Chapter 24

158 8 1
                                    

Shy's POV

Napunta kami sa isang abandonang bodega.

Hindi ko masasabing 100% safe siya, pero hindi naman ito basta basta masisira kapag pinasabogan.

Patuloy pa rin ang pagsabog sa labas.

*GRRRRLLLLL*

"Ate may halimaw ata?"mahinang tugon sakin ni Ruth.

"Bruha! tyan mo tumutunog! Oh eto biscuit pagtiisan mo muna."

May naitabi kasi akong supply sa bag ko. Good for us naman siguro ito. Haha Girls Scout ata to!

Binigyan ko sila isa.isa ng biscuit at tubig. Buti na rin yun.

Makakaligtas din kami sa outbreak na to. Pinikit ko ng bahagya ang mga mata ko.

"In God we trust."sabi ko ng mahina.

————
Nikko's POV

"Mukhang naka.alis na sila dito Nikko."sigiro nga tama si Christian. Wala ng tao sa loob ng bahay.

Papaandarin ko na sana ang sasakyan ng may matanaw ako sa di kalayuan. Parang pamilyar sakin ang suot.

"Nikko ayun pala si Hannah eh. Tatanungin ko lang kung nasaa---"

Bababa na sana si Christian ng sasakyan. Parang may mali kay Hannah.

"Christian sandali. Tingnan mo!"

Nanlaki ang mata ni Christian ng ituro ko si Hannah. Pinagmasdan namin ng mabuti.

"Isa na siya sa mga halimaw."biglang sabi ni Anne.

Napa.close fist ako at nasuntok ang manibela.

"Tara na Nikko, hindi pa yun sila nakakalayo."tugon ni Anne.

Pinaandar ko na ang sasakyan at nilagpasan na lang si Hannah na pa.ika.ikang maglakad.

————

"Nikko sa tayo pupunta?"

"Hindi ko din alam Christian."may nalagpasan kaming isang bodega. Ewan ko pero parang gusto kong pasukin yung bodegang yun.

"Nikko ibalik mo!"utos ni Anne.

"Sira ka ba? Andaming halimaw sa likod oh! Hindi mo ba nakikita?"pambabara ni Christian.

"Basta!!! Ibalik mo!"

Wala na akong magawa kundi sundin siya.

Tinuro niya ang nasa tapat ng pinto ng bodega. Teka! Isang jacket?

"Di ba kay Jane yun?"tugon ni Christian.

"....ibig sabihin anjan sila!"dagdag pa niya.

—————
Thea's POV

"Jane, asan yung jacket mo?"tanong ko.

"Naiwanan ko sa labas. Baka kasi mapadaan sina Nikko o di kaya sina Tristan, malaman nilang andito tayo."

Matalino din tong isang to ha. Tumango na lang ako. Hihiramin ko lang sana kasi giniginaw ako.

May nakita akl main switch at pinindot ko. Hindi pa siya bodega. Malakimg hardware pala.

*blag blag blag*

Na alarma kaming lahat sa pagkalabog ng pinto. Kumuha kami ng mga bakal total hardware nga di ba.

Pare pareho kaming nakiramdam ng susunod ng mangyayari sa harapan ng pintuan.

*blag blag blag*

————
(A/N : Sorry po mga pards sa slow updates! Sorry talaga! Pero bumabawi naman ako eh. ^______^ salamat sa mga solid na nagbabasa ha! please do vote and comment para maramdaman ko naman kayo. Add niyo din ako sa fb@ Miles Gerasol. Follow ni na din ako sa wattpad and add niyo sa library niyo story na to if nagustuhan niyo! THANK YOUU)

The Zombie TsunamiWhere stories live. Discover now