Tristan's POV:
Napasok na namin ang ospital.
Nakakatindig balahibo talaga ang scenario. Ang kalat, debris everywhere dagdag mo pa ang mga ungol ng mga halimaw.
Para kang nasa loob ng zombie sanctuary. Nabaling ang atensyon ko sa batang dala ni Ace ata ang pangalan.
"Bat dinila mo pa yan?"bulong ko na tamang rinig lang naman niya.
"Eh mapilit eh! Wala na akong magawa! Yaan mo na!"
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpukos lang sa harapan.
"Buti pa maghiwa.hiwalay tayo!"suhistyon ni Nikko.
".....Si Francis at ako, Tristan , Christian, Ace at......... JV?? bat ka pa sumamang bata ka? delikado."napakamot na lang na ulo si Nikko.
At ganun nga ang ginawa namin. Umakyat na sina Nikko sa second floor. Kami naman ay naglalakad paabante.
"Hindi tayo pwedeng gumawa ng ingay, silipin na lang narin isa isa ang mga ward baka sakaling may survivor."tugon ni Christian
Isa isa naming sinilip ang mga ward. Natutop namin ang aming bibig sa di inaasang makita.
May mga buhay pa na nilalapa ng zombie. Bukas ang tyan at humihingi ng tulong. Pero wala na kaming magagawa, infected na siya. Onve you're infected, its game over. Nabasa ko lang sa isang ariticle.
Pigil hininga kaming naglalakad ng tahimik. Pinupunasan din namin ang bawat pawis na tumutulo.
Mahirap na, baka maamoy pa nila kami.
Nasa harap kami sa isang laboratory. Sinilip ko ang kabuuan ng silid. May paika.ikang zombie sa loob.
Aalis na sa kami ng....
*EEEEEKKKK* *BLLLLAAAGGG*
"SH*T!!!!"bulalas ni Christian
Hindi napansin ni Jv na may trash bin sa likod niya. Natumba iyon at nakapukaw ng pansin sa mga zombie.
*RRAAWWWRRRR*
"Naloko na!!! TAKBO NA DALI!!"sigaw ko sa kanila
Isa isang nagsidatingan ang mga zombie. Takte! marami rami na ring humahabol samin.
Patuloy lang kami sa pag takbo ng hallway.
Bukas ang isang ward.
*RRRRAAAAAAWWWWRRR*
*SWWIIIISSSSH*
—————
Nakarating kami sa isang room. Inikot ko ang paningin ko. This must be an emergency room.
Patay sindi ang ilaw.
*RRRRAAAWWRRR*
"KUYA ACE!!! Aaaaahhhhh!!!"
"JV !!!" sigaw ni Ace
*SWWWIISSSH"
"K-Kuya nakalmot ako s-sa hita..."
Akmang lalapitan niya si Jv.
"Wag, infected na siya. Wala na tayong magagawa."sabi ko kay Ace.
"K-kuya tu-tulong......"
"Alam ko ang gagawin ko Tristan. MedTech student ako."sabi nya sabay lapit kay Jv.
Inilapag niya si Jv sa stretcher. Pinunit niya ang dulo ng kanyang damit.
Namumutla na si Jv.
Bago pa matapos bendahan ang binti ni Jv.
*RRRAAAAWRRR*
"Aaaaaahhhhh"
"ACE!!!" at agad namin siya hinila ni Christian. Nilapag namin siya sa sahig. Mukhang mabilis kumalat ang virus. Naglulupasay na si Ace
"Infected na siya. In a wink of an eye magmumultiply ang virus. Tara na Christian...."ani ko kay Christian.
"Hindi ba natin sila papatahimikin?" tanong niya sakin.
"No, hindi ko kaya."sabi ko.
Nagmadali kaming lumabas ng ER.
Bago kami tuluyang makalabas, sinulyapan ko sina Jv at Ace.
"You guys was brave enough."
At tuluyan na kaming tumakbo.
Umakyat kami ng second floor.
May mga zombie sa hallway.
"BackFront tayo Christian"
"Sige..."
Dahan dahan kaming naglakad.
Isa isang nagsilapitan ang mga zombie
*RRAAAWRRRR*
*SWWIIIISSSH*
*RRRAAAWWWRR*
*RRRAAAWWWRR**SWWIIISSSH*
Nakakapagod ang pinanggagawa namin. Halos dalawampu napatay ko.
"Okay ka lang? Hindi ka na kalmot?" tanong ko sa kasama ko.
"Oo, okay lang so far."
"Tara na...."
—————
(A/N : Ohh noo!! Two men down. Hindi ko man inaasahan pero ganun talaga ang daloy ng story...May susunod pa ba? Keep reading lang mga pards! VOTE and COMMENT ha! Thanks sa pagbabasa! Labyhow!!!)
YOU ARE READING
The Zombie Tsunami
HorrorNa iisip mo ba na paano kung magkatoo lahat ng napapanood mong HORROR movies? Paano mo ba haharapin ang mga circumstances? Paano kung magkakaroon ng zombie tsunami? Lahat ng yan ay nag.uumpisa sa "Paano kung at Bakit"