CHAPTER NINE

56 6 0
                                    

Umu-ulan ngayon nasa kasagsagan ako ng pagluluto nandito kasi ako sa Restaurant.
Si mama umuwi muna sa probinsya namin at si kuya naman busy sa work niya, kaya minsan lang kung umuwi sa bahay. Pag ka tapos kong maluto yung iba, pumunta na ako sa office. Bahing nang bahing ako kanina pa, na ulanan kasi ako pag pa punta ko dito.

"Ma'am ayos lang ho ba kayo?" Nag aalalang tanong ng sekretarya ko.

"Don't worry, I'm okay." Sagot ko naman sakanya at ngumiti. "Uuwi na muna ako, ikaw na munang bahala dito." Sabay kuha ng susi ng aking kotse.

"Yes Ma'am, ingat po!" Dinig kong saad pa nito nang magsimula akong maglakad papalabas.

Nang makalabas ay dumeretso agad ako sa parking lot at pumasok sa aking kotse. Nang makapasok ay agad kong pinaandar iyon at pinaharurot paalis.
Nasa kala gitnaan ako ng pag dadrive ng biglang pumutok yung gulong ng sasakyan ko. Agad kong naihinto ang aking kotse at inis na napalo ang busina.

*PEEPP!*

"F*ck wrong timing!" Mura ko pa dahil sa inis. "Ngayon pa na flatan ng gulong!" 

Padabog akong bumaba ng aking sasakyan para palitan ang gulong ng sasakyan ko. Binuksan ko ang compartment ng aking kotse at inilabas ang bagong gulong kasama na din ang mga gagamitin sa pag-aayus. Medyo matatagalan pero okay naman kasi marunong naman akong mag palit ng gulong.
Basang basa na ako ng ulan medyo linalamig narin.

"Kunti na lang, Kaya mo yan!" Pagshe-cheer ko pa sa sarili ko. Mabuti nalang at patapos na din ako sa pag aayos.

Nang maayos ko na ito ay sumakay na ako at paharurot na pinaandar ang kotse. Pag dating ko sa bahay naligo ako tapos nag luto ng noodles, pag katapos kong kumain ay agad na naka tulog ako.

Zzzzzzzzz •,•

Nagising ako dahil kanina pa tunog nang tunog ang phone ko!
Ang bigat ng pakiramdam ko sinisipon at nilalagnat din ata ako.

"Hello?" Nanghihina kong sagot sa tumatawag.

"Kanina pa ako tumatawag! Bakit ngayon mo pa lang sinagot? Anong oras na? Its already 11 am na!" Dere-deretsong turan ng nasa kabilang linya na si Chris.

Wala naman kaming usapan na mag kikita ah. "Bakit?" Sumi singhot singhot na sabi ko kasi parang may tumutulo sa ilong ko.

" Wait are you okay? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Wala sinisipon lang." Sabay abot ng tissue na nasa bedside table ko; nang maabot ay isinipnga ko agad iyon.

"Sana inilayo mo man lang yung phone." Mukhang nandidiri ito dahil sa aking ginawa.

"OA? Bat ka napatawag?" Naka-pikit na tanong ko dito.

"Pumunta kasi ako sa Restaurant pero wala ka dun, that's why." Anito. "I'll hang up this call. Bye!" Nang madinig iyon ay binitawan ko naman ang phone.

*Tototot!*Tototot!*

Dinig ko pang tunog ng phone.

Nakatitig lamang ako sa kisame at hindi pa bumabangon. Gusto ko lamang matulog, parang binobugbog ang katawan ko sa sakit. Ang sakit din ng ulo ko, gusto kong kumain kaso pag sinusubukan kong bumangon umiikot ang paningin ko.

"Hayst!" Sabay tingin sa aking phone, ipinikit ko na lamang ang aking mata. "Baka busy sila."

Gusto ko sanang tawagan ang kaibigan ko kaso baka busy din yung mga yun ngayon, si kuya naman busy rin baka maka-istorbo lang ako.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata at hinayaang makatulog.

Maya-maya'y naramdaman ko na lamang ang pagtapik ng kung sino sa aking pisnge. "Hey! Wake up." Dinilat ko naman ang mga mata ko.

The Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon