Otw na ako sa para sa meeting namin ng client ko ng masiraan ako ng sasakyan. Mabuti nalang at may tumulong sakin na mag ayos kaya tamang oras lang ako naka dating sa caffe.
"Sorry I'm a little bit late." Pagpapaumanhin ko dito. Ngumiti naman ito sakin."No it's okay kakarating ko palang naman medyo na una nga lang ako sayo."
Tumango naman ako dito saka umupo at nag order na kami.
"So i was saying, Gold and black sana yung kulay para sa birthday ng anak ko." Sabi niya sakin habang tumitingin doon sa brochure na dala ko nandoon kasi yung mga example para sa design na pag pipilian niya.
So ito nga isa siya sa nag papa organize ng birthday party para sa anak niya.
Pagkatapos naming mag usap sabay na kaming lumabas ng caffe.
Nag vibrate naman yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bag. Tumatawag yung kaibigan ko."Hello?" Sagot ko dito.
"Hey April may ginagawa ka?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Actually kakatapos palang ng meeting namin nung client ko." Sagot ko sakaniya.
Pagka tapos naman naming mag usap sumakay na ako sa kotse ko. Mag papasama daw sana yung kaibigan ko mag shopping, kaso sabi ko next time nalang since kailangan ko pang bumalik sa restaurant ko para taposin yung mga trabaho na naiwan ko.
Nag pa alam naman ako sa secretary ko na uuwi muna dahil may nakalimutan akong kunin doon.
Wala naman akong mapag utusan na kunin yun dahil lahat sila busy. Busy din ako, kaso gusto ko na ako ang kumuha.
"Ma'am may nag papabigay po." Sabay abot sakin nung paper bag ni mang Pedro guard dito sa village namin. Tinanggap ko naman ito saka nag thank you sakanya.
Alam ko na kung kanino to galing kaya tinawagan ko naman agad ito."Ano peace offering ito noh?"
Tumawa naman ito sa kabilang linya."Are you busy? Let's go out on a date tonight. I'll fetch you." Pag aanyaya niya sakin.
"Tonight? Sure." Sagot ko naman sakaniya.
Peace offering dahil hindi niya ako binalikan sa Marina beach. Nag sorry naman siya about don kaya okay na.
Mabuti nalang at nakuha ko agad yung hinahap ko kaya naka balik agad ako sa Restaurant. Kailangan kong matapos agad ang trabaho ko para bukas wala na akong masyadong aasikasohin.
Medyo ma aga naman akong umalis para makapag handa sa dinner date namin.
7 pm niya daw ako susunsduin kaya nag ayos na ako ng maaga para hindi siya mag hintay.
Kaso 7 pm na hindi pa siya dumadating kanina pa ako text ng text sa kaniya pero hindi naman siya nag rereply. I try to call him but out of coverage.
Baka naman na traffic lang o kaya na siraan. Nag aalala na ako sa kaniya. 8:30 pm I'm still waiting for him dahil baka dumating siya.
Pero pumatak ang alas dose walang SIYA na dumating. Ilang beses na ba itong nangyari? Dalawa tatlo? Siguro masasanay rin ako.
Nag text naman siya sakin nag sosorry dahil hindi siya ma kakarating dahil may emergency daw na nangyari.
Emergency yeah laging may emergency siya. Alam ko naman busy siya pero sana hindi niya na ako inaya diba? Kasi umasa nanaman ako!
Ang tanga ko naman kasi! I fell in love with the broken hearted man.
Kingna naman kasi! Bat ang bilis kong mahalin siya?!
Kinuha ko naman yung phone ko saka nakita na may 1 message si Jessa.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Relationship
FanfictionTruth or Dare! Larong pangtanggal boring. Paano kaya kung sa larong ito paglaroan din ng tadhana ang damdamin nina April at Attorney Chris? Paano matatakasan ni April ang gulo na kaniyang sinimulan?
