Chapter 24 : Ang Hamon

19 6 9
                                    

COUPLE'S MYSTERIOUS DEATH UNSOLVED : SUSPECTED ARSONIST STILL AT LARGE AFTER ALMOST 50 YEARS

Ito ang headline na binabasa niya habang masayang nagbibiruan ang kanyang mga magulang sa harap ng sasakyan. Binabasa niya ang news article na idinedetalye ang nangyari noong January 20, 1974:

"An unknown suspect shot and killed a couple before setting their home on fire to destroy evidence, a court has heard. The body of Mr. & Mrs Enrique and Sarah Maravilla, both of Filipino roots, were discovered by firefighters in the bedroom of their property in July last year. Both their wrists had been tied together, Daly City Court was told. Fortunately, their children escaped unscathed from the fire. Prosecution lawyer claimed the crime's motive appears to be robbery.

"Anak, hindi ito trabaho, bakasyon ito!" pabirong wika ng kanyang ina.

"Ang anak mo, may sariling mundo na naman," sabi ng kanyang amang nagmamaneho ng kotse. Maya-maya'y isang putok ang kanilang narinig na bumasag sa windshield ng kotse. Nakita niya ang kanyang inang sumisigaw at umiiyak habang hawak hawak ang katawan ng kanyang ama. Nawalan ng kontrol ang kanilang sasakyan at mabilis na bumulusok sa likod ng isang trak.

Napabalikwas sa higaan si Alab, sumisigaw at habol ang hininga. Tiningnan niya ang kanyang paligid, hilo at groge pa ito. Wala siya sa isang rumaragasang sasakyan kundi nasa loob ng kwarto sa bahay nina Kokoy. Nakita niya ang luhaan at gulat na mga mukha nina Ate Flo at Sophia sa kanyang magkabilang tabi. Nakatayo naman sa gitna si Kokoy at si Aling Susana na parang nabunutan ng tinik ang ekspresyon ng mga mukha. Nasa likod naman nila sina Mitch at Carla na nakaupo sa maliit na sofa.

Masayang masaya si Ate Flo na akmang yayakap kay Alab ngunit naunahan ni Sophia sa binata. "Akala ko hindi ka na magigising," lumuluhang wika ng dalaga na mabilis yumakap sa binata. "Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong nito.

"Medyo nahihilo pa ako, anong nangyari sa akin?" tanong ni Alab.

"Nag collapse at nag kumbulsyon ka kagabi anak. Kalahating araw ka nang walang malay," sagot ni Aling Susana.

Tumingin sa labas ng bintana si Alab. Mataas na nga ang sikat ng araw.

"Naghahallucinate ka rin 'tol," wika ni Kokoy. "Pero sinunod ko ang bilin mo na tawagin si Sophia para gamutin ka. Dito na yan natulog." wika ni Kokoy na may konting bahid ng selos.

"Hindi kita pinaturukan ng ibang gamot, ayon sa instruction mo. Cold compress at fluids lang," sabi ni Sophia. "Nagpaalam ako sa parents ko. Ayaw pumayag ni Mommy na yun lang ang ibigay ko sa yo pero nagmatigas ako kasi nga baka ma-allergy ka sa mga gamot."

Pinisil ni Alab ang kamay ng dalaga. "Salamat, Sophia."

Hinalikan naman siya ng dalaga sa pisngi na ikinagulat ng lahat, lalong lalo na ni Ate Flo na nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa.

"Awkward," bulong ni Mitch kay Carla.

"Baka sa kinain mo kasi yan!" masungit na sermon ni Ate Flo. Nagtangkang tumayo si Alab sa higaan pero pinigil ito ni Ate Flo. "Ang tigas din ng ulo mo eh no?"

Natawa lang si Alab. "May kailangan akong gawin Ate Flo, OK na ako," mabilis na tumayo si Alab at hinanap ang kanyang mga damit.

"Saan ka pupunta 'tol?" nagtatakang tanong ni Kokoy sa kaibigan.

"Manghuhuli ng ting-guwa," nakangiting sagot ni Alab. Nagulat ang lahat sa sinabi ng binata at inakalang naghahallucinate pa rin ito.

"Anong sinasabi mo tol? Mukhang high ka pa rin sa mga gamot ah?" tanong ni Kokoy.

"Allergic nga ako sa gamot di ba? Fluids lang ang itinurok sa akin ni Sophia, di ba Sophia?" Tumango ang dalaga. "Paano mo nasabing high ako?" natatawang sagot nito. "May kailangan lang akong ayusin at gawin," wika ni Alab habang nagbibihis ito ng nagsusuot ng rubber shoes.

"Saan ka pupunta tol? Sasama ako, delikado ang buhay mo!" nag-aalalang wika ni Kokoy.

"Kailangan kong gawing mag-isa ito 'tol, babalik din ako bago magtakip silim, pangako!" sabay lagay ng kamay sa balikat ng kaibigan. Humarap naman ito kay Sophia. "Pangako," sabay haplos sa mukha ng dalaga. "Pangako babalik ako bago gumabi, Ate Flo," wika nito kay Ate Flo at niyakap ito. Mahigpit na yumakap ang dalaga kay Alab na para bang ayaw nang bitiwan ito.

"Sigurado ka tol?" huling tanong ni Kokoy.

"Pwedeng mahiram ang cellphone mo tol?" wika ni Alab pagkatapos kumawala sa yakap ni Ate Flo. Natitigilan namang ibinigay ni Kokoy ang cellphone sa kaibigan. "May FaceApp ba ito?" natatawang tanong ni Alab. Lalong naguluhan ang lahat sa sinasabi ng binata. Nakakapagbiro pa ito sa kabila ng sinapit nito kagabi lang.

"Oo, ito yan," natitigilang wika ni Kokoy sabay itinuro kay Alab ang paggamit ng cellphone.

"Salamat 'tol. Babalik ako bago... mag-alas sais," wika ng binata matapos tingnan ang relo. Noo'y mag aalas-dose pa lang ng tanghali. Kinuha nito ang kanyang walking cane at nagpaalam muli sa lahat ng naroon.

Naiwang nakatulala ang lahat matapos umalis ng bahay ang binata. Nagtaka sila sa ikinikilos ni Alab na para bang walang nangyaring masama rito. Bagkus ay parang masaya pa ito at ganado sa kanyang lakad. Nagsabi si Sophia na hindi raw muna siya uuwi hangga't hindi bumabalik si Alab sa bahay. Muling napasimangot si Ate Flo sa sinabi nito.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng anak-anakan namin ha?" nakangiting tukso ni Aling Susana kay Sophia. Nangiti lang si Sophia sa sinabi ng kanyang ninang. "Hindi ka magkakamali kay Alab. Napakabait na bata niyan," dagdag pa nito.

"Nay, sobrang bata pa niyang si Sophia no? Wag niyo ngang ipares ang dalawa!" saway ni Ate Flo sa ina.

"Twenty na ako Ate Flo. Twenty-one sa susunod na buwan," nahihiyang sagot ni Sophia.

Pasimpleng nag-apir si Mitch at Carla na pinukol ng matalim na tingin ni Ate Flo.

Nagmamaktol naman sa sulok si Kokoy. Walang nakakaalam kung dahil sa pag-iwan sa kanya ni Alab o dahil nagseselos ito sa anumang namamagitan sa dalawa.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat.

Limang oras ang mabagal na lumipas sa mga nasa loob ng bahay na naghihintay sa pagbabalik ni Alab. Mag-aalas sais na ng hapon ng lumatag ang dilim sa buong nayon. Lahat ay nag-aalala na sa binata. Paano kung gaya ng ibang biktima ay tumakbo ito sa gubat ng wala sa katinuan? O nag collapse sa daan? O tuluyan nang dinagit ng ting-guwa tulad ng mga nauna sa kanya? Bakit kasi pinayagan nilang lumakad ito ng mag-isa?

"Susundan ko si Alab," determinadong wika ni Kokoy sa lahat ng naroon. Tumayo ito upang magbihis at magsuot ng sapatos.

"Wag na 'tol," nagulat ang lahat ng makita ang nakangiting si Alab sa pinto ng bahay. Eksaktong 5:59 PM. Pawis na pawis at mukhang pagod na pagod ito ngunit malapad ang ngiti. Ibinalik nito ang cellphone kay Kokoy.

"Saan ka ba galing bata ka? Muntik na kaming atakihin sa puso sa pag-aalala sa 'yo!" wika ni Aling Susana rito.

Ngumiti lang si Alab at pasalampak na umupo sa sofa. "Naghanap lang po ako ng malaking lambat Nay, panghuli ng ting-guwa," wika nito.



(Please click VOTE if you enjoyed reading the chapter. Thanks! :))

Sa Kuko ng KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon