Hindi parin namamansin hanggang ngayon si kuya. Busy naman ako kaya hindi ko siya kinukulit pa. Na tapos na din yung pinag oraganizan namin ng birthday party.Yes! I'm event planner and a chef too.
Hindi ko rin alam na nag away pala si kuya tapos si Atty. Dahil nga sa deal na yun. Ewan ko lang kung nag ka bati na silang dalawa.
Balita ko umuwi na daw yung ex ni Atty. Nandito ako ngayon sa office ng Restaurant namin. Nang may biglang kumatok sa pinto.
"Yes? Come in!"
Bumukas naman ang pinto at bumungad agad sakin ang mukha ng aking secretary na nakangiti. "Good morning Ma'am, nandito po yung boyfriend niyo."
Sanaol boyfriend! Tinangoan ko naman ito para sabihing papasokin na si Attorney. Agad itong lumabas ng pinto at isinara iyon. Maya-maya'y bumukas ulit ang pinto, at pumasok si Attorney.
"Yes Attorney?" Tanong ko sa kanya. "Have a sit." Sabay turo ng upuan sa harap ko, umupo naman ito doon.
"I just want to invite you for a dinner with my parents tonight." Nakangiting turan nito.
Wow! ipapakilala? HAHA.
"SERYOSO?" Tanong ko sa kaniya.
Bigla naman itong sumeryuso."Mukha ba akong nag bibiro?"
"Sabi ko nga hindi." At ngumiti ng pilit dito.
Nang madinig ako nito ay bigla itong tumayo. "Gotta go! I'll pick you up at your house!" Anito at naglakad papalapit ng pinto, hinawakan nito ang siradura at pinihit iyon pabukas. "At exactly 7:00 pm." Dagdag pa nito, sabay labas at pabalibag na isinara iyon.
Okay, susunduin niya daw ako sa bahay. Para sabay na kaming pumunta sa bahay nila.
Nag open naman ako ng facebook ko, kaso yung simple kong fb noon, ngayon iba na malulula ka sa dami ng notification at messages!Simula nung kumalat yung video tapos yung interview kay Attorney nag iba na yung account ko haha kung dati sa simpleng pag change ng dp ko minsan umaabot lang ng 200 likes or react, ngayon lumalampas na ng 1k. Hindi na nakaka tuwa.
May mga gumagawa narin ng fans club namin. Chrisril/ Chrispril o kaya Rilchris nung nakita ko yun napa hagalpak ako ng tawa. Seriously? Rilchris, Chrisril, at Chrispril anong sunod crispy fry hahahah.
Famous pala itong si Attorney pero bakit di ko siya kilala nung una? Tsk.
The Unexpected Relationship with Attorney Chris yeah! Sino ba ang mag aakala na sinampal ko lang naman tapos ito ngayon may mga fans club na kami haha although palabas lang naman yung Relationship namin.
Umuwi na ako sa bahay dahil mag aayos pa ako para sa dinner daw.
Simple lang naman yung sinuot ko. Kulay black na dress lang tapos nag pulbo lang ako, nag blush on din. Hinayaan ko lang na naka lugay yung buhok ko.Pumasok naman si mama sa kwarto ko since naka bukas lang naman yung pinto.
"Hinihintay kana ng boyfriend mo sa baba." Sabi ni mama. Pati si mama nakiki boyfriend na din haha.
Bumaba naman ako agad dahil nakakahiya kung maghihintay pa ng matagal si Attorney sa baba.
Nung makita niya naman ako na pababa na tumayo na siya saka lumapit sa akin."Okay na ba tong suot ko?" Tanong ko sa kanya.
Pinasadahan ako nito ng tingin; mula ulo hanggang paa."Yeah. Let's go?" Anyaya niya.
"Oka–" Natigil ako sa aking sasabihin nang hawakan nito ang aking kamay at ipinulupot sa kaniyang braso.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?