CHAPTER EIGHT

55 5 0
                                    

Dinig na dinig ko ang tawanan nila mula sa sala nang makapasok nako sa bahay.

"Finally, dumating ka na din." Bungad sakin ni Hannah.

"May inayus lang." Sabay lapag ng aking shoulder bag sa upuan at umupo kaharap nila. "Nag almusal na kayo?" Tanong ko sa kanila.

Sabay sabay na napangiti pa sila sa akin. "Lulutuan mo kami?"

As much as I want but I can't. "Sorry guys but maybe next time." Saad ko sa kanila.

Kanina pa naman si mama naghahanda ng almusal namin.

"Tara guys kain muna tayo." Anyaya ko sa kanila saka pumunta sa kusina.

"Ayain mo na yung kuya mo April, nasa kwarto." Utos naman sakin ni mama.

"Nasa kwarto siya? Kala ko ba busy siya."

"Inaantok daw kasi siya kaya si Chris ang pinasundo niya sayo." Bigla namang nag pantig ang aking tenga nang madinig ang sinabi ni Mama.

Agad agad akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ni kuya.

Kumatok muna ako. "KUYA?" Kaso no response kaya naman pumasok na ako hindi naman kasi kami nag lolock ng kwarto.

Pumasok naman ako at nakita ko si kuya na naka tihaya; tulog na tulog. Pagod ata. Dahil mabait akong kapatid may na isipan akong kalokohan.

"Kuya gising! sunog! sunog! kuya dali!" Yinoyogyog ko pa ang balikat nito.

Natataranta naman itong bumangon. "Asan? Asan?" Para itong ewan dahil hindi nito alam kung saan tatakbo kung lalabas ba siya sa pintuan o tatalon na lang sa may bintana.

"BWAHAHAHA! Lt ka talaga kuya!" Natatawang turan ko.

Nung mahimasmasan ito saka niya palang na pansin na wala naman talagang sunog, tumingin ito sa akin the way he look at me alam ko na ang gagawin nito. Dali-dali akong palabas ng kwarto niya at tumakbo papunta ng kusina.

Tatawa-tawa akong naka balik sa kusina. Nagtataka naman yung kaibigan ko. Maya maya bumaba narin si kuya hindi maipinta ang mukha nito kaya naman napa-iling iling na lamang ang mga kaibigan ko pati na si mama.

Alam kasi nila kung anong ginawa ko kay kuya dahil minsan narin silang na biktima ko.

Nang matapos kaming kumain pumunta na kami sa kwarto ko.

"Ano na yung kwento April?" Tanong ni Jessa.

Sinasabi ko na nga ba kaya yan nandito para malaman kung ano ang nangyari.

Kwenento ko naman sa kanila kung bakit ganoon kaya marami silang tanong bakit daw ganoon? Bakit daw ganito? Kaya naman ma habang paliwangan yung mga sinabi ko. Nagyaya sana silang lumabas ngayon kaso sabi ko may usapan kami ni Chris na mag kikita mamayang gabi, kaya kaylangan ko ding magpahinga.

Kaya ayon nang madinig nila iyon ay sila na mismo ang pumili ng susuotin ko mamayang gabi. Sila na din daw Ang mag aayos sa akin.

"Sana, kayo na din lang yung pumunta." Biro ko pa sa kanila.

Sumapit ang hapon at 6:01 pm na nang magpasya akong maligo nang matapos ay nagbihis ako at sinimulan na din nila akong ayusan. Pinatuyo muna nila ang aking buhok tyaka nila kinulot tapos light make up na bumagay naman sa suot ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayus nang magring ang aking phone.

Attorney Chris is calling...

Sinagot ko naman iyon. "Hello?"

"I'm otw, I hope your done for the girly thing. I don't want to wait." Bungad nito sa akin.

"Yah! I'm ready nandito na nga ako sa may gate eh, hinihintay ka na nakakahiya naman sayo." Sarkastikong sabi ko sakanya.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon