CHAPTER 12

48 4 0
                                    

Kaka dating ko lang ng bahay ng makita ko si mama sa may sala. Tumakbo ako papalapit dito saka yinakap siya.

"I miss you ma." Nanlalambing na sabi ko."How's your vacation?"

"Okay lang naman." Tumingin naman ito sa akin. "Linagnat ka daw sabi ng kuya mo. Sabi ko naman sayo na lagi kang mag iingat hindi ba?"

"Ma, I'm fine na po." Naka ngusong sabi ko."Pasalubong ko ma?"

"Oh." Sabay abot sakin ng hawak nitong paper bag.

Agad ko itong binuksan at tumambad agad sa akin ang kulay blue na t shirt na may naka lagay na 'I Love Caramoan'. Tapos pili nuts, wew!

Pag may time talaga ako uuwi ako ng probinsya namin.

"Thank you Ma." At yinakap ulit ito.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si kuya.

"Kuya!" Sabay pakita sa kaniya ng hawak kong paper bag. "Pasalubong sakin ni mama!"

Bumaling ito kay Mama at agad na ngumuso. "Bat ako Wala?" Pagkatapos ay tiningnan ako nito at dinuro-duro ako. "Bigyan mo ko!"

Napa-iling na lamang ako sa inasta ni kuya, para itong bata. "Tss! Inggitiro." Kinuha ko agad ang isang garapon ng pili nuts at ibinigay iyon sa kaniya. "Oh!" Na agad naman niyang kinuha.

Nang makuha iyon ay agad-agad nitong binuksan iyon at kumain.

"Dahan-dahan lang!" Puna ko sa kaniya. "Aakyat na po muna ako Ma!" Sabay tayo at nag lakad. "Salamat ulit dito Ma, labyou!"

"Thanks bunso." Dinig ko pang turan ni Kuya.

Pumasok agad ako sa aking kwarto para mag palit ng damit saka bumaba ulit para kumain.

Nadatnan ko naman si mama na nag hahanda ng makakain namin kaya tinulongan ko na ito.

"Sabi ng kuya mo Si Atty. Chris daw yung nag alaga sayo nung nagka sakit ka? Totoo ba yun?"

Napatingin naman ako sa gawi ni mama. "Opo. Nakakahiya nga ih."

Seryoso naman itong tumingin sakin. "Ano? Hanggang pag papanggap lang ba talaga kayo?" Nanunuksong tanong ni mama.

Natigil naman ako sa aking ginagawa at tumingin kay Mama ng seryuso. "Malabo naman atang maging real ang Relationship namin," At nag lagay ng isang Plato sa mesa. "She still love Elissa."

"Ikaw ba ay hindi pa nag kaka gusto sa Atty. na yan?" She asked.

"Maaa!" At agad na tumalikod sakanya.

Naka pamewang naman itong pumunta sa harap ko. "The way you act I already know the answer."

Inilingan ko naman ito."No way! I'm not in love."

"Who's not in love ?" Bungad na tanong ni kuya.

"Wala!" Agaran na sagot ko sakanya. "Kakain na daw."

Tumingin naman ito kay mama. "Sino daw ang hindi in love mama?"

"Aba! Ewan ko diyan sa kapatid mo." Nakakibit balikat nitong turan at inilapag sa plato ang kutasara't tinidor at umupo.

"Hmm. Malalaman ko din yan." Naka ngising sabi ni kuya.

Naupo naman kami sa mesa saka nag simulang kumain.

"Kuya mag babakasyon ako sa Caramoan." Nang iingit na sabi ko sakanya.

"Really? With your boyfriend?" Natatawang aniya. "I mean FAKE boyfriend!" Pagdidiin pa nito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ang sama mo! Kaibigan mo din kaya yun!" Then I rolled my eyes. "Support support lang."

Napa-iling nalang ito at kumain. Hindi na din ako ulit nag salita dahil baka barahin lang ulit ako ni kuya.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon