"Anak, ano ang gusto mong kainin pagdating sa beach?" lumingon si Didi mula sa harapan ng kotse sa kanyang anak na seryosong nagbabasa ng article sa likod ng sasakyan.
"Kahit ano Ma!" sagot ng binata na hindi inaalis ang tingin sa article na binabasa:
COUPLE'S MYSTERIOUS DEATH UNSOLVED : SUSPECTED ARSONIST STILL AT LARGE AFTER ALMOST 50 YEARS
"Possessed na naman ang anak mo, honey," sabi ni Col. Sangalang na nagmamaneho ng kotse. "Subukan mong i-distract," pilyong bulong nito sa asawa habang iniaabot ang mainit na compress na nasa dashboard ng kotse sa kanyang misis.
Natatawang inabot ng babae ang hot compress mula sa asawa. "Hoy, Alab Gael Sangalang! Bakasyon ito, hindi trabaho!" wika nito sabay bato ng hot compress sa mukha ng binata.
Nagising si Alab sa mainit na dampi ng isang bagay sa kanyang mukha. Bigla siyang napabalikwas sa kanyang pagkakahiga. Nagulat si Sophia nang magising si Alab habang dinadampian niya ito ng hot compress sa leeg at mukha.
"Nasaan ako?" tanong ni Alab habang iniikot ang paningin sa kulay puti at malinis na silid na kinaroroonan niya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng dalaga para ilayo ang compress sa kanyang mukha. Napalunok at namula si Sophia nang hawakan siya ng binata.
"Narito ka sa clinic sa bahay namin," paliwanag ng dalaga. "Nag collapse ka raw sa bundok kaya dinala ka rito nina Kuya Kokoy at ni Daddy. Mild hypothermia daw. Tatlong oras ka nang walang malay. Teka tawagin ko sila sa sala," nahihiyang wika ng dalaga habang atubiling bawiin ang kamay sa pagkakahawak ng binata.
"Wag na, ako na ang tatayo," sabi ni Alab. Nalaman niyang wala siyang suot na pantaas kundi pantalon lamang nang mahulog ang mga nakabalot na tuwalya at kumot sa kaniyang katawan nang bumangon siya at maupo sa kama. Kumikirot pa rin ang likod at mga kasu-kasuan niya sa braso, binti at hita. Lalong namula si Sophia ng makita ang hubad na katawan ng binata. Nahihiya ito pero di pa rin maialis ang paningin kay Alab. Nagtaka ito ng mapansin ang mahahabang stitch marks sa kanyang likod.
"Na operahan ka pala sa likod?" sabi ng dalaga habang itinuturo ang mga stitch marks.
"Oo, literal na scarred for life," mapait na ngiti ni Alab. "Alam mo ba kung nasaan ang t-shirt ko?" tanong ni Alab.
"T-shirt?" tanong ng dalaga habang nagpalipat-lipat ang tingin sa mukha at katawan ng binata. "Ah t-shirt!" sabi nito na parang wala sa sarili. "Basang-basa yun kanina kaya isinampay muna namin sa labas. Teka...," aligaga itong lumapit sa maliit na kabinet at kumuha ng isang puting tuwalya at ibinigay sa binata. "Yan muna gamitin mo."
"Salamat," ani Alab sabay lagay ng makapal na tuwalya sa kanyang mga balikat.
"Tawagin ko sina Daddy," sabi ng dalaga ngunit parang ayaw pa ring umalis sa clinic.
"Sige, Sophia, salamat!" sabi ni Alab. Lumabas ang dalaga habang nagpilit tumayo si Alab at tiningnan ang mga certificate na nakadikit sa dingding ng clinic.
DR. VIVIAN MENDEZ, MD, MBA, C. Ht.
Ito ang nakalagay sa certificate at katabi nito ay ang picture nilang mag-anak, kasama si Kapitan at si Sophia, na parang malungkot sa picture. Simple pero elegante ang silid at may mga plastic na halamang gumagapang pa sa isang paso sa sulok ng clinic. May ilaw ang buong kabahayan kahit brownout dahil siguro sa solar power dahil wala naman siyang naririnig na tunog ng generator.
Biglang pumasok ang kapitan, ang doktora at si Kokoy kasunod sina Detective Robles at Sophia sa clinic. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Kokoy nang makitang gising na ang kaibigan.
"Kumusta ka na hijo?" nag-aalalang tanong ng doktora kay Alab. "Wag ka muna tumayo, relax ka lang muna sa kama," anito sabay ayos ng kama. "Inabutan ka ng hypothermia sa bundok dahil sa lamig ng tubig-ulan. Sabi nitong si Kokoy ay meron ka palang metal plates sa likod at extremities dahil sa operasyon, kaya siguro dumagdag pa sa lamig na naramdaman ng katawan mo. Biglang bumagsak ang temperature mo eh," paliwanag ng doktora.
BINABASA MO ANG
Sa Kuko ng Karimlan
Mystery / Thriller"Three mysterious deaths, five clues to a buried treasure, a monster lurking in the shadows. The adventure of a lifetime." A young, but disillusioned former detective must protect his adoptive family, while trying to decode the mystery involving a...