Tinanghali ako ng gising kaya hindi na ako pumunta sa Restaurant. Kinuha ko naman yung phone ko sa side table ko saka binuksan ito.
WHAT THE?
15 missed call, 5 messages at lahat ay galing kay Chris.
Hindi na ako nag atobiling basahin yung mga message niya. Nag papanic akong dinial yung number niya.
"Chris!" Sigaw ko ng sagotin niya yung tawag ko.
"What the hell?" May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na marinig.
"A..ano? Kagigising ko lang kasi bakit naka 15 missed call ka?" Kinakabahan na tanong ko sakanya.
"It's about Elissa." Nanlumo naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Elissa.
"What about her?" Pinilit kong maging masigla ang aking boses.
Napa buntong hininga naman siya sa kabilang linya."Hindi na tuloy yung wedding nila." Batid kong nasisiyahan siya.
"What? Why?" Tanong ko sakanya.
"Maybe gumagana yung plano natin. What do you think?"
"Maybe yes, maybe not." Sabi ko sakanya habang pumipili ng damit na susuotin."What if yes? Anong gagawin mo?"
"Sakin nalang yun." Saka tumawa.
"I'll hang up na bye!"
Naligo muna ako bago bumaba. Since hindi naman ako pupunta sa restaurant kaya naisipan kong mag linis nalang ng boung bahay.
Nasa kalagitnaan ako ng pag pupunas ng table ng mag ring yung phone ko.
"Yes?" Sagot ko
"Busy ka?" Tanong ni Lerma.
"Hm. Naglilinis ng bahay. Bakit?"
Nadinig ko naman na may nag busina sa labas ng bahay.
"Wait nasa labas ka ng bahay namin?" Takang tanong ko dito.
"Yep! Kanina kasi pumunta ako sa restaurant niyo tapos sabi nila wala ka naman doon kaya naisipan kong puntahan ka dito sa bahay niyo."
Mabuti nalang at tapos na rin akong mag linis ng bahay. Lumabas naman ako para tingnan kung nandoon talaga siya. Pagkalabas ko palang ng gate bumungad na sa akin ang motor niya habang siya ay naka angkas doon.
"Ano tara gala tayo?" Anyaya niya sakin.
Tiningnan ko naman ang suot ko naka black sando and black short."Kahit ganito ang suot ko?" Pinasadahan niya naman ako ng tingin.
"Sige." Sagot niya sakin.
Tiningnan ko naman siya ng masama."Gags! Hintayin mo ako at mag bibihis lang ng mabilis." Saka pumasok ulit sa bahay.
Linock ko naman yung pinto at yung gate.
"Ako yung mag dadrive." Sabi ko kay Lerma.
Umangkas na ako at pinaharurot yung motor niya.
Kung saan saan kami pumunta gamit yung motor niya. Huminto naman kami ng may makita kaming nag titinda ng Street food. Bumaba naman kami sa motor saka lumapit sa nagtitinda.
"Ate fish ball po tas kickiam, pasama na din po ng palamig." Binigyan niya naman ako ng lalagyan nung fish ball saka kickiam kumuha naman ako ng sauce yung ma anghang.
"Kickiam ate tas kwek kwek po." Sabi naman ni Lerma.
Binayaran na namin ito saka na upo sa tabi ng puno ng mangga.
"Sabi nina Kayrlle bumalik na daw yung EX boy best friend mo at EX manliligaw mo?" Pagsisimula ni Lerma ng topic.
"Hmm. Yes! Nakita ko nga siya doon sa Marina beach siya rin yung nag hatid sakin pa uwi." Kwento ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?