CHAPTER 27

46 4 0
                                    

"HOYYYY! ABA USONG GUMISING NG MAAGA AVRIL LAVIGNE!" Malakas na sigaw ni kuya."MARAMI KA PANG GAGAWIN, NAPAKA BATOGAN MO NAMAN!" Dinig ko pang sabi niya.

Minulat ko naman ang aking mata at nakita siyang naka pa meywang sa may paanan ko.

"What time na ba?" Pumikit pikit na tanong ko pa sakanya.

"Alas diyes na ng umaga, woay! Tulog mantika, ampt!" Sabi niya sabay iling. "Bumangon ka na diyan at papasok pa ako sa trabaho."

Bumangon naman ako saka ko lamang na realize na naka pang trabahong sout na siya.

"Morning kuya!" Saka dumeretso sa Cr.

Dinig ko pa ang pag bukas sarado ng pinto ng aking kwarto, siguro umalis na si kuya.

Nang maka bihis ay agad akong lumabas ng aking kwarto.

Pababa ako ng hagdan ng sumagi sa isip ko yung panaginip ko kagabi.

Pinilig ko ang aking ulo. Napaka labong mangyari nun, ni hindi ko nga alam kung bakit sa dinaradaming pweding mapanaginipan ay yun pa!

"HOY!"

"Jesus maryusep!" Sigaw ko dahil sa gulat. Napa hawak pa ako sa may dibdib ko.

Tiningnan ko naman si kuya ng masama. Saka pinag hahampas ang kaniyang braso.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Bigla ka na lang matutulala diyan, tapos iiling iling ka pa?" Nagtatakang tanong niya.

Na alala ko ulit yung proposal na, na udlot dahil ginising ako ni kuya. "Wala, akala ko ba umalis ka na?" Takang tanong ko sakanya.

"Naiwan ko yung phone ko, binalikan ko lang."

"Sanaol binabalikan," sagot ko naman sakanya habang papunta ng kusina.

Kinuha ko naman yung tasa saka nag timpla ng kape. Pang pagising haha.

Walang hiyang panaginip yun. Napaka!

Hinipan ko naman ang kape saka dahan dahan itong ininom.

"Good morning!" Na ibuga ko naman yung kape dahil sa pagka bigla.

Tangna! Uso yung gulatan?

"Oh, bat parang gulat na gulat ka?" Natatawang tanong ni mama.

"Nakaka gulat naman po kasi kayo," napapailing na sabi ko.

Umupo naman ito sa kaharap ng upuan ko.

"Hindi kayo pumunta sa restau?" Tanong ko kay mama.

Umiling lamang ito, saka nag salin ng malamig na tubig sa kaniyang baso.

I sighed heavily. I really need to call my secretary, wala rin akong balak pumasok ng restau.

Dito ko nalang tataposin ang ibang trabaho ko.

"Samahan mo ako, pupunta tayo sa mga pinsan mo." Sabi ni mama.

"Why?"

"Birthday ng pinsan mo ngayon, hindi mo alam?" Seryosong tanong ni mama.

Ah makiki berday. Haha.

"Sige,mag bibihis lang po ako mama!"

Kinuha ko ang aking cellphone sa side table ng aking kwarto, denial ko naman ang number ng aking secretarya.

Naka isang ring lang ito.

"Hello, good morning Ms. April!" Masiglang bati niya at nababatid kong sobra ang ngiti nito.

"Hey Morisette, as of now hindi muna ako makaka punta ng restaurant ganun din si mama, may pupuntahan lang kami." I paused."Ikaw na muna Ang bahala."

"Oh! Okay po Ms. April, take care ho sa lakad niyo ni Ma'am Cas."

"Sige bye!"

"Bye po!" Dinig ko pang sabi nito saka enend call ko na.

Nag bihis naman ako saka bumaba, nandoon naman si mama sa sala.

"Let's go ma!" Sabi ko dito.

Nang makapasok sa sasakyan si mama ay agad ko itong pinaandar pa puntang Sarafi.

Isang oras din ang byahe pa punta doon.

Pagkadating namin, sumalobong agad samin sina tita.

"O my! Ito na ba yung anak mong dalaga Cas? Ang ganda!" Pambobola ni tita Angela.

"Syempre, saan pa ba mamana? Eh sakin!" Natatawang sagot ni mama

Natawa naman sina tita. Napa iling nalang ako.

Kaunting kamustahan lang saka pumasok na kami sa loob.

"Happy birthday Reys!" Bati ko doon sa pinsan kong may birthday.

"Thank you ate." Naka ngiting sabi ni Reys.

Tumutulong si mama sa pagluluto, ako naman ay nag babantay sa apat na taong gulang na anak ni tita.

"Ate look," sabay turo niya doon sa pusa."A cat!" Sabay palakpak nito. Napa ngiti nalamang ako.

"Yeah, baby pero bawal kang lumapit sa cat diba? Bawal mo din hawakan yun." Nalongkot naman ang kaniyang mukha.

May hika kasi siya, kaya bawal.

"But ate.."

"No buts baby," sabay pisil ko sa kaniyang cheeks at kinarga ito.

Maya maya lang kinuha na ito ni tita.

Kinuha ko naman ang aking phone sa sasakyan since iniwan ko ito doon kanina.

May one missed call galing kay Chris. kaya agad akong nag tipa ng mensahe para sa kanya.

To Atty. Chris.

Why?

Hindi na ito nag reply kaya linagay ko nalang sa bulsa ko ang phone saka pumasok ulit sa bahay ng tita ko.

Tamang tama naman dahil kainan naaaaa...

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you." Kanta namin.

Hinipan niya naman yung cake.

Binulsa ko naman yung Shanghai charr.

Kumuha naman ako nung spaghetti tas nung Shanghai.
Saka binigay sa ibang pinsan ko.

Kuha lang ako nung salad since busog pa ako.

I was about to eat when my phone rang.

Atty Chris is calling...

"Yes!"

"Where are you?" Tanong niya.

"Nasa bahay, bakit?" Saka sumubo nung salad.

"Are you busy?"

"May dinner o may lunch kasama si Elissa? Natatawang tanong ko.

"No." Mabilis na sagot niya.

"I'm busy today, why?"

"Nothing, I'll hung up na this! See you, bye!" Saka enend call niya.

I don't know pero parang kinakabahan ako.

I shook my head, maybe I'm just tired kaya ganito ang nararamdaman ko.

"Hey guys!" Masiglang bati ni kuya. Naka pang trabaho pa itong sout kaya batid kong dumeretso na ito papunta dito at hindi na umuwi ng bahay.

Lumapit naman ito kay Reys,"Here's my gift." Naka ngiting binigay ni kuya yung regalo niya kay Reys.

Speaking of gift, yung gift sakin ni Chris is necklace.

Yung iba hindi ko pa na bubuksan.





The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon