CHAPTER SEVEN

54 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, nag-unat pako sa kama at umupo.

"Ahh! Ang sarap ng tulog ko!" Sabay kuha ng aking phone.

Hayst! Di man lang nag text si Kuya. Hindi parin kami nag uusap ni kuya pero alam ko naman na okay na kami nun, hindi naman siya marunong mag tanim ng galit.

Nag online na lamang ako at binasa yung mga chat nila sa gc. Guess what? Mga chismosa talaga yung kaibigan ko haha.

Hanning:
Hello Guys? I have a news!

Lering:
What's the tea sis?

Koring:
I think I know that news.

Jessing:
Bakit mukhang late ako sa balita?

Hanning replied to lering:
What's the tea sis?

•Guess what? May boyfriend na si April.

Lering:
Really?

Jessing replied to hanning
Guess what? May boyfriend na si April.

•O my gosh SANAOL hiwalay soon.

Koring replied to hanning:
Guess what? May boyfriend na si April.

•Yeah I know that already nanood ako nung interview ni Attorney hindi ko alam na may relasyon pala talaga sila ni April. Ang galing mag panggap ni April na hindi kilala si Attorney. Duh! Ma sekreto. Tampo tayo sakanya guys.

Hanning replied to Jessing:
O my gosh SANAOL hiwalay soon.

•Ang sama mo haha.

Koring
Guys ol siya lets group video call

KORING START A VIDEO CALL

Hanning join the video group.

At pati na din ang iba.

"Ang sama niyo sakin ha! Pinag uusapan niyo ako ang pa-plastic." Bungad ko naman sa kanila. Nag tawanan naman ang mga ito dahil sa sinabi ko.

"So? Uso mag kwento." Na nunuksong sabi ni Hannah.

"Ano na may pa sabi sabi ka pang kasalanan namin, tapos malalaman nalang namin na may relasyon pala talaga kayo nung Attorney na yun. Kaya pala ang lakas ng loob mong gawin yung dare kasi kilala mo!" Mahabang litanya ni Kayrlle.

Oo nga pala hindi pa nila alam na fake lang naman yun.

"Guys kalma it wasn't serious relationship." Namilog naman ang kanilang mga mata.

"What do you mean?" Nagugulahang tanong ni Jessa.

Tinawanan ko naman ang kanilang reaksyon. "We're just pretending. Basta mahabang kwento tinatamad ako."

"What?" Sabay na sabi pa ng mga ito.

"Next time, ikekwento ko. Guys I need to end the call na, marami pa akong aasikasohin ih. Bye!"

Nang maibaba ko na ay agad akong kumaha ng aking damit at pumasok sa banyo. Nang matapos ay nagbihis na ako, nag-almusal at nagsimulang magtrabaho. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtatrabaho nang mag ring ang aking phone.

*Cring!*Cring!*

Tiningnan ko naman iyon.

Attorney Chris is calling...

Napa buntong hininga muna ako bago sagutin ang tawag. "Yes?" Maikli kong sagot sa kanya.

"Are you busy?" Tanong nito sa akin.

"Yes I am. Why?"

Bigla naman natahimik ito sa kabilang linya.

"Hello?" Tiningnan ko naman ang hawak kong phone baka kako enend call niya na pero, nakita ko namang hindi pa kaya ibinalik ko uli iyon sa aking tenga.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon