"Hey sleepy head wake up." Habang tinatapik tapik ni kuya yung pisnge ko."Kuya 5 minutes." Ina antok na sabi ko sa kanya. Para ngang kakapikit ko lang ih. Pano hindi ako naka tulog ka gabi.
"Bumangon ka na diyan, gusto ni mama sabay sabay tayong mag almusal lalo na pag may bisita." What? ang aga aga may bisita. Dahil wala na akong magagawa bumangon na lang ako knowing kuya baka kilitiin ako nun pag natulog ulit ako.
Tamad akong pumasok ng cr at naligo. Yes! Tamad talaga ako haha. Pagkatapos bumaba na ako para mag almusal. Hindi naman kasi ako pupunta ngayon sa Restaurant.
Pagkarating ko ng kusina nag tataka kong tiningnan si kuya. Diba kasi sabi niya may bisita? pero wala naman akong nakikita.
Tiningnan naman ako ni mama."Wala, umalis na yung bisita ng kuya mo. Ang tagal mong bumaba hindi tuloy naka sabay sa pag almusal natin ang isang yun."Mahabang lintanya ni mama.
Tinanong ko naman kung bakit umalis na agad ito sabi nila may urgent meeting daw.
"Ma! Si kuya nakita ko may babaeng kasama nung sabado. Doon pa kumain sa Restaurant natin." Pagsusumbong ko kay mama.
Tumingin naman sa akin si kuya."Don't worry alam na ni mama na girlfriend ko si Aleah."
Nag salubong naman ang aking kilay."Say what?"Pasigaw na tanong ko kay kuya.
Ang daya naman! ako lang pala yung hindi nakaka alam na may girlfriend na siya.
"Sorry na baby girl sasabihin ko naman dapat sayo kaso sobrang busy ka diba?"Lungkot lungkotan niyang paliwanag.
Hindi ko naman ito kinibo. Kunwari galit ako. Nakaka tampo kasi ng kunti sabi niya kasi ako yung unang makaka kilala sa girlfriend niya pero halos kilala na ng bou niyang barkada tapos ako hindi pa. hmp!
Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa taas wattpad time. Binabasa ko ngayon Yung AOTD ni ate gwy tas yung Love without Boundaries ni ate Max on going palang naman ito kaya Game series by Beeyotch yung binabasa ko. Yung Project Loki kasi on going rin sa volume 3.
Bigla naman may kumatok sa pintoan pinapasok ko naman ito nung makita ko na si kuya tinalikuran ko ito kunwari nga galit galitan."Sorry na kasi."Paghihingi niya ng paumanhin."Ito oh yung paborito mo." Tiningnan ko naman siya at kinuha yung Stick O na dala niya. Wews! sabi na artehan lang natin para may suhol haha.
Nginitian ko naman siya at nag pasalamat. Umiiling iling siyang lumabas ng kwarto ko dahil na scam nanaman daw siya ng bunso niyang kapatid.
Kami lang nina mama dito sa bahay. Minsan nga sila lang kasi ako na yung nag aasikaso sa Restaurant si kuya naman Engineer sanaol. Si papa? Iniwan kami bata palang.
Nagluluto si mama nang madatnan ko ito sa kusina. Umalis na din kanina pa si kuya, papasok pa yun sa company na pinag tatrabahohan niya.
Mahilig si mama mag luto kaya naman namana ko sakanya ang pagiging magaling sa kusina. Kaya nga naging chef haha. Si kuya naman kay papa daw nag mana sabi ni mama.
Pagkatapos naming mag luto kumain kami tapos ako yung pinag hugas niya ng plato.
Tinulongan ko naman siyang mag linis ng bahay. Nag grocery din kami. Kaya naman nakaka pagod talaga. Pero okay lang bonding time namin to ni mama.
Wala na akong ginagawa sa bahay si mama nanonood na ng tv. Kaya naisipan kong mag bike.
Nag paalam naman ako kay mama. Hindi naman mainit kaya okay lang.
Nag eenjoy ako sa pag ba bike ng may biglang tumawid na bata kaya sa ka gustuhan kong maiwasan ito nawalan ako ng balanse kaya natumba ako kasama nung bike.
Mabuti nalang at hindi ko nasagasaan yung bata. Hanggang ngayon kinakabahan parin ako umupo naman ako saka hinayaan na yung bike ko na naka tumba doon. Lumapit naman sakin yung muntikan ko ng masagasaan ng bike na bata. "Ate are you okay po?" Nginitian ko naman ito kaso nakita kong may sugat yung tuhod ko tapos nag dudugo kaya nataranta ako tapos biglang nawalan ako ng Malay. Narinig ko pa yung tawag nung Bata sa kuya niya.
Unti unti kong minulat ang mata ko saka nagtataka dahil nasa kwarto na ako! Nakita ko naman ang nag aalalang mukha ni mama. "Sabi ko naman sayo na huwag kang mag bike tingnan mo ang nangyari sayo! Ma buti nalang at nakita ka ng kaibigan ng kuya mo nung nawalan ka ng malay!" Pagsesermon niya sakin.
Hinanap ko naman yung sinasabi niyang kaibigan ng kuya ko kaso umuwi na daw. Mag papasalamat sana ako.
Hindi ko naman kilala lahat ng kaibigan ni kuya since nung high School siya at college hindi naman kasi siya pala kaibigan, ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan.
I don't know din pero pag nakaka kita talaga ako ng dugo nawawalan na lang ako ng malay.
A/n: Sept. 17 ko pa to ginawa kaya Hindi pa talaga tapos diyan yung AOTD HAHAHA. LOVELOTS❣️
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?
