Chapter 34

171 10 3
                                    

Nikko's POV

"JR!! PeeJay!!"sigaw ni Ate Shy ng makarating kami sa laboratory.

Dito pala nagmula ang pagsabog. Wasak ang paligid ng laboratory.


"Yuri!!!'agad kong nilapitan si Yuri. Duguan siya.


"....Yuri! ano bang nangyari?"inalalayan ko siya para maupo.


"Matapos gawin ng mga doctor ang cure, tinurokan nila ang isang guwardiya... Akala namin maayos na, biglang natumba ang guwardiya..... nakita naming naging kulay abo ang mata niya at nagwala sa loob ng lab kasabay nun ang pagsabog ng burner na may sulfuric acid. Nag liyab bigla ang lab at yun......"

***
Yuri's POV

"Yuri..."sambit ni JR

Napatingin ako sa monitor, nagtatawana ang tatlong doctor. Successful ata ang pagformulate ng cure.

Tinawag nila ang isang guard at tinurokan ng cure. Napangiti ako kasi maayos naman ang kondisyon ng guard aalis na sana ako sa may monitor..... "Yuri!!"sambit ni JR. Nabaling ang tingin ko sa monitor na kuha mula sa loob ng lab.

Biglang natumba ang guard na agad naman bumangon. "Tingnan niyo ang mata ng guwardiya.."biglang sabi ni PeeJay.

Nagitla kaming tatlo sa nakita. Naging kulay abo ang mata ng guwardiya na kasing kulay ng mga halimaw sa labas.

Biglang nagwala ang guwardiya. Nagkagulo na sa loob ng lab, lumiyab ang burner na may sulfuric acid! Sh*t!


"TARA!!!"bulalas ni JR

Bago pa kami makapasok sa lab..


*BBBOOOMMMM*

"Aaahh"tumilapon kami palabas.

***
Nikko's POV

"T-Tulong!! "daing ng isang lalaki sa may sulok. Siya yung bumaril kay papa.

Hinablot ko ang hawak na baril ni Ate Shy.


"N-Nikko!!!"sigaw ni Ate Shy.

Nilapitan ko ang doctor at tinutok sa kanya ang baril.

*BANG!*

"Rest and Peace!!!"sabi ko.


*riiinnggggg*

Biglang tumunog ang alarm at naging kulay pula ang paligid.


"Kailangan na nating umalis!"sabi ni Christian.

"Paano ang cure?!"si Hime

"May na.itabi ako prototype nun...Eto!"sabay abot ni Yuri ng bote.

"Christian!! tulungan mo akong magformulate..."agad na tumango si Christian.."Tristan, bumalik kayo sa kwarto, sa ilalim ng kama may isang suitcase dun, kuhanin niyo... tatlong bote yun ng cure. Mag.ingat kayo!"dagdag ko pa.

"Sama kami sayo!"sabay na sabi ni Jane at Hime. Sumama na rin si Ate Shy kina Tristan.


Ginamot nila Thea at Anne sina JR at PeeJay. Pumasok na kami ni Christian sa lab. May mga gamit pa naman hindi na purohan. Hindi madaling magformulate, aabot ng dalawang oras.


Si Yuri naman ay nakabantay sa pinto. May mga halimaw na rin kasing nakapasok. Mukhang kami na lang ang natitira dito sa loob, ang ibang guwardiya kasi naging halimaw na.


Kaya namin to!

"Raaakk na to!!!"bulalas ni Christian

The Zombie TsunamiWhere stories live. Discover now