring at her teddy bear.



She turned her gaze at me when she heard the door closed.



"How are you feeling?" I asked.



"Miss, kailan po ako gagaling?" She asked me, that's what she always asks when I come here. Bahagya akong ngumiti saka umupo upang mapantayan siya.



"Don't you want to be here anymore?" Tanong ko at kaagad naman siyang tumango.



"Then you should eat all your food and always take your medicine so you can leave and be with your parents"



She nodded "Kakain po ako ng madaming madami at iinomin ko lahat ng binibigay na medicine ni nurse Cha para lumakas na po ako"



"Oo at kapag umalis kana dito dapat hindi kana babalik ha?" I asked then she smiled at me while she nodded. Napatigin ako sa pinto ng marinig na may kumatok rito.



"Come in" sabi ko saka ito bumakas.



"Ma'am may naghihintay po sainyo sa office nyo" kaagad na sabi ni abby kaya naman ako napakunot noo. I'm not expecting anyone today. Tumayo na 'ko saka binigay kay nurse abby ang hawak ko.



"Kain ka ng madaming fruits at vegetables ha, magpapagaling ka para makita mo na sina mommy mo" I said before leaving the kid.





I hurried back to my office to see who abby was referring to, when I was in front of the door I took a deep breath before entering. I was a little taken aback when I saw who were here



"Lara!" Masayang sabi ni tita Audrey ng makita ako.



"Tita" mahinang sabi ko saka bumeso sa kaniya.



"Lara" sabi ni Tito William.



"Tito" bati ko saka rin bumeso.



"Upo ho kayo" sabi ko saka dumiretso sa table ko at umupo.



"Nagsabi po sana kayo na pupunta kayo para hindi na po kayo naghintay"



"It's ok halos kararating lang namin, pinatuloy lang kami kaagad nung nurse dito" sabi ni tita kaya naman ako napatango tango. Napatingin ako sa mga taong nakaupo sa bandang kanan ko.



"Ah.. Chase she's the one I'm talking about" I heard tita audrey said. The man name chase stand up.



"Nice to meet you, Miss.. ahm?" I was staring at his hand. I shook my head then stood up.



"You can call me Lara" sabi ko saka nakipagkamay.



"I'm Chase" sabi naman niya habang nakangiti.
_________________________________________

Keep safe!!

Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon