Kasama ko ngayon si Jessa habang nag tatanghalian kasama yung Boyfriend niyang si Rence Keith parang ako yung third party! Char lang. May kasama naman itong si Rence yung kaibigan niyang si Kai Sacarre Rivero nakilala ko ngayon palang although famous pala silang dalawa. Hindi naman kasi ako interesado sa mga basket basketball na yan.
Nasa bahay kami nina Jessa tumawag kasi siya kaninang umaga nag papa tulong na mag luto para sa pananghalian.
Uuwi na sana ako kanina kaso ayon nga inenvite na nila ako for lunch mapilit sila kaya pinag bigyan ko na hehez.
"Paano kayo nagkakilala ni Jessa?" Tanong ko kay Rence Keith. Yeah! E complete name natin kasi masiyadong maganda yung name niya.
Tumingin naman ito sa gawi ko saka ngumiti."Fan ko siya." Maikling sagot niya.
Nagreklamo naman si Jessa sa sagot ni Rence.
"Tama naman ah." Naka ngusong sagot ni Rence Keith."Isa ka kaya sa mga fan ko! Nagka kilala tayo dahil na basa kita nun ng tubig na iniinom ko kaya pinahiram kita ng jersey ko. May game kami nun ih!"
Namula naman si Jessa sa sinabi ni Rence Keith. Wew! Kinikilig siya!
Tinukso tukso ko naman silang dalawa.
"Respeto naman ho sa single." Pagpapa rinig ni Kai.
Tinawanan naman namin ito.
"Bigay ko na ba yung number mo April?" Nanunuksong tanong din sakin ni Rence Keith.
"Gege." Sabi ko sakanya.
"Game na game ah! Huwag na baka kasohan pa ako nung Boyfriend mong si Atty. Chris!" Natatawang sabi niya.
Tumawa naman sila kahit wala namang nakakatawa.
Nagpasya naman ako na umuwi na dahil may dinner pa kami with family Virtus
Nasa kwarto ako ngayon naghahanap ng damit na maisusuot para sa dinner.
Kinuha ko naman yung kulay blue na dress. Siguro okay na ito? Mag papantaloon lang sana ako kaso naalala ko yung sinabi ni mama na medyo formal dinner daw yun kaya kailangan kong mag dress.Bumaba naman ako at uminom ng tubig hawak ko naman yung phone ko habang tenetext si Chris. Nag compose naman ako ng e tetext sakanya.
To Chris
We're going to Roigien house.
Nag reply naman agad ito.
From Chris
Why?
To Chris
We have a dinner with his family.
From Chris
Okay.
Hinugasan ko naman yung ininoman kong baso saka umakyat ulit sa taas saka naligo na. Sinuot ko naman yung dress okay lang naman bumagay naman sakin haha. Nag apply din ako ng kunting make up.
"April." Tawag ni kuya mula sa labas ng aking kwarto.
Binuksan ko naman ito."Okay na ba tong Suot ko?" Tanong ko kay kuya.
"Kahit anong damit bagay sayo." Pambobola niya pa sakin.
Isa lang yung ginamit naming sasakyan pa punta kina Roigien. Well noong bata pa kasi kami ni Roigien matalik na mag kaibigan yung mga magulang namin kaya nga naging mas close kami ni Roigien hanggang sa nag high School kami halos hindi kami mag hiwalay but one thing happen.
Tss. Past is past never bring back ika nga nila. Tinawagan ko naman si Kayrlle.
"Pupunta kami ngayon sa kanila."Sabi ko kay khaye.
![](https://img.wattpad.com/cover/241287814-288-k583384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?