CHAPTER FOUR

64 6 0
                                        


Ma aga ako ngayon na nagising pano ba naman kasi si kuya ang ingay ingay. Kala ko tapos na siya sa pagsesermon nung tumawag siya pero hindi pa pala! Dinaig niya pa si mama! Si mama naka move on na sa ginawa kong katangahan, si kuya hindi pa!

Na sa kusina ako ngayon tapos dinig na dinig ko parin yung reklamo ni kuya kay mama. Ini spoiled daw kasi ako ni mama. Hindi ko na nga sinabi sa kanya yung about sa usapan namin ni Attorney kahapon dahil baka mas lalo siyang ma galit sakin.

Pumunta naman ako sa sala nakita ko na nonood si kuya ng tv. Tumabi naman ako sakanya. "Kuya? Mag aalmusal na." Tiningnan lang ako nito saka tumayo tapos pumunta na sa kusina.

Galit talaga siya. Sumunod naman ako sakanya."Kuya sorry na." Hindi niya parin ako kinikibo. Tumingin naman ako kay mama. "Mama o si kuya hindi ako pinapansin." Pagsusumbong ko kay mama.

"Niyan! Diyan ka magaling sa pagsusumbong! Pag pinagsasabihan, hindi ka man lang nakikinig! Hindi ka na bata April!" Parang tatay na pagsesermon niya.

"Sorry na kasi kuya promise makikinig na ako sayo." Sabay ngiti ko sa kanya. Napa iling nalang si kuya."Hay.. matitiis ba kita? Naku ikaw talaga! Nag tataka na nga ako kung bakit hindi na lulugi yung Restaurant eh ikaw yung nag mamanage nun." Pang aasar ni kuya.

Ganiyan karupok si kuya. Haha
Tatawa tawang tiningnan ko si kuya.

"Kuya bukas daw mag pasa ka ng resignation letter sa company niyo sabi ng boss mo." Pang aasar ko pa balik sa kanya.

Pag katapos naming kumain syempre ako yung pinag hugas ng pinggan. Pumunta naman ako ng sala pag ka tapos kong mag hugas ng pinggan na sa sala kasi sila na nonood ng tv.

Linipat naman ni kuya sa ibang channel saktong na lipat niya doon sa interview ni Attorney.
Hala? May interview siya? Patay ako kay kuya! Hindi na namin ito na simulan. Nag tatanong yung dalawang host sa kanya.

"So Attorney Chris, totoo ba yung nasa video na kumakalat ngayon na linoko mo daw si ate gurl? Tanong nung isang host na si Welden Cruz. Nakita ko naman na nag seryoso yung mukha ni kuya. Patay na!

Ngumiti naman si Attorney. "Actually it was a misunderstanding po. She thought that I have another girl but it was my cousin po."

Na pa owww naman yung mga audience doon."So totoo na may Relationship talaga kayo nung babae?" Tanong ng pangalawang host.

"Yes." Tipid na sagot nito.

Nagwala naman sa kilig yung mga fans ni Attorney."Pero may humors na girlfriend mo daw si Elissa Ortiz isa sa mga sikat na model sa Pilipinas?"

Nag iba naman ang mukha ni Attorney pero agad naman itong ngumiti. "She's my girlfriend, before! Tapos na po kami bago siya umalis ng Pilipinas."

Tapos na daw ha! Di pa po yan nakaka move on sa ex niyang model.

"Okay! Dito po nag tatapos ang Umagang kay Saya! Salamat Atty. Christoffer Santibañez dahil na pa unlakan niyo ang aming inbitasyon na maging guest sa aming programa."

Pinatay naman ni kuya yung tv tapos galit na tumingin sa akin. Ito na po yun yung sinasabi ko patay po ako kay kuya.

"Kailan pa kayo naging mag jowa ni Chris?" Pa galit na tanong niya sakin habang naka tayo siya. "Kahapon kuya." Sabi ko dito.

"What?" Sigaw niya sa harapan ko. Namumula na yung mukha niya sa sobrang galit."Kahapon lang? Ewan ko sayo April hindi ka na bata! Bahala ka sa buhay mo!"

Tiningnan ko naman si mama humihingi ng tulong pero umiling lang ito."Kuya it was pretending Relationship lang naman yun! No big deal!"

Nag salubong naman yung kilay niya tapos tumingin siya kay mama. "Ma! Pagsabihan mo nga itong bunso niyo!"

"Alam na ni mama kahapon pa kuya."

Galit na galit na talaga siya. "Ano? Ikaw bahala ka na talaga huwag kang iiyak sakin pag may nangyaring hindi maganda! Sinasabi ko sayo huwag kang iiyak samin ni mama!" Tapos nag walk out naman siya.

"Huwag kang iiyak samin ni mama!" I murmured habang ginagaya ang tono ng boses ni kuya.

Bakit naman ako iiyak eh hindi naman serious relationship yun.

Napaka Oa talaga niyang si kuya.
Sus! Pretend lang naman ih.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon