"Ma alis na ako!" Sigaw ko mula sa may gate ng bahay namin sa sobra kong pagmamadali muntikan ko ng makalimotan mag paalam.Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito. Gosh sana hindi pa ako late paniguradong dadamihan nila yung order pag ako yung mag babayad.
Bakit ba kasi hindi ako ginising ni kuya! Kainis naman. Pagkarating ko sa Restaurant ayon nga at kumpleto na sila at ako nalang ang hinihintay.
Para naman akong nanghihina dahil ako ang mag babayad sa sandamakmak na order nila. Hindi pa man ako nakaka rating sa mesa nila tuwang tuwa na sila dahil nakita nila yung mukha kong hindi na ma ipinta.
"So dahil late ka ikaw mag babayad lahat ng ito." Energetic na sabi ni Jessa.
Alam ko naman na pag aari namin tong Restaurant pero naku ang dami talaga nilang inorder.
Napag usapan kasi namin na mag kita kita dito sa Restaurant namin. Tapos ayun kung sino daw late siya mag babayad.
Wala akong ganang kumain. Ang dami kong babayaran. Mga walang hiya po talaga sila.
Masaya silang nag kukwentuhan habang ako parang na lugi. Sa mag babarkada ako po talaga yung pinaka kuripot kaya ganiyan sila kasaya dahil ako yung mag babayad.
Hindi naman nila na ubos lahat kaya pina take out nalang nila yung tira. Nag uusap usap kami doon ng maisipan naming mag laro ng Truth or Dare.
Kumuha naman sila ng bottle para ipa ikot ito. Naka ilang ikot na mabuti nalang at hindi pa ako nahihintoan ng bote. Kung hindi kay Hannah huminto kay Lerm minsan kay Kayrlle. Ang dami nilang tinatanong kapag truth.
Si Khaye ang nag papaikot ng bote ng biglang huminto sa pag ikot ito kasabay ng pag hinto ng aking mundo char. Sakin tumapat yung ano ng bote so ako na! HAHAHA."Dare!" Sagot ko sa kanila. Nag ka tinginan naman silang apat na animoy may masamang binabalak mag tutruth na sana ako kaso inunahan na nila ako na walang bawian.
Tiningnan naman ako ni khaye sabay ngiti ngiting may masamang ipapagawa."So ito ang gagawin mo. Pag may pumasok na lalaki sa pinto na yan. Sasampalin mo tapos aakto ka na linoko ka niya. Ikaw na ang bahala sa sasabihin mo." Nag tawanan naman sila.
Habang ako halos tawagin ko na ang lahat ng santo na sana walang pumasok na lalaki.
Kaso.....Biglang bumukas yung pinto at may pumasok na lalaki.
Naka kulay blue siyang t shirt na may naka sulat na Calvin sa harapan, naka gray na short at black na shoes
Simple lang kung titingnan yung outfit pero bakit naman sobrang gwapo niyang tingnan sa suot na yun?
Agaw pansin ang kaniyang singkit na mga mata. Makapal din ang kaniyang kilay na mas lalong nakaka pag pa gwapo sakanya. Agaw atensyon rin ang kaniyang nunal malapit sa may ilong na mas lalong nakaka pag palakas ng appeal niya. I think 5'9 or 5'10 yung height niya. Katamtaman din ang laki ng katawan niya na mahahalata mo talagang nag gygym siya!
Ayaw ko na sanang gawin yung dare kaso pag hindi ko yun nagawa mag babayad ako sa kanila ng 1k. Ganun po sila ka daya.
Naglalakad naman ito papasok sa restaurant halos napapatingin sa kaniya ang ibang customer sino ba ang hindi eh napaka gwapo ng lalaking ito.
Tumayo naman ako at lumapit sakanya saka sinampal ito. Halata namang nagulat ito at kitang kita ko kung paano nag salubong ang kilay niya. Namula din yung pisnge niya. Hala! Napalakas ata yung sampal ko. Panindigan na natin to.
May mga narinig naman akong nag tatanong kung bakit ko daw sinampal basta marami pang iba.
Unti unti namang bumagsak ang luha sa pisnge ko na mas lalong ikina gulat niya. "Bakit? Hindi pa ba ako sapat? Kung kaya't nag hanap ka ng iba! Akala ko ako lang pero...
Naguguluhan itong tumingin sakin. "Look miss I don't know you." Lalakad na sana ito palabas ng hawakan ko siya sa braso niya. "Anong klase kang tao? Ngayon sasabihin mong hindi mo ako kilala! Bakit dahil ba mas maganda siya kaya pinag palit mo ako sa kaniya" Umiiyak na sabi ko. Narinig ko naman yung mga komento ng customer doon kesho ang gwapo gwapo daw ng Attorney na to tapos manloloko naman daw pala.
O my god Attorney ito? Pag tapos nun tumakbo na agad ako palabas ng Restaurant.
O my god anong ginawa ko? Patay ako nito. Paniguradong kaso to!Sumunod naman sakin yung mga kaibigan ko. "Hala ka sis agaw atensyon ka doon. My god may nag vivideo pa naman. Sigurado laman ka ng news ngayon." Sabi ni Jessa.
Tiningnan ko naman ito ng masama. "Kasalanan niyo ito ih" umiiyak na paninisi ko sa kanila.
Pano na to ngayon. Magkaka basher na ako.My gosh what I've done today?
Ang tanga tanga ko huhu.
Ano nalang ang ihaharap kong mukha bukas? Nag iskandalo ba Naman sa sariling restaurant? Whaaa kahiya!
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?