CHAPTER 18

47 4 0
                                        

Nagrereklamo ako habang pababa ng hagdan. Paano ba naman kasi si kuya ginising ako 5:01 am palang naman. Gusto niya daw for breakfast yung ginataang kalabasa!

Daig niya pa yung buntis! Akala mo naglilihi! Bwesit! Wala naman akong magawa kundi ang sundin ang utos niya dahil kuya siya at bunso ako. Sa bahay may patakaran pag bunso dapat sumunod sa nakakatanda mong kapatid!

Mabuti nalang at may kalabasang binili si mama kahapon. Binabalatan ko naman yung kalabasa saka hiniwa iyon ayun sa hustong laki.

Haysst! Ginataan pa talaga yung gusto niya ang arte arte niya!

Nang matapos ko naman na balatan at mahiwa ang kalabasa linuto ko na ito. Syempre sinangkapan ko muna ito.

Nagsaing narin ako ng bigas at nag timpla ng kape para matanggal naman kahit papaano ang antok ko.

Ano naman kasing pakulo ni kuya at gusto pang kumain ng ginataang kalabasa.

Nang maluto naman ito hinain ko na ito. Hinihintay ko nalang na maluto ang kanin. Pumasok naman si mama sa kusina kaya nag paalam muna ako sakanya na pupuntahan ko muna si kuya ibinilin ko na din kaya Mamaang sinaing ko.

"Kuya!" Tawag ko sakanya dahil hindi ko mabukas ang pinto ng kaniyang kwarto dahil sa naka lock nito.

Binuksan niya naman yung pinto saka naka ngiting nakatingin sakin."Luto na?"

"Ulol mo po." Pa singhal na sabi ko sakanya.

"Sumbong kita kay mama." Kunot-noong sabi niya. Tinarayan ko lamang ito.

"Yung kalabasa mo luto na." Masungit na sabi ko saka pumasok sa kwarto ko.

Naligo muna ako bago bumaba dahil tinamad ako kaninang maligo kasi naman masiyado pang ma aga.

Nadatnan ko naman si kuya na kumakain. Napa taas na lang ang aking kilay dahil mukhang enjoy na enjoy ito sa pagkain. Na upo naman ako saka kumuha ng tinapay at pinalamanan ito. Wala akong ganang kumain.

Lumabas naman ako ng bahay saka doon tumambay hindi pa naman masiyadong ma init.

Binuksan ko naman yung gate sakto naman natanaw ko si Chris kasama si Kia. Ngumiti naman ako ang cute talaga ng batang yan.

"Good morning ate." Bibong bati Niya sakin habang hawak yung aso niyang si popoy. Popoy daw yung pangalan ih.

"Good morning too cutie." Sabay pisil ko sa pisnge nito.

Tumikhim naman si Chris."Ako walang good morning?"

Napa angat naman ang tingin ko sakanya."Good morning Attorney Christoffer Santibañez!"

"Parang may galit ah!" Naka ngusong sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Do you wanna come with ate April Kia?" Naka yuko kong tanong kay Kia.

Tumingin naman ito sa kuya niya."She can't come with you pupunta pa kami kila tita hinihintay kami doon ni mommy unless you wanna join with us?"

"Yeah ate sama ka na samin." Ngiting ngiti na sabi ni Kia.

"Sorry baby hindi pwede ih."

"Okay po." Naka ngiti paring sabi niya.

"Sige papasok na ako. Bye!" Kiniss ko naman sa pisnge yung bata. Akmang papasok na ako ng hinawakan ni Chris yung braso ko.

Nagtatanong naman na tiningna ko siya."What?"

"Mamayang lunch." Pagpapa alala niya sakin. Tinangoan ko lamang ito saka pumasok na. Masyadong ma aga pa para sa lunch with Elissa kaya naisipan kong pumunta sa Restaurant namin. Si mama muna ang laging pumupunta doon dahil may iba ako ngayong agenda haha.

"Good day ma'am!" Bati nung guard sakin.

"Good morning!" Bati ko pabalik sakanya.

"Good morning ma'am April!"

"Bagay na bagay talaga sila ni Attorney." Dinig kong sabi nung babae na kumakain.

"Yeah!" Sang ayon naman ng mga kasamahan niya.

May lumapit naman saking grupo ng mga istudyante.

"Pwede pong mag pa picture?" Nahihiya tanong nung isang student sakin.

Nginitian ko naman ito."Sure!"

Ngumiti naman sila sakin saka nag thank you. Nag pasalamat din ako sa kanila.

Hinahanap ko naman yung phone ko sa bag ng may naka bangga ako. Nalalag naman yung dala niyang gamit kaya agad ko itong tinulongan sa pag pulot. Sabay naman kaming tumayo ng ma ayos na yung mga gamit niyang nalaglag.

Nagtama naman ang aming paningin familiar siya sakin. Nakita ko na siya somewhere hindi ko lang ma alala.

"Sorry." Paumanhin ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin."No problem."

Aalis na sana ako ng nagsalita ulit siya."April right? April Bartolome?" Tanong niya.

"Yes?" Takang tanong ko sakanya.

Humalakhak naman ito."Hindi mo ako kilala?" Tanong niya ulit.

"Familiar." Maikli kong sagot sakanya.

Napa iling iling naman ito."I'm Ace Enrique Mendoza."

"Ah yeah! Yung Boyfriend slash fiancee ni Elissa." Naka ngiting sabi ko.

Nag iba naman yung timpla ng mukha niya saka ko lang na realize na hindi nga pala matutuloy yung kasal nila.

"Ahmm. Sige a-ano Ace punta lang ako sa opisina ko." Saka nag kunwaring may hinahap sa bag.

"Sige aalis na din ako bye!" Sabi niya sakin saka nag lakad pa alis.

'Tss bakit mo pa kasi sinabi yun! Napaka daldal mo abril!' Bumulong bulong na sabi ko habang pa punta sa opisina ko.

Nadatnan ko naman doon si mama."Morning ma!" Bati ko sakanya.

Tumingin naman ito sakin."Bakit yung mukha mo parang pang byernes Santo?" Tumawang sabi niya.

Tss. Mang aasar pa siya niyan!

"Na miss ko lang yung opisina ko sa Restaurant kaya na pa punta ako dito." Sabi ko sakanya kahit hindi naman siya nag tatanong kong bakit ako nandito.

"Akala ko ba may lakad kayo ni Attorney Chris?" Tanong ni mama.

"Ma aga pa naman po."

Umupo muna ako sa sofa para mag palipas ng oras kinuha ko naman yung book na binili ko yung Moon na si ate Max yung author.

Nalibang naman ako sa pagbabasa kaya hindi ko namalayan na 10 am na pala. Binalik ko naman kong saan ko kinuha yung libro ko at nag paalam na kay mama na uuwi na dahil may lakad pa kami nina Chris.

Pagdating ko sa bahay. Naligo agad ako saka nag bihis ng damit. Syempre kulay black tapos may naka sulat na Balenciaga sa unahan regalo sakin ni kuya skl tenernohan ko naman ito ng high waisted na pants with my white Fila shoes.

Pagkalabas ko naman ng gate nandoon na siya nag hihintay na. Literal nanaman akong napa nganga sa sobrang gwapo niya sa suot niya. Kailan ba ako masasanay sa mga ganiyang soutan niya. F*ck napaka gwapo niya!

Sinuri niya naman ang aking suot kaya na curious ako na baka hindi bagay sakin."Ayos na ba to?" Dahil kung hindi magpalalit ako.

"You look good at your outfit, simple pero ang ganda mo." Complement niya.

Namula naman ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Kaya tumalikod ako sakanya at pumasok na sa sasakyan niya hindi ko na hinintay na pag buksan niya ako dahil baka makita niya na nag blush ako sa simpleng papuri niya.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon