Chapter 20 : Sa Kagubatan

36 9 27
                                    

Agad na natigil ang gulo sa bakuran nang marinig ng mga ito ang sigaw ng isa sa mga helper sa bahay nina Kokoy.

Nagtakbuhan sina Alab at ang pamilya ni Kokoy papasok sa bahay, sa kwarto ni Mang Julio. Walang laman ang kwarto! Wala ring makapagsabi sa mga naroon kung may nakakita ritong lumabas ng bahay. Lahat ng atensyon ay napako sa gulong nangyayari sa labas kaya walang nakapansin sa pagtalilis nito. Mukhang umalis ito na suot pa ang damit at sapatos na ginamit nito para sa libing.

Napaiyak at napahiyaw ng malakas si Aling Susana nang makita ang bakanteng kwarto nilang mag-asawa. Agad naman itong inalalayan ni Ate Flo at ng kanyang mga kaibigan paupo sa sofa sa sala.

Sinuri ni Alab ang mga bakas ng sapatos sa daang palabas ng kwarto. Natuklasan niya na sa likod bahay ito dumaan at tumuloy sa gubat. Tumatakbo si Mang Julio base sa pattern ng mga bakas ng sapatos na iniwan nito.

Mag aalas-dos pa lang ng hapon ngunit makulimlim na ang paligid tanda ng papalapit na ulan at may mahihinang dagundong ng kulog na rin ang paminsan minsang naririnig. Tumakbo ang kapitan at si Det. Robles sa tabi ni Alab upang itanong kung saan ang posibleng direksyong pinuntahan ni Mang Julio. Maging si Don Johnny, na hingal na hingal sa pagtakbo at inaalalayan ni Pamby ay lumapit sa kanila. Pansamantala nitong nalimutan ang galit sa detektib. Pati si Sir Bigoy, kasama ang ilan pang kalalakihan at mga tanod na nasa paligid, ay nagboluntaryo sa paghahanap kay Mang Julio. Tumakbo ang grupo papunta sa direksyon na itinuro ni Alab. Pagdating ng grupo sa isang malawak na sangandaan ay nagtanungan sila kung anong direksyon ang kailangan nilang tahakin.

"Sa minahan ang punta niya, dahil yun ang madalas niyang sabihin," payo ni Alab sa grupo.

"Ganito ang gawin natin mga kasama, maghiwa-hiwalay tayo ng daan at magtagpo tayo sa minahan, para mas malaking area ang ma-cover natin sa paghahanap," utos ng kapitan sa grupo. Agad na umayon ang search party at mabilis na humanap ng kani-kanilang sariling daan sa gubat.

Ngunit bago sila maghiwa-hiwalay ay napaupo sa isang bato si Don Johnny sa pagod. "Sige, umuna na kayo, wag n'yo na akong intindihin," wika nito na naghahabol ng hininga. "Ang mahalaga ay makita natin si Julio sa lalong madaling panahon. Susunod na lang ako sa inyo."

Mabilis namang tumuloy sa pagtakbo sa kani-kanilang landas si Alab, si Kokoy, ang kapitan at si Det. Robles, samantalang nagpa-iwan si Pamby at si Sir Bigoy upang alalayan ang matanda.

"Ok lang kayo, Pa?" tanong ni Sir Bigoy. "Gusto niyong ibalik ko na kayo sa bahay? Uminom muna kayo dito," sabay bigay sa matanda ng bottled water na dala nito.

Sabik na sabik namang nilagok ni Don Johnny ang tubig. "Ok lang ako, hayaan niyo lang akong magpahinga at susunod ako sa inyo!" sigaw ng matanda na namumula sa pagod.

"Tara na, Sir, baka abutan tayo ng ulan," wika ni Pamby sabay hila kay Sir Bigoy. Tumakbong magkasabay ang dalawa at matapos ang ilang metro ay naghiwalay ang mga ito ng daan ayon sa instruksyon ni Kapitan Adonis. Dumadalas na ang kulog at may mahihinang kidlat na rin ang nagpapakita sa papawirin kasabay ng bahagyang paglakas ng hangin.

Halos isang oras pa ang mabilis na lumipas, makikitang tumatakbo si Mang Julio sa gubat paakyat sa bundok. Pawis na pawis ito, suot pa ang puting polo at rubber shoes na ginamit niya sa libing. Madungis na rin ang hitsura at ang damit nito dahil sa masusukal na daang kanyang binagtas at ilang beses na rin siyang natalisod at nadapa sa mga bato.

"Magnanakaw! Ibalik mo ang ninakaw mo!" sigaw sa kanya ng malalim at garalgal na tinig.

"Hindi ako magnanakaw! Wala akong ninakaw!" sagot nito habang palingon lingon sa paligid ngunit patuloy sa pagtakbo.

"Halika, ibalik mo ang ninakaw mo sa akin," wikang muli ng tinig.

"Nasaan ka? Itigil mo na itong ginagawa mo sa akin!" pakiusap ni Mang Julio sa mahiwagang boses habang sinasabunutan ang sarili.

Isang malakas na kulog at isang maningning na kislap ng kidlat ang gumuhit sa kalangitan. Nangati ang pakiramdam ni Mang Julio at naramdaman niyang may gumagapang sa kanyang balat. Pinagpag niya ang kanyang katawan at ilang beses itong umikot sa kanyang pwesto, pilit na inaalis ng mga kamay ang mga maliliit na insektong gumagapang sa kanyang buong katawan. Ilang metro pa ang natakbo nito nang makarating ito sa isang matarik na bangin na humigit kumulang dalawampung talampakan ang taas. Open space ito at walang masyadong puno; tanging malawak na damuhan lamang ang nasa pagitan ng gubat at ng bangin. Pumasok sa isip ni Mang Julio na tumalon na lamang dito para matapos na ang kanyang pinagdaraanan.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may ilang minuto na siyang pinagmamasdan at sinusundan ng isang nilalang na nagtatago sa mga puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may ilang minuto na siyang pinagmamasdan at sinusundan ng isang nilalang na nagtatago sa mga puno. "Narito ka lang pala," mahinang wika nito. "Mga magnanakaw, katapusan niyo nang lahat," bulong nito at naglabas ng isang kumikinang na patalim. Punong puno ng poot ang mga mata nito na nakasilip sa makakapal na dahon sa gubat. Marahan itong gumapang sa mga damo sa likod ng mga puno hawak hawak ang matalim na sandata sa kamay nito. Tila isang leon na tinitiktikan ang kanyang susunod na pagkain. Nag squat ito para ihanda ang katawan sa paglabas sa likod ng mga puno para daluhungin si Mang Julio.

Naghihintay ito ng tamang pagkakataon; ng isang malakas na kulog bago sugurin si Mang Julio na noo'y nakatalikod, ilang metro ang layo sa lugar na pinagtataguan nito. Si Mang Julio naman ay nasa gilid na nang bangin, patuloy pa ring kinakausap ang sarili, walang malay sa panganib na parating. Humanda ang nilalang sa kanyang posisyon, itinaas ang nakamamatay na sandata, naghihintay ng kulog bilang senyales mula sa kalikasan.

 Humanda ang nilalang sa kanyang posisyon, itinaas ang nakamamatay na sandata, naghihintay ng kulog bilang senyales mula sa kalikasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinilip ni Mang Julio ang bangin at nakita ang bato-batong ilalim nito. Mas mabuti pa ang mamamatay, wika nito sa sarili, akmang tatalon sa malalim na hukay.

 Mas mabuti pa ang mamamatay, wika nito sa sarili, akmang tatalon sa malalim na hukay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang malakas na kulog ang dumagundong sa kalangitan.

Ngunit sa isang kisap mata, bago pa makalabas ang nilalang sa kanyang pinagtataguan, ay isang tao ang mabilis na pumasok sa eksena, patakbong sinugod ang matanda at payakap na ibinuwal ito sa lupa!


(Please click VOTE if you enjoyed reading the chapter. Thanks! :))

Sa Kuko ng KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon