CHAPTER 23

45 4 0
                                    

Tatlong araw din yung naging burol ni Roigien at walang araw na hindi ako umiyak.

"April tara na!" Aya ni kuya.

Naka white t shirt ako at black pants dahil pupunta kami ngayon sa libing ni Roigien.

Lumabas naman ako ng kwarto at sinuot yung shades ko dahil magang maga ang mata ko.

Nag ka ayos na din kami ni Chris.

Kumapit Naman ako sa braso ni Kuya dahil masyado akong nanghihina.

"Kuya."

Tumingin naman ito sakin."It's alright." Saka ngumiti.

Dumating naman kami sa Cemetery. Nangangatog naman ang aking tuhod sa bawat pag hakbang papalapit sakanyang paglilibingan.

Hindi pa man ako nakalalapit nag uunahan na ang aking luha sa pag tulo. Inalalayan naman ako ni kuya.

Pagkatapos mag misa at mag message nila tita benindisyonan na nung pari yung coffin ni Roigien.

Umiiyak naman sila tita habang pinagmamasdan na ibinababa yung coffin ni Roigien.

I'm sorry I'm really sorry wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad sakanya at sa pamilya niya although hindi naman nila ako sinisisi pero hindi ko parin talaga matanggap.

Nang matapos matabonan ang kaniyang kabaong yung iba nag si uwian na. Kami nalang nila tita ang natitira dito since umuwi na din sina mama ayaw nga sana akong iwan ni kuya kaso pinilit ko silang ma una ng umuwi.

Bumaling naman ng tingin sakin si tita."Ma una na kami iha, may mga aasikasohin pa kami." Pag papaalam ni tita may flight  kasi sila bukas siguro doon muna sila mag e stay nila tito para kahit papaano maibsan naman yung sakit dahil sa aksidenteng nangyari. Alam ko naman kasing sobrang nasaktan sila tita sa nangyari sa nag iisa nilang anak.

Nag paiwan naman ako doon."Maybe I forgive my self for what happen to you. Alam ko naman na yun ang gusto mo. Alam ko rin na okay ka na diyan siguro kailangan ko ng tanggapin na wala ka na para tuluyan ka ng maging masaya." Saka tumingin sa langit na nagbabadyang umulan.

Unti unti namang pumutak ang ulan pero wala parin akong balak umalis sa puntod niya. Humangin rin ng malakas.

Lumakas naman ng lumakas ang ulan naka upo lang ako habang pinag mamasdan yung puntod niya. Mamaya na siguro ako aalis dahil hindi ko alam kung kailan ako makaka balik dito.

Bigla naman tumigil yung patak ng ulan kaya dahan dahan kong inangat ang aking paningin.

Nakita ko naman si Chris na may dalang payong habang seryosong nakitingin sakin.

Linahad niya naman ang kaniyang kamay tiningnan ko lamang ito saka linagay yung kamay ko sa naka lahad niyang kamay. Inalalayan niya naman ako para maka tayo.

"Tara?" Tanong niya sakin. Tinangoan ko lamang ito.

"Mababasa yung upoan mo." Nag aalalang sabi ko sakanya.

"It's okay." Saka pinag buksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan.

Pumasok naman ako nalanghap ko agad yung pabango niya sa kotse niya pati dito naiiwan yung amoy ng pabango niya.

Medyo giniginaw rin ako kaya hininaan niya lang yung aircon niya sa sasakyan.

Naka ngiti naman itong tumingin sakin."Are you okay na?" Tanong niya sakin.

"Better."Maikli kong sagot sakanya.

Binigyan niya naman ako ng towel. Pumunta naman muna kami sa bahay nila Roigien dahil nga aalis na sila tita.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon