CHAPTER 13

63 4 0
                                        

Nagtataka ako ng imulat ko ang aking mata dahil wala ako sa aking silid. Saka ko lang na realize na dito pala kami ni kuya na tulog sa kwarto ni mama dahil hindi nanaman ako makatulog ka gabi.

Wala na yung mga katabi kong matulog ma aga ata silang nagising. Inayos ko naman muna yung kama bago pumunta sa kwarto ko, saka naligo na. Pag ka labas na pag kalabas ko ng kwarto uma abot dito yung amoy ng niluluto ni mama.
Nag sasangag  ata siya ng kanin dahil amoy na amoy yung bawang na ginigisa niya. Hmm.

Bumaba naman ka agad ako. Nabigla ako sa nakita ko sa may sala dahil nandoon si Chris kausap si kuya.
I guess bati na sila. Dumeretso na ako ng kusina para tulungan si mama na mag handa para sa almusal namin. Sinangag , bacon, hotdog, itlog, at tuyo yung ulam namin.

Nag lagay naman ako ng mga plato sa mesa.

"Tawagin mo na yung kuya mo para makapag almusal na." Utos sakin ni mama.

Pumunta naman ako sa sala pero wala na sila doon kaya pumunta ako sa likod ng bahay namin. Nakita ko naman sila doon na nag bibiroan.

"Kuya! Mag aalmusal na daw." Anyaya ko dito. Batid ko naman na inaya niya rin si Chris.

Ngayon ko lang na realize kong ano ang suot nito.

Naka black sando siya na may naka sulat sa harapan na Money Talks tenernohan niya naman ito ng gray short. Sanaol macho haha.

Kahit ano atang suotin nito ay babagay sakanya dahil masyado siyang maputi!

Nang umulan ata ng ka gwapohan at kaputian sigurado akong sinalo niya lahat ng ito o di kaya'y naligo pa ito! HAHAHA.

Na una naman akong pumasok sa kanila at naupo na. Umupo naman si Chris sa harapan ko saka bumati ng good morning binati ko din ito pa balik. Sana mahalin niya rin ako pa balik char.

Nag simula na kaming kumain. Nagkwekwentohan naman sila ni kuya. Hindi naman ako maka relate sa pinag ke kwentohan nila kaya tahimik lang akong kumakain. Si mama naman minsan nakiki sabay sa usapan nilang dalawa. Okay O.P po ako dito.

"Alam mo bang wala pa yang naging boyfriend si April?" Tanong ni kuya kay Chris.

Nabulunan naman ako sa tanong ni kuya kaya uminom ako ng tubig. Papatayin ata ako ni kuya.

Tiningnan ko naman ng masama si kuya. Tatawa tawa naman itong tumingin sa akin."Bakit totoo naman diba! Kung wala pa nga kayong pakulo na fake Relationship ih wala ka pang jowa." Pang aasar niya sakin.

Sumimangot naman ako. Saka nag patuloy ulit na kumain. Tumama naman ang aking paningin kay Chris na nag pipigil ng tawa niya. Ma utot sana siya! Hmp!

Si mama naman nanaway na tiningnan si kuya kaya napangisi nalang ako sa isip ko haha. Syempre kampi sakin si mama.

Si mama na yung nag hugas dahil dumating yung mga kaibigan ko, na sa sala kami ngayon.

"Kala ko ba maliligo tayo ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Mamaya pa naman over night naman tayo doon." Sagot ni Jessa.

Tumango tango naman ako."So anong ginagawa niyo dito?" Nag tataka kong tanong sa kanila.

Tumawa naman sila. "To make sure na sasama ka talaga."

Napa iling nalang ako sa sinabi nila. "Malamang sasama talaga ako. Hindi niyo naman kailangan pumunta pa dito."

"Scammerist ka kaya."Natatawang sabi ni Hannah."Nung unang invite namin sayo umoo ka rin pero pag dating ng oras walang April na dumating."

"May emergency nun na nangyari." Depensa ko sakanila.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon