CHAPTER 11

51 6 0
                                    

Ma aga naman akong nagising dahil marami akong gagawin ngayon. Naka pag ayos na din ako, handa ng umalis.

"Kuya gotta go na po!" Pag papaalam ko kay kuya na nasa kusina at nag aalmusal pa.

"Take care!" He yelled.

Sumakay ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito pa puntang Restaurant. Kaliwa't kanang batian ang naririnig ko pag ka pasok na pag pasok ko palang sa restau.

"Good morning ma'am!"

"Good morning Ma'am April!''

"Good day ma'am! Lalo pong gumadanda ah!"

Bati na may kasamang pambobola ng aming mga empleyado. Nginitian ko na lamang sila at dumiretso sa aking office.

Hindi ko pa nga nalalapag ang aking mga gamit sa aking mesa ng may kumatok sa pinto ng aking office.

"Come in!" Sigaw ko para madinig sa labas.

Bumukas naman ang pinto at bumungad sa akin ang masiglang mukha ng aking sekretarya.

"Good morning ma'am!" Masiyang bati niya. "Ready na po ang lahat na gamit para sa event na aayosin natin." She sound excitedly.

"Okay, I just gonna fix my things first, and we're going to the venue." Sabi ko sakanya habang may inaayos sa aking mesa.

Lalabas na sana ako ng aking opisina ng bumakas ito at pumasok si Chris.

"Good morning lady!" He said, and the smile is plastered on his face.

"My morning isn't good." I said while pouting.

Then he just laugh at me. "Oh, why baby?" Malambing ang tono ng kaniyang boses.

Malapit lang kami sa isa't isa kaya iniwas ko ang aking tingin sa kaniya dahil baka makita nito ang pamumula ng aking pisnge.

"Coz your he're!" I joke.

Nawala naman ang ngiti sa kaniyang labi at nag iba ang aura ng kaniyang mukha."Okay fine! Aalis na ako!" Akmang tatalikod ito ng hawakan ko ang kamay niya.

"Nag bibiro lang." Naka ngiti kong saad sakanya.

Tumingin naman ito ng seryoso at lumapit sa akin na ikina-atras ko naman. Napapa lunok ako habang naka tingin sakanya at napapa atras. Ganito yung nakikita ko sa tv yung hahalikan ng lalaki yung bidang babae. Atras ako ng atras hanggang sa wala na akong ma atrasan. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya.

Tinutulak ko naman siya pero masiyado siyang malakas kumpara sa akin!

"A-Ano ba um-umalis ka nga di-diyan!" Utal-utal na sabi ko sakaniya.

Ngumiti naman ito sa akin. Mukhang nasisiyahan pa ito habang tinitingnan ang aking mukha, na alam kong halatang kinakabahan dahil sa ginagawa niya.

Bumukas naman yung pinto kaya sabay kaming napa lingon doon.

"Jesus! I'm sorry just continue what your doing! I didn't see anything!" Natatarantang sabi ng lalaki saka pa balibag na sinara yung pinto.

Hindi ata uso sakanya ang kumatok bago pumasok!

Namula naman ang aking pisnge saka tinulak siya ng malakas para makapag alis sa harapan niya, Dali dali naman akong lumabas ng opisina. God! Mali yung iniisip ng taong yun.

Sumunod naman sakin si Chris. Nakita ko naman yung lalaki. Hindi ko alam pero mukhang pinipigilan lang nito ang kaniyang sariling huwag matawa.

Lumapit naman ako sakaniya. "Hey! Wala kaming ginagawang masama." I don't care if I'm sounded defensive ih wala naman talaga kaming ginagawa!

Tumingin naman ito sa likod ko at batid kong tinitingan nito ay si Chris the way he look at Chris masasabing kong mag kaibigan sila!

Tatawa-tawa itong tumingin sa akin.

"What?" Singhal ko dito.

"I'm Emeil Cordoves just call me Ems." Sabay lahad niya ng kamay sa akin.

Napilitan naman akong makipag kilala sakanya.

"April Bartolome." maikli kong sabi saka nakipag shake hands sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Chris sakanya.

Tiningnan naman ako ni Ems, kaya nag excuse muna ako sa kanila dahil baka may pag uusapan silang importante.

Bumalik naman ako sa opisina at nakita ko doon ang aking sekretarya.
God I forgot may gagawin pa pala kami!

Kinuha ko naman ang aking bag saka lumabas ulit ng opisina. Nadaanan ko pa sina Chris at Ems na seryosong nag uusap. Dere-deretsong lumabas ako ng Restaurant. Nagmamadali ding naka sunod sa akin ang aking sekretarya.

Pag ka pasok ko sa sasakyan hinintay ko naman muna siyang maka pasok bago ko pinaharurot ang sasakyan pa punta sa venue.

Nandoon na yung mga gamit yung mag oorganize nalang ang wala! Tss.

Sinumulan naman namin agad ang pag oorganize para sa party ng Bata. 7 years old palang ito, color blue ang gusto nitong kulay and spider Man yung design sa birthday party niya.

"Ano okay na ba yan?" Tanong ko sa isa sa mga staff ko habang ina ayos nila yung mesa.

Yung iba naman busy doon sa kakalagay ng lobo. Ako naman inaayos ko yung sa may mini stage linalagay ko yung Happy 7th Birthday
Tapos madami pang pa design design.
Mamaya pa naman ang party.

"Ma'am ayos na po lahat." Sabi ng sekretarya ko. Nginitian ko lang ito saka pinag patuloy ang pag dedesinyo. Nang matapos ko ang aking ginagawa ay dinouble check ko muna if maayos na ang lahat. Saka tiningnan ang kabuuhan ng venue.
Sa entrance may mga spider man na naka lagay then yung mga balloons na naka dikit sa iba ibang parte. Yung mga mesa din ma ayos na, color blue din yung mga mantle niya na may naka disenyo na spider man. I'm not good at describing but I must say job well done! Maganda yung pag kaka-ayos namin at hindi talaga sila mag sisisi.

Kina usap naman ako ni Ms. Kemjie siya yung client namin. Nag thank you naman ako sakanya at nag pa alam na aalis na dahil may pupuntahan pa ako. Binigay ko naman yung regalo ko sa Bata. Iniwan ko na doon yung secretary ko.

Bumalik naman ako sa restaurant at dumiretso sa kusina. Nang makita ko na maayos naman ang lahat, pumunta ako sa opisina at inayos ang mga papeles na kailangn aayosin.

Nang matapos ko naman ito biglang tumunog ang aking phone.

From Atty. Chris

Hey lady! Do not work to much. Eat your dinner in time! Huwag mag papa gutom.

Kumabog naman ang aking puso, at parang may kung anong nagliliparan sa tiyan ko sa di malaman na dahilan, simpleng mensahe lang naman ito, pero bakit ganito ang naging epekto sakin?

To Atty. Chris

Yeah thank you

Maya-maya'y nag reply naman ito.

From Atty. Chris

Walang I love you?

To Atty. Chris

Gusto mo na ako niyan?

Pagbibiro ko dito.

From Atty. Chris

Asa I'm not falling in love with you unless your Elissa!

To Atty. Chris

Ge.

Biglang kumirot ang aking puso nung mabasa ko ang text niya, hindi ko alam ang aking sasabihin kaya iyon na lamang ang itinipa ko.
What the hell? Anong nangyayari sa akin? Dati naman wala akong paki alam sa sinasabi niya.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo. "Pagod ka lang April, okay?" Pakikipag-usap ko pa sa sarili ko.



The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon