Nasa kusina ako at nag luluto ng almusal namin nila mama nang biglang sumulpot si kuya."Nasa labas si Chris, hinahanap ka."
Sinimangotan ko lamang ito, saka nag patuloy sa aking ginagawa.
"Alis diyan ako na ang magluluto."
"Ano ba kuya, ako na! Sabihin mo sakanya na busy ako."
Nagtaka naman itong tumingin sakin. "Nag away kayo?"
"Hindi!" Sigaw ko sakanya.
"We? kung maka sigaw ka diyan parang ang layo ko!" Singhal niya sakin.
"Anong nangyari sa inyong dalawa diyan at nag sisigawan kayo?" Tanong ni mama na nakatingin samin ni kuya.
Bumaling ito sa akin. "April nasa labas si Chris hinihintay ka, puntahan mo na." Utos sakin ni mama.
Padabog ko naman binitawan ang sandok saka lumabas.
"Ano?" Maangas na tanong ko kay Chris.
"Walang good morning?"
"Sapak gusto mo?" Inambahan ko naman ito.
"Go on and I'll sue you." Naka ngising sabi niya.
Kung nakaka matay lang ang sama ng tingin kanina pa naka bulagta itong si Chris, dahil sa mga tingin na ipinupukol ko sa kaniya.
"Oo na bibilhan na kita ng nova! Yang mga tingin mo mukhang handang pumatay na!" I don't care if I'm acting like a child. Favorite ko talaga yun sina mama nga ih hindi ko nun binibigyan siya lang yung inalok ko nun tapos inubos niya pa! Nasan yung hustisya?
"Talaga?" Masiglang tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ito."Yes pero sasamahan mo akong mag Grocery."
"K fine."
"Okay! I gotta go na may meeting pa kami ng client ko." Pinanood ko naman itong sumakay sa sasakyan niya saka pina andar iyon.
Pumasok naman ako ulit ng bahay.
"Ano nag ka ayos na kayo?" Tanong ni kuya na kumakain na.Ngingiti ngiti akong tumango dito.
"Bakit anong pinag awayan nila?" Curious na tanong ni mama.
Tumingin naman si kuya kay mama."Ewan ko nga diyan umuwi na suot yung jacket ni Chris tapos nag dadabog pang sinara yung pinto. Nung tinanong ko kung anong nangyari hindi ba naman ako pinansin ka gabi!"
"Ano bang nangyari April?" Tanong ulit sakin ni mama.
Yumuko naman ako saka umupo sa katabi ni kuya."Yung Nova kasi inubos niya!"
Tumawa naman si kuya habang naka hawak pa sa tiyan niya si mama naman umi iling iling na naka ngiti.
"What?" Kunot noong tanong ko sakanila.
"Really? Nova?" Sabay tawa ulit ni kuya."Ano ka bata? Para yun lang!"
"Anong yun lang? Isa nalang kaya yun tapos inubos niya pa! Abusado Kaya siya! Sinong hindi mapipikon!" Naka sigaw na sabi ko kay kuya.
"Nasa harap kayo ng pagkain nag sisigawan kayo." Sermon ni mama.
Ngumisi naman si kuya kaya tinuon ko nalang ang aking pansin sa pagkain.
Pumasok naman ako ng kwarto saka nag hanap ng damit na sosoutin para mamaya.
Kinuha ko naman yung White pants at oversize shirt naka kulay blue at tenernohan ng sapatos na kulay black.
Pagkatapos kong ihanda yung sosoutin ko pumasok na ako ng cr at naligo na.
Tinuyo ko naman ang aking buhok saka kinuha yung kulay black kong cap.
![](https://img.wattpad.com/cover/241287814-288-k583384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?