Tamad kung kinakapa yung cellphone ko sa side table dahil kanina pa ito ring ng ring.
"Hello?" Ina antok na sabi ko.
"Didn't I told you last night that were going to attend the mass?" Galit na tanong niya sakin.
Bigla namang nag flashback Ang sinabi nito kagabi.
//Flashback//
Papasok na sana ako ng gate nang hawakan nito ang kamay ko.
"I forgot," Sabay bitaw nito doon. "I'll pick you up tomorrow, 6:00 am! 7:00 am ang mass. Huwag kang malalate, ayaw kong maghintay."
"Okay."
"Thanks." Sabay kaway nito ng kamay sa akin.
//End Of the flashback.//
Oh my God! Oo nga pala! Bakit ba napapa dalas ang paggising ko ng late? Amp!
"Hello? Yah! Still there?"
"A-Attorney sorry. K-Kasi." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at isasagot sa kanya kaya enend call ko ito.
Nagtataka akong napatingin sa phone ko at sa number nito. 'Saan naman nito nakuha ang number ko?' Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at tiningnan ang orasan.
6:30 am na at ang sabi niya susunduin niya ko ng 6:00 am, Ayst! Okay Lang 7:00 am naman ang simula ng mass kaya may 30 minutes pa ako para makapag Handa. Natataranta akong pumili ng damit na susuotin. Saka pumasok ng banyo at dali daling naligo. Naka black high waisted pants ako with white t shirt na may naka sulat sa harapan na Hopeless but hoping tenernohan ko naman ito ng white shoes. Saka dali daling bumaba hindi ko alam na nandoon na pala siya sa sala at kitang kita mo sa mukha nito na nababagot na ito kaka hintay. 'Hayst! Sorry Atty.'
Halos takbuhin ko na ang hagdan pababa na ikina gulat naman niya. Pag karating ko sa baba hinapit ko yung kamay niya saka tumakbo palabas, nakita ko naman ang kotse nito na naka park sa labas ng bahay namin."Tara na! Dali! we're getting late!" Sabi ko sakanya.
Pagka pasok namin sa sasakyan ay agad nitong pina andar iyon.
"I'm sorry, napasarap yung tulog ko."
"It's okay, huwag mo na lang ulitin. Nakakabagot mag antay."
Yun lamang ang aming napag-usapan at napuno na ng katahimikan ang kotse.
Nakarating naman kami sa simbahan at oo nagsisimula na yung misa.
Halos puno na kaya wala na kaming ma-upuan."May iba't ibang uri ang pag papanggap. Marami, ang halimbawa ng pag papanggap tulad ng: Pag papanggap na ika'y isang maka Diyos, ngunit ang totoo ay malayo ang iyong puso sa kanya. Pag papanggap na nakikinig sa sermon ng pari pero hindi naman nakikinig, mga taong nakikinig pero hindi nakikinig; mga taong nakinig pero hindi isinasabuhay at hindi isinasa-puso." Seryosong sermon ng pari. "Ito pa, pag papanggap na may relasyon kahit wala naman talaga."
Napa oww naman yung iba dahil sa sinabi ng pari. Tiningnan ko naman ang katabi ko na laging seryoso.
"Bakit ba tayo nag papanggap?" Tanong ng pari. "Para sabihing mabuti tayo? Para matanggap nila tayo? Para maging perpekto ka sa paningin ng mga tao? Bakit nga ba? Bakit kailangan pa nating mag panggap? Kung pwedi naman nating totohanin, diba? Bakit kailangan mong mag panggap na nakikinig ka sa tuwing papasok ka ng simbahan kung gayong hindi ka naman interesado? Mag simba ka dahil bukal sa loob mo huwag kang pakitang tao."
'Truth, father.'
"Sino yung mga in a relationship dito?" Nagsitaasan naman ang iba. "Ang dadami niyo, Yung iba diyan nag papanggap Lang." O my gosh hindi ako naka ilag na sapol ako, sapol na sapol! "Nag papanggap para may pag selosin? Nag papanggap para mabalikan? Gumagamit ka ng tao para sa sarili mong kasiyahan." Sapol yung iba diyan. "May tanong ako mga kapatid, halimbawa ako. Inaya ko ang isang magandang dilag na maging kasintahan ko pero mangpapanggap lang kami. Sa tingin mo, may posibelidad bang magkagusto sayo yung babae o lalaki? Pano kung oo? Sa tingin mo, Wala ka bang masasaktan habang nag papanggap kayo? Hindi niyo alam na kayo mismo nasasaktan niyo na ang sarili niyo." Ang ano ni father ah.
"Sa tuwing tayo ay nagpapanggap, inilalagay natin ang ating sarili sa kapahamakan, inilalagay natin ang ating sarili sa isang bagay na alam nating sa huli... Tayo ang masasaktan."
Marami pa ang mga sinabi ni father, hanggang sa matapos na din ang misa.
"Let's go!" Aya ko na sa kaniya. "Hatid mo na lang ako sa Restaurant."
"Sure."
Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi ko mapigilang huwag daldalin si Chris. 'Chris na lang daw ang itawag ko sakanya dahil naka fake in a relationship naman kami. Sinabi niya iyon kagabi.'
//Flashback//
Papasok na sana ako uli nang magsalita ito.
"Stop calling me Attorney just Chris, baka may makahalata."
"Okay, Chris. Good night!"
"Good night."
//End of the Flashback.//
"Natamaan ka nuh?" Ani ko na ang tinutukoy ay tungkol doon sa mga sinabi ni father.
"Oo, matatamaan ako sayo." Sabay kindat nito sa akin.
"Tss! Whatever." Inikutan ko pa ito ng mata. "Ang sabihin mo natamaan ka talaga sa sermon ni father."
Hindi na lamang ito kumibo, mukhang hindi interesado sa mga sinasabi ko kaya nanahimik na lamang ako hanggang sa makarating kami sa Restaurant.
Bumaba naman siya at pinag buksan ako ng pinto ng kaniyang sasakyan."Thank you." Saka tumalikod sakanya, napa hinto naman ako bigla nang hawakan nito ang aking braso. "What? May problema ba?"
Tumitig lang ito sa akin, napapa-awang pa ang labi nito."Hmm. Nothing." At pumasok ng kaniyang sasakyan.
'Weird.' Bulong ko na lamang sa inasta nito.
Baka na kokonsensya na siya hahaha! Actually okay narin naman sakin yung fake Relationship, just go to the flow na lang.
Pumasok ako sa Restaurant at bati agad ang bumungad sa akin.
"Good morning Ma'am!"
"Morning!"
Lahat sila busy, may naglilinis ng floor, nagpupunas sa glass door, nagluluto at nag huhugas ng pinggan. Madami-dami na din ang customer namin ngayun.
"Excuse me Ma'am, may I take your order?" Dinig kong saad ng waiter.
Hindi ko na napakinggan pa ang mga sinabi ng customer sapagkat pumasok na ko sa office.
Umupo agad ako sa upuan, nang maka-upo ay isinubsob ko na ang aking sarili sa trabaho, napakadaming papeles sa ibabaw ng mesa.
Lumipas ang oras at hindi ko namalayang 5:00 pm na pala.*GRRR!*
Tunog ng aking tiyan. "Oh, Hindi pala ako nag almusal at kumain ng panghalian." Nakahawak ako sa tiyan na lumabas ng aking office.
Dumeretso agad ako sa mini-kitchen ko at nagluto ng makakain. Nang maka-luto ay agad ko din iyong kinain.
Pagkatapos ay bumalik uli ako sa office at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.
Pasado 11 nang makaramdam ako ng antok kaya pumasok na lamang ako sa kwarto ng aking office at natulog.Zzzzzzzzz. •,•
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?