Chapter 32

153 9 0
                                    

Christian's POV

"Hoy Nikko! Bat hindi ka mapakali jan? Kanina ka pa lakad ng lakad, nakakahilo ka kaya."

"Huh? A-ahhh w-wala! May iniisip lang."kinakabahan niyang sabi.

Maya maya bumukas yung pinto.

"Kakain na daw!"sabi ni Yuri tapos umalis na din.

Tamang tama! Gutom na ako! "Nikko tara!"aya ko sa kanya.

"Sige, susunod lang ako."

---
Nikko's POV

Nakaka.ilang lang kanina kasi kasabay namin yung tatlong traydor kumain.


"Nikko, hindi anong ginagawa mo dito?"tanong ni Christian.

"Amboring na din kasi sa kwarto lang."sagot ko.

Naisipan ko kasing maglibot.libot. Iwan ko pero parang may bumulong sakin na dito pumunta sa laboratory kung saan pinaprocess yung cure.

Bat sila pa kasi yung naatasan na gumawa ng cure! Silang tatlo lang ba ang doctor dito? Tahimik lang kaming nanood ni Christian sa tatlo.


Maya maya pasimpling nilagay nung babae ang tatlong bote ng gamot o yun ba yung cure sa isang drawer. Para kinutoban ako bigla.

"Nikko, tingnan mo! Parang mali ata yung ginagawa nila. Para nireverse nila yung formula."mahinang sabi ni Christian.

Hindi ko na lang siya tiningnan, pinagmasdan ko na lang ng mabuti ang tatlo.

Imbis na kulay berde ang kalabasan ng cure, naging kulay maroon sa kanila. Ganun na ba sila ka desperada.

"N-Nikko! San ka pupunta!?"tanong ni Christian

Na.isipan kong pumasok ng laboratory. Pagkapasok ko parang nagitla sila tatlo.


"Oh! Nikko, what are you doing here?"tanong nung babae.


Lumapit ako sa may drawer kung saan nila tinago yung ibang cure.

"Nakita ko po kasi nirereverse niyo yung formula, naisipan ko lang po na baka kailangan niyo ng tulong, alam ko naman po yung formula nun.."

Nakatalikod ako sa drawer. Nasa likod yung dalawa kong kamay. Nasa opposite side kasi sila.

Nagkatinginan pa sila. Mukha talagang demonyo!

"No, thanks hijo. Kaya na namin to just have a rest para kung sakaling atakihin kayo ng mga halimaw, ay may lakas kayo para lumaban.."sabi niya at tumalikod na. "para sa inyung kamatayan."

"Po?"tanong ko sa huli niyang sinabi.

"W-wala! sige na, puntahan mo na ang mga kaibigan mo."sabi niya.

Ng masiguro kong nakuha ko na yung bote. Agad na kaming umalis ni Christian.

Sa control area kami dumericho kung saan andun sina Yuri, pati si papa.


"Tito tingnan niyo.."sabi ni Yuri at agad kaming tumingin sa monitor na kuha ng CCTV


"Bullsh1t!!! KAGAGAWAN PALA NILA KUNG BAKIT NAKAPASOK ANG HALIMAW!?! Mga hayop!!!"pagmumura ni sabag labas ng control area.

"Pa!! san ka pupunta!? Sandali!"


Agad ko naman siya sinundan, nakasunod din pala sila Christian.

*Bang!*


"Papa!!!!!"nakita kong bumagsak si Papa malapit sa pinto ng lab.


"Pumapapel kasi."mataray na sabi nung babae.

"G*GO KAYO!!!"napahinto ako sa paglapit sa kanila ng tinutukan ako ng baril nung isang lalaki.

"Subukan mong maki.alam, kundi sasabog yang bungo mo!!!"bulalas niya.


Napa.close fist nalang ako.


"Tara na Nikko."agad akong hinila ni Christian.

Bago pa kami tuluyang makalabas ng lab. Tiningnan ko muna ang tatlo. "Pagsisisihan niyo rin tong ginawa niyo!"mahina kong sabi.

The Zombie TsunamiOnde histórias criam vida. Descubra agora