CHAPTER THREE

71 8 10
                                        


Hindi parin ako maka labas ng bahay simula nang kumalat yung iskandalong ginawa ko.

Hindi ko naman alam na famous pala yung Attorney na nasapak ko. May mga negative na nag comment about sakin pero may mga positive naman.

Laman parin kami ng balita. Mabuti nalang at pag tinatanong si Attorney about sa nangyari wala siyang sinasabi.

Napanood naman ni mama yung video kaya ayon na sermonan ako. Ewan ko lang kay kuya kung napanood niya dahil busy siya.

Nag tetext naman yung mga kaibigan ko kung okay lang daw ba ako. Malamang Hindi! Ikaw ba naman pag usapan ng ma netizen at may mga nasasabi pang hindi maganda ewan ko lang kung magiging okay ka pa! Kasalanan kasi nila to kaso anong magagawa ko e nangyari na.

Nag ring naman ang aking cellphone nang makita ko na si kuya ang tumatawag, nagdadalawang isip ako kung sasagotin ko ba o Hindi! Dahil paniguradong mahabang sermonan to.

Ayon nga hindi ko sinagot yung tawag niya kaso nag text siya.

From: Kuya monkey

Sasagotin mo o sasagotin?

Tumawag naman ulit ito kaya napilitan akong sagotin ang tawag niya! Hindi pa nga ako nakaka hello ng dere deretso na siyang nag salita!

"Wtf? April! Anong ginawa mo? Ikaw yung laman ng NF ko! Ma buti nalang talaga at kaibigan ko yang si Attorney napaki usapan ko na huwag ng palalain yung issue na ginawa mo dahil baka ma depressed ka pag maraming basher na! Bakit mo ba kasi ginawa yun? Hindi mo ba alam na pwedi kang ma kasuhan dahil sa ginawa mo?" Sigaw niya sa kabilang linya daig pa nito si mama ang haba haba ng mga sinabi. "Hello kuya? Hindi kita marinig?" Pag kukunwari ko baka kasi kung ano ano pa ang sabihin niya. "Kuya mamaya ka na lang tumawag putol putol yung boses mo." Tapos enend call ko na.

Wews! Tamang palusot lang.

Kumatok naman si mama sa pinto ng kwarto ko saka sinabing bumaba daw ako dahil may nag hahanap daw sakin. Bumaba naman agad ako dahil akala ko yung mga kaibigan ko ang nag hahanap sakin.

Kumabog naman ang aking puso sa sobrang kaba. Parang gusto ko na lang bumalik ulit sa kwarto. Kung alam ko lang na siya yung nag hahanap sakin sana nag tulog tulogan nalang ako.

Naka puting polo siya tapos naka bukas yung tatlo niyang botones sa taas naka black pants din siya. Black din yung suot niyang sapatos. Naka harang naman ang bangs sa isang mata niya na sobrang nagpapa gwapo sa kanya.

Nandito kami sa may sala. Seryoso siyang naka upo habang naka tingin sakin. Sa pagkakataong ito gusto ko ng lamonin na lang ng lupa dahil sa sobrang hiya sa ginawa ko sakanya.

Iniwan naman kami doon ni mama. Gusto ko sana itong pigilan kaso mag hahanda daw siya ng meryenda para kay Attorney.

Na upo naman ako sa sofa saka pa simpleng tumingin sa kanya. Mukha pa naman siyang seryosong tao. Bakit ba kasi sa daming lalaki na magagawan ko ng dare siya pa? Yung Attorney pa!

"Do you know that I can sue you for slapping me?" Nakatiimbagang  tanong nito habang tinitingnan ako ng masama. "Slapping a person is a crime! And we called it slander by deed! According to Article 359 of revised penal code Slander by deed. The penalty of arresto mayor in it's maximum period to prision correccional in its minimum period or a fine ranging from half million to millions! Shall be imposed upon any person!" Dere-deretsong turan nito. Kaya ang na intindihan ko lamang ay slapping is a crime. Oa Naman nung slapping is a crime!Grabi naman yun!

Tiningnan ko naman siya saka nag baba ulit ng tingin. "Ano... Attorney k-kasi..." Ramdam na ramdam ko na ang unti-unting pag-init ng aking pisnge. "I-I'm sorry, I didn't want to slap you, it was just... Just a c-coincidence." Ikaw yung p-pumasok sa may pinto kaya ikaw yung ginawan ko ng dare na yun. Sorry talaga." Pinilit kong huwag pumiyok ang aking boses pero pumiyok parin ako.

Iniiwas ko uli ang aking tingin. Nakakahiya naman kasi yung ginawa ko.

"Hmm! I will forgive you." Anito kaya bigla akong napatingin at ngumiti sa kaniya. "But in a one condition!"

Nag sisalubungan naman ang aking kilay sa sinabi nito. "What!?" At tinaasan siya ng kilay. "I mean, what kind of condition?" Ngumiti naman ito sakin kaya nginitian ko na lamang ito ng pilit.

"Hmm? Napag isipan ko na ito ka gabi pa. Since may atraso ka sakin, and since pinalabas mo narin naman na may relasyon tayo. So, let's pretend that we're in a relationship!" Naka-smirk na anito, na ikina gulat ko. "Great? Yes or yes?"

"Say What? Why? Why me?" Habang idinuro ko pa ang sarili ko. "Saka bakit magpapanggap na may relasyon tayo?" Nagugulohan ako sa mga pinag sasabi niya.

"Well, my ex will be back here in the Philippines with her new boyfriend, we will just pretend that we're in a relationship to make her jealous." Saka sumeryusong tumingin ito sa akin. "And, Why you? Since sinumalan mo ang laro, bakit hindi nalang natin ipag patuloy? Let's pretend!" Ma-awtoredad nitong saad.

Yeah, Yeah! Attorney talaga siya! So... Wait? Hindi pa siya nakaka move on sa ex niya hahaha.

I stared at him; studying his expression and moves, I didn't know if he was serious of what he said earlier, so I shake my head trying to wake me up from this nightmare. No! Hindi ako papayag sa sinasabi niya! Ako? Mag papanggap na girlfriend niya? Ni hindi pa nga ako nagka ka boyfriend. No way!

He just laughed. "You've no choice April. It's either I sue you, or you just pretend that your my girlfriend. I think, You don't want to be a prisoner? Right?" Itinaas pa nito ang kaniyang kilay.

I think, I don't have choice! Wala naman talaga akong choice kundi tanggapin yung alok niya.
So ayon mag papanggap daw kami na mag boyfriend at girlfriend pag nandoon yung ex niya daw na si Elissa.

Umalis naman siya nung matapos yung usapan namin. May interview pa daw kasi siya.
Tinanong naman ako ni mama kung ano yung napag usapan namin kaya sinabi ko naman yung totoo sa kanya.

Bumalik na din ako sa kwarto ko. Hindi ko binuksan yung account ko dahil maraming notification at marami din na nag aadd dahil sa issue na yun.

Ano kayang mga pakana ni Attorney Chris? May mga pa pretend pretend pang nalalaman pwedi niya namang balikan yung babae kung mahal niya pa talaga tss. Kung sila talagang dalawa kahit pag layuin man sila ng mga taong naka paligid sa kanila sa huli sila parin at sila parin ang magkaka tuloyan sa huli.

A/N: Sa half millions iniba ko lang po yung ano niya dapat po 200 to 1k lang po diyan.☺ Lovelots ❣️

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon